“MARC! Marc! Marc!” “Oh, God, Marc!” “Mi amor!” Kinikilabutan si Riza sa tila hindi-mahulugang-karayom na mga tao na dumagsa para lang masilayan at mapanood ang exhibition ni Marc sa Alabang Circuit, ang bago at kauna-unahang MotoGP racetrack na pag-aari ng isang bilyonaryong Pilipino. Sa pagkakaalam niya, ang exhibition ni Marc ang pinakapasinaya ng naturang racetrack. Ayon pa sa balita, doon idadaos ang isa sa mga round sa susunod na season ng MotoGP. The Filipino fans were overwhelming. Hindi nakahadlang ang matinding sikat ng araw para dumagsa at magsiksikan ang mga tao makita lang ang Filipino-Spanish champion. Dalawang araw na ang nakararaan mula nang lumuwas sa Maynila si Marc. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay pinuntahan ng binata ang mga media commitments sa Pilipinas. Sa lo

