chapter 3

3047 Words

Anák ng̃ isáng lipìng mayaman at kilalá sa Maynilà, mainam ang tindíg at may kasapatáng mábantóg, ay hindî nagkaroon kailan man ng̃ hilig sa pagpaparì; ng̃unì’t dahil sa iláng pang̃akò ng̃ kaniyáng Iná ay pinilit siyang pumasok sa Seminario matapos ang di kakauntìng pagtutunggalî at matindíng pagtatalo. Ang Iná’y may matíbay na pakikipagkilala sa Arsobispo, may matigás na loob at walâng pagbabago sa anómáng máisip, na gaya ng̃ sino mang babaing may pag-aakalàng umaalinsunod sa hang̃ád ng̃ Dios. Walâng nangyari sa tutol ng̃ binatàng si Florentino, hindî nagkabisà ang samò, walâng nahitâ sa pagsasabing siya’y may iniibig at gumawâ na tulóy ng̃ guló; magpaparì siya at ng̃ umabot sa dalawáng pû’t limáng taón ay naging parì; ang Arsobispo ay siyang naggawad sa kaniyá ng̃ mg̃a _orden_

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD