Stacey Suarez
SA PAGLABAS KO ng eroplano ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin. I never thought that going back here again still feels home. Memories started flashing in my head, including the memories how I survived in Paris. Hindi ko lubos maisip na sa pag-alis ko ay halos isumpa ko ang mga tao na nakilala ko rito. Pero heto ako ngayon, muling nagbabalik.
I pulled my language while searching for Ericka who said will fetch me here in the airport. Hindi pa ako nakakalabas nang marinig ko na may tumawag sa akin. I turned around and was a bit confused at first when I saw his face.
“Stacey Suarez. Ikaw nga!” he snapped and moved closer just right in front of me. Nung una ay nag-aalangan pa ako kung ngingitian ko ba siya o hihintayin na maalala kung sino nga ba ang lalaking ito na nakasuot ng mamahaling t-shirt at maayos ang porma ng pananamit.
My mouth dropped when I slowly realized who the guy is.
“Gin?”
“Glad you still remember me.” He smirked at me and scanned me thoroughly. “Kumusta kana? I never heard about you since we broke up. Umalis ka raw ng bansa? Are you here for vacation? Lalo kang gumaganda.” The way he said mentioned our break-up seems so casual. Well, that’s all in the past now. Sobrang tagal na rin nun.
“I just came back. How about you?” Nilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Hindi ko inakala na magkikita kami rito. O may makakakilala pa sa akin matapos kong maglaho na parang bula.
“Hinatid ko yung kapatid ko.” He crossed his arms and landed his gazed on my language. “Are you alone? Pwedi kitang ihatid. My car is parked outside.” There is an enthusiasm on his face after seeing me again.
“Ericka is actually waiting outside. Thank you for the offer though.” Tumango ako at magpapaalam na sana ng alokin niya muli ako na ihatid kahit sa parking lot lang.
“Naroon din naman yung kotse ko kaya… Sabay na lang tayo.” He shrugged his shoulder and can’t stop staring at me while we are walking. “Did you came back because of the rumored up-coming engagement party of Suarez and Palma?” He took my one language, siya na ang humila nun para tulungan ako.
I rolled my eyes and chuckled in disbelief. Napasulyap siya sa akin at napangiti sa naging reaksyon ko.
“They are still pushing that rumor? Bago pa ako umalis ay yun na ang chismis, hanggang ngayon hindi pa rin matuloy-tuloy.” Tumaas ang kilay ni Gin at napatango bilang pagsang-ayon.
“It was supposed to be you and Eric Palma before, right? Kung hindi lang nagkagulo sa mansion ng Suarez at sumulpot ang totoong anak ng Gobernador,” he uttered carefully. Ramdam ko ang pagsusubok niyang hindi maging mabigat ang topic na binuksan. “Anyway! I hope your back for good… so we could catch up just like the old times,” makahulugan niyang usal.
“I guess I’ll stay here for good,” I murmured when we reached parking lot.
Luminga-linga ako para hanapin si Ericka. Her last message says that she is here.
“Mukhang wala pa yung sundo mo.”
Hindi ko pinansin si Gin at sinimulang tawagan ang kaibigan ko. But she didn’t picked up. Sa pangalawang pagkakataon na ida-dial ko ang numero niya ay may makintab na sasakyan na huminto sa harapan namin. Bumukas ang pinto ng driver’s seat ngunit natigilan ako sa nakitang lumabas doon. I will assume that Ericka is inside and her driver is him. But no sign of Ericka came out of the car.
Pagkalabas pa lang ng lalaki sa sasakyan ay agad ko siyang nakilala. I can never be wrong on every details of him na halos kabisado ko na. Unti-unting umangat ang ulo niya at agad na nagtama ang mga mata namin. Just looking at his eyes, I know there’s a lot of things that already change for that four years. At sumisikip ang dibdib ko sa galit at sakit, seeing him now with his cold and distant eyes. Telling me that I will never reach him anymore. That he is already afar from me.
Anong ginagawa niya rito? Pinadala ba siya ni Ericka? Pumayag siya na sunduin ako?
“What is Eric Palma doing here? Siya ba yung sundo mo?” taka at litong tanong ni Gin. “Hanggang ngayon ba naman nakabuntot pa rin yan sayo?” there is something on his voice that doesn’t like the presence of the man who just came out of the car.
“I have no idea,” bulong ko pabalik sa kanya at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan.
Pumunta siya sa harapan naming dalawa ni Gin. His thick eyebrows met in confusion before Gin greeted him. Hanggang sa pinirmi na niya ang titig sa akin.
“I’m here to fetch you,” he said casually as he crossed his arms.
Unang pahayag na binitawan niya ay nagpakirot sa dibdib ko, not because of what he said. But because of his voice that I haven’t heard for four years. Para bang lahat ng alaala naming dalawa ay bumalik sa akin bigla. Those memories where we were so in love, his playful smile whenever he sees me, and the way he look at me back then. At ang alaala na yun ay masakit nang balikan lalo na na makita siya ngayon na tila kay layo na ng distansya namin sa isa’t isa gaano man ako kalapit sa kanya.
Sinikap kong maging kalmado bago umarap kay Gin at tipid siyang nginitian.
“Thank you, I think I have to go. It’s nice seeing you again, Gin.”
Saglit niyang sinulyapan si Eric bago ako tinanguan.
“Mag-ingat ka. Hope to see you again.” He winked at me and waved before he turned around.
Lumapit si Eric sa akin at tahimik na kinuha ang bagahe ko. I watched him put my things at the back of his car. Hindi ko maiwasan na mapairap at binuksan ang cellphone ko para i-message si Ericka ngunit narinig ko ang pagsarado nito sa likod ng sasakyan niya. Hudyat na tapos na siya sa pagpasok ng mga gamit ko sa loob.
“Why are you still standing there? Are you waiting for me to open the door for you, Princess?” walang halong biro niyang tanong.
Pagak akong natawa sa tinawag niya sa akin habang pinapanuod siyang pumasok sa loob ng sasakyan nito. Bubuksan ko sana ang pintuan ng sasakyan niya ng tawagin ako ni Gin at nakita ko ang pagbalik nito.
“I forgot to get your number.” Huminga muli ng malalim. “Buti naabutan pa kita. Puwedi ko bang hingiin?”
“Sure. Give me your phone.” Nilahad ko ang palad ko sa harapan niya at nilagay naman nito agad ang cellphone nito. Mabilis kong tinipa ang numero ko nang biglang marinig ang pagbusina ng sasakyan ni Eric kaya napatalon ako sa gulat.
“Mukhang nagmamadali ang kasama mo.” Gin smirked na tila na-offend ng konti sa ginagawang pagbusina ni Eric sa amin. “Thanks! I’ll just message you.” Matamis niya akong nginitian at nag-aalangan pa akong pumasok sa loob ng sasakyan, once I entered inside, we will be stucked together. Ngunit sa huli ay wala na ring nagawa.
Agad akong napasulyap sa katabi ko na mariin ang titig sa daan. He moved the steeringwheel na para bang nagmamadali.
“Hindi mo kailangang bumusina. Kung nagmamadali ka ay sana hindi kana nag-abala pang sunduin ako.” I crossed my arms and leaned comfortable on the chair.
“Kung sana sinabi mo na may sundo ka naman pala. Wala sanang naabala ngayon.”
Napataas ako ng isang kilay sa sinabi niya. Kung ganun abala pala talaga ako sa kanya? At iniisip niya ba na sundo ko si Gin?
“Aksidenti ang pagkikita namin ni Gin. Hindi siya nandito para sunduin ako,” depensa ko. “Si Ericka ang dapat na susundo sa akin—“
“Ericka is busy helping mom to prepare the dinner for you. Ang driver ay kasama ni papa,” paliwanag niya na tila ba yun ang kasagutan sa tanong ko kung bakit siya ang nandito. Para pang pinapaabot niya na napag-utusan lamang siya at napilitan na pumunta rito.
Umirap lang ako at hindi na siya inimikan pa. Para may pagkaabalahan ay nilibot ko na lang ang tingin ko sa loob ng sasakyan niya ngunit aksidenting napadaan ang tingin ko sa kanya. I can’t help but stared at him and reminisce the Eric I know four years ago. Years changes him gorgeously… and coldly.
He is so serious and focused driving the car. Ang polo na suot nito ay napakapormal at nakatupi hanggang siko, on his wrist he is wearing a branded and expensive watch. His body grew manlier and maturely. Umangat ang titig ko sa kanya. Tulad noon ay laging nasa ayos ang buhok niya, mas humaba lang ngayon ng konti. Bumaba ang titig ko sa matangos nitong ilong at malambot na labi. Well, I guess even how firm and intensifying his heart is, may malambot na parte pa rin naman sa kanya. Napanguso ako sa tumatakbo sa isip ko nang bigla siyang bumaling sa akin dahilan para magulat ako at mabilis an umiwas ng tingin.
Tumikhim ako at marahan na napalunok. Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako bigla kaya inangat ko ang kamay ko para lakasan ang aircon ng sasakyan niya. Saglit siyang napasulyap sa kamay ko at mabilis na umangat ang tingin sa aking mukha.
“Mainit ba?” seryosong tanong nito.
Mas lalo lang akong pinagpawisan sa tanong niya. Tanging nagawa ko ay irapan siya sa inis at hindi umimik.
There is a long silence inside his car. Ang paligid ay nag-aagaw dilim na. Makikita na rin ang pag-ilaw ng mga establisemento. Nakita ko sa gilid ng kalsada ang mga estudyante na naka-uniporme pa. Hindi ko maiwasan na napangiti, this feeling is bringing back so much memories. Hanggang sa umilaw ang cellphone ko na nasa ibabaw ng aking hita at sabay kaming napatingin doon ni Eric.
An unregistered number appeared on the screen. And it was Gin. Tinignan ko ang reaksyon ni Eric ngunit ang atensyon nito ay nasa daan na at tila may malalim na iniisip, he licked his lower lip and his jaw moved tightly. The lights on the street is the only thing that illuminates inside of his dark cold car. At sobrang bigat sa pakiramdam na makasama siya sa ganito kaliit na espasyo.
“Anong ginagawa ni Gin sa airport?” takang tanong bigla nito. Magkakilala sila kahit papano ni Gin at alam nito na isa siya sa mga naging boyfriend ko bago siya.
“I don’t know. We just accidentally bumped into each other.” I know why Gin was there, but I am not in the mood to talk to him. Ayoko pahabain pa ang pag-uusap namin. Ang gusto ko lang ngayon ay makarating na sa bahay ng mga Palma.
“And what? He took your number? Hindi ba ex mo yun?” boses niya na tila ba may masama akong ginawa.
“Aren’t we allowed to be friends?”
“Walang ex ang nagiging magkaibigan,” agap niyang rason na para bang yun ang dapat kong sundin.
“They can become friends. Kung hindi naman ganun kabigat ang dahilan ng break up nila. Unless, the break up with my ex is very painful and traumatizing. Puwes! Hindi ko siya kakaibiganin,” usal ko na may pinanghuhugutan. “If it involves cheating. I will never be friend with my ex,” madiin ko pang dagdag.
His mouth is half-open and was about to speak. Ngunit walang lumabas sa bibig niya. He closed his lips and didn’t say anything after that. Guilty ka, Palma? I just heard him smirked in mockery. Hindi ko na ito pinansin pa.
Hindi nagtagal ay huminto na ang sasakyan at mukhang nakarating na kami. I sighed in relief for feeling suffocated inside his car. Kanina pa kumakabog ang dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba sa inis o ano. I just can’t take being with him in a closed area.
Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan niya habang siya ay nagtatanggal pa lang ng seatbelt. Pumasok na ako agad para hanapin ang magaling kong kaibigan na ang sabi ay siya ang susundo sa akin sa airport.
