Sinundan naman niya ako at nakita ko pa sa repleksyon ng salamin na napakamot siya ng ulo at biglang nataranta. Pero pinanatili kong seryoso iyong mukha ko kahit sa loob-loob ko ay natatawa na ako sa hitsura niya. Mukha kasi siyang frustrated na ewan. Bahala siya riyan. Sino kasing may sabing ipasagot niya sa ibang babae ang tawag ko? “Alright,” napahinto ako sa pagsusuot ng shorts ko nang bigla siyang magsalita. Itinuloy ko ang pagsuot ng damit ko hanggang sa blouse saka siya hinarap. “Turuan mo ako kung paano bumili ng mga sinasabi mo. O kaya ay samahan mo na lang ako at doon na lang tayo kumain,” nagpapahinuhod niyang sabi. Tipid ko siyang nginitian ngunit nakataas pa rin ang isang kilay ko. “Tinatamad na akong lumabas. Kaya ikaw ang bumili at dalhin mo rito. Madali lang iyon, Stan.

