“Hello? Who’s this?” naputol ako sa pagsasalita nang marinig ang mataray na boses ng isang babae. Parang may kung anong malaking bato ang dumagan sa dibdib ko nang dahil sa boses na iyon. Tumikhim ako bago sumagot. “Hi, puwede bang makausap si Stan?” pabilis man nang pabilis ang t*bok ng puso ko ay kalmado pa rin akong nagtanong. “Tinatanong ko kung sino ka? Ano’ng kailangan mo kay Stan?” patuloy lang sa pagtataray ang babae sa kabilang linya kaya lalong tumataas ang nararamdaman kong unti-unting pagkabuhay ng inis sa puso ko. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniyang girlfriend niya ito, kaya lang nangako kami ni Stan na walang pagsasabihan ng tungkol sa amin. Para raw hindi ako madamay sa mga nangyayari sa kaso ni Charry ay napagkasunduan muna naming ilihim ang tungkol sa relasyon namin