Pagpasok ko sa loob ay napahinto ako sa naabutan ko na nakaupo at naghihintay sa sala. Her legs are crossed and the branded bag is beside her. Suot nito ay isang dress na hindi umaabot hanggang tuhod. Ang buhok nito na noon ay hanggang balikat lang lagi ay humaba na umaabot sa kanyang baywang. May mapulang lipstick sa labi at kolorete sa mukha. She still looks pretty, pero malayo na sa nakilala ko noon na simpli lang.
The way she looked at me, it is exposedly examining everything about me. Ang titig niya mula ulo ay bumaba hanggang sa paa ko. When she felt satisfied, she smirked.
Napabaling ako sa gilid ko, Eric who is near me looked at me puzzled. Hinawakan nito ang isa pang pintuan para buksan ang double door.
“Bakit hindi ka pa pumasok?” Binuksan nito ang pintuan at nakita ko kung paano saglit na natigilan ang katabi ko nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa sala.
“Hindi mo nasabi sa akin na susunduin mo pala ang kapatid ko. Sana naman nakasama ako,” she sound dismayed but still her voice is sweet. Tumayo ito at pilit na ngumiti sa aming dalawa.
“Shaynah…” Eric uttered and glanced at me. Una siyang lumapit kay Eric para halikan ito sa pisngi. I saw how Eric one hand rested on her waist. That hand is like trying to remove what doubt she might feel right now that made me rolled my eyes in annoyance. “You didn’t tell me you’ll come?” may pagtataka sa boses nito.
“Nabanggit ni Tito Erickson ang pag-uwi niya. Nakakahiya dahil bakit kailangan pang dito siya tumuloy kung bukas naman ang mansion para sa kanya.” Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin. “Ano na lamang ang iisipin ng ibang tao?”
Mapait akong napangiti sa pagpaparinig niya sa akin. Sa tingin niya babalik pa ako ng mansion matapos ang ginawa nila sa akin?
“Gusto mo ba na bumalik ako ng mansion? Bukal ba yun sa loob mo, Shaynah?” kompronta ko sa kanya. She may now look confident compared before, but I still see something on her eyes that never changed. She doesn’t want me here.
“Of course!” she said with enthusiasm but I highly doubt it. Kilala ko siya at sabay kaming lumaki. “Sana man lang bago ka dumiretso rito ay naisipan mo na bisitahan si papa. Apat na taon kang nawala at sa iba pa namin malalaman ang biglaan mong pag-uwi.”
“Don’t worry, Shaynah. Bibisitahin ko kayo ni papa. At sisiguraduhin ko na may regalo akong hinanda sa pagbalik ko ng mansion.” Pilit ko siyang nginitian. Nakita kong saglit siyang natigilan sa sinabi ko.
“Kung ganun sa mansion ka tutuloy?” may halong iritasyon nitong tanong na pilit tinatago. Ngayon lumalabas din ang totoo, ayaw niya pa rin na bumalik ako ng mansion. “Ano pang ginagawa mo rito?”
“Shaynah…” Eric mumbled and held Shaynah’s wrist to calm her. “Mom invited her for dinner. Inalok din siya na rito muna tumuloy sa bahay.”
“And she has the gut to say yes?” Pagharap niya kay Eric.
“Kung wala kanang sasabihin sa akin, mauna na ako sa inyo. I don’t want to waste my time here hearing your drama,” sambit ko sa kanya at mabilis na silang tinalikuran.
Mabibigat na hakbang ang ginawa ko nang iwan ko ang dalawa sa sala. They get even closer to each other and it is evident. It’s my first time seeing Eric held Shaynah on her waist like that. Kaya ba siya dumidistansya sa akin? To protect his girl?
Naisip ko bigla ang sinabi ni Shaynah kanina. Nakarating na pala sa mansion ang pagbabalik ko. Ano kaya ang naging reaksyon ng Gobernador matapos marinig ang balita kay Tito Erickson na nakauwi na ako? Natuwa ba siya at nakabalik na ako? Siguradong hindi. Baka nagtataka pa ito kung bakit pa ako bumalik.