chapter 4

2957 Words

Ang kaniyáng anák na si Tales (palayaw ng̃ Telesforo) ay nakisamá muna sa isáng namumuhunan; ng̃unì’t ng̃ malaunan, ng̃ magkaroon ng̃ dalawáng kalabáw at mg̃a iláng daáng piso, ay gumawâ na sa sarili, na katulong ang kaniyáng amá, ang kaniyáng asawa at ang kaniyáng tatlóng anák.   Hinawan ng̃â at lininís ang makapál na gúbat na nasa labasan ng̃ bayan na inakalà niláng walâng may-arì. Nang kaniláng ginágawâ ang lupà at máayos ay linagnát na isá isá siláng mag-aanak at namatáy ang Iná at anák na pang̃anay na si Lucía, na nasa katamtamang gulang. Ang bagay na iyón na sadyáng ibiníbigáy ng̃ pagkakabungkál ng̃ lupà na saganà sa sarisarìng bágay, ay inakalà niláng higantí ng̃ mg̃a lamán-lupàng naninirahan sa gubat, kayâ’t kinalamay nilá ang kaniláng loob at ipinagpatuloy ang gawàin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD