“ANO na ang gagawin ko, Kaycee?” tanong ni Riza. Tinawagan niya ang kaibigan at ikinuwento ang bagong development sa pagitan nila ni Marc. Ikinuwento rin niya ang tungkol sa mga halik na pinagsaluhan nila ng binata. Wala siyang choice kundi sabihin sa kaibigan ang mga iyon dahil kailangan niya ng kausap. “Baka naman feelingera lang pala ako. Alam mo `yon… assuming. Pero bakit naman niya ako hahagkan ng ilang beses? Bakit ipinaparamdam niya sa akin na espesyal ako?” “I honestly don’t know what to say. Mahirap kasi kung walang sinasabi si Marc. Wala kang panghahawakang salita. Isa pa, paano kung… Well, kung physically attracted lang siya sa `yo. And you know where physical attraction leads to, right? Handa ka ba roon?” Napapikit si Riza. Hindi niya inaalis ang posibilidad na baka physical

