Stacey Suarez
“THE GREAT STACEY Suarez is finally here!” salubong sa akin ni Tito Erickson nang makita ako. Hawak sa isang kamay ay ang alak. Dahil doon ay napabaling sa akin ang dalawa pang tao na abala sa pag-aayos ng lamesa.
I heard Ericka shrieked in excitement. Mabilis niya akong nilapitan at mahigpit na niyakap. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ganun din ang mommy nito na si Tita Melly.
“Mas lalo kang gumanda. Ito ba ang epekto ng Paris? Halos hindi kita makilala,” emosyonal nitong usal sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
Nahihiya akong napangiti sa kanila.
“We were supposed to fetch you in the airport ngunit pinasundo na lamang kita kay Eric dahil gusto ko ako ang maghanda ng pagkain para sayo,” Paliwanag ni Tita Melly.
Binalingan ko si Ericka para hingiin din ang explanations nito.
“Ako?” she put her palm on her chest. “I helped mom to prepare dinner. Tsaka nilinisan ko yung guest room mo!”
I just shook my head and smiled at her.
“Naku, Tita! Na-miss ko ang luto mo,” usal ko nang bumaling muli sa ina ni Ericka.
“Nagkita ba kayo ni Shaynah? Kanina pa siya naghihintay sa sala.” Tita wearing a sweet smile on her lips.
“Inimbitahan ko ang iyong ama ngunit mukhang abala sa trabaho at hindi nakapunta,” usal ni Tito sa akin dahilan para mailang ako ng kaunti. I haven’t seen him for five years. The last time we saw each other was too heartbreaking. That was the lowest point of myself. And seeing him again, I wouldn’t probably be the same Stacey who used to love him.
“Kilala mo naman yun si dad, Tito. Mas uunahin ang trabaho niya.” Ma-dramang lumabas si Shaynah mula sa kitchen kaya napabaling sila roon. Sa likod nito nakasunod si Eric na mukhang hindi maganda ang timpla ng mukha. “Thanks for inviting me, Tito. Hindi rin naman talaga dapat ako pupunta kasi walang susundo sa akin. But I still managed to come,” pagpaparinig nito at sinulyapan si Eric.
“I’m sorry, iha. Inutusan ko kasi si Eric na sunduin ang kapatid mo.” Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni Tito. Hindi ko siya kapatid.
“Maupo na kayo nang makakain na tayo.” Tita Melly didn’t left beside me until I settled down on my seat. Nakita ko kung paano sumunod ang mga mata ni Shaynah sa bawat galaw ko hanggang sa makaupo ako.
I sat between Ericka and Tita Melly, sa harapan namin ay sina Shaynah at Eric. While Tito Erickson is sitting on the center.
“Here!” nilagyan ni Tita ang plato ko ng kanin at ulam. “Tama na ba yan?”
“Ang dami na nito Tita.”
Natawa si Ericka sa tabi ko habang pinapanuod ang mommy niya.
“Kumain ka ng marami. You look pale and skinny. Kumakain ka ba sa tamang oras?” nag-aalala nitong sambit.
“Oo nga ate. Ang payat-payat mo na. Wala ka bang pera na pambili ng pagkain sa Paris?” Shaynah abruptly butt in a joking way. “Dapat hindi mo tinitipid ang sarili mo.”
Umayos ako ng upo at tumikhim. Ate? Gusto ko na lang matawa sa sinabi niya.
“Hindi na ba siya pinapadalhan ni Lorencio ng pera? She is young when she leave the country.” Tito looked at Shaynah. “And she’s very dependent to Lorencio back then.”
“She wants to live independently kasi, Tito. I don’t know if dad still gives her money. I mean, saan naman kukuha si ate ng pera, diba? Wala naman siyang trabaho sa Paris. No! Atually, wala siyang alam na trabaho!” Tumawa si Shaynah ngunit tahimik lamang sila.
Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. Hanggang ngayon ay nakakairita pa rin siya. Hindi pa rin nagbabago. Mas lalo lang tumapang at nagging matalim ang dila.
“I guess I survived alone? Hindi naman ako makakapagtayo ng sarili kong bahay dito kung umasa ako kay Governor. I rely on myself for that four years,” seryosong usal ko at mapait na ngumiti. Eric slowly looked at me, hindi niya maalis ang titig sa akin matapos marinig ang mga sinabi ko. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Isa lang ang alam ko, he is intently watching me. May bahid na iritasyon o inis akong nakikita sa mga mata niya.
“May bahay ka rito sa Pilipinas?” gulat na tanong ni Shaynah. “You should invite us ni dad. Para naman matignan namin kung maayos ba ang natutulugan mo at hindi pinapasukan ng tubig tuwing umuulan.” Her face slowly become soft and gentle.
“I think maayos naman ang bahay na napatayo ni Stacey. Hindi ba at sa isang pribado at ekslusibong subdivision iyun?” Tumango ako kay Tita Melly. “Kung ganun ay siguradong mahal yun.”
Tumango naman si Tito na ngayon ay nagsisimula ng kumain. Tanging ngiti lamang ang naging tugon ko. I don’t need to say a lot about that. It will come to them without me bragging what really successes I obtain in Paris.
“What will you do here, ate? May work ka ba rito?”
“I’ll decide about it. Pinagpaplanuhan ko pa.”
“You should decide! Tumatanda kana at kailangan mong mag-ipon. Look at me now, I’m a well-known model here. At may sarili pa akong billboard.” Saglit siyang huminto. “Nagmo-model ka rin dati diba? Nagka-billboard ka rin ba noon? Parang hindi, noh?” kaswal niyang dagdag at pagkukumpara.
Napairap ako sa isip ko. Talagang gagawa at gagawa ng paraan ang isang ‘to para mapahiya ako. Dragging about her achievements just to degrade me? Wala ka pa sa kalahati, Shaynah. Work harder!
“Don’t push her, Shaynah,” natatawang sambit ni Ericka. “Kapag yan bumalik sa modeling industry, ewan ko na lang. Pagkakaguluhan yan ng mga tao, lalo na mga lalaki.”
I heard Eric smirked who is just in front of me.
“Anong nakakatawa roon, Eric? Hindi ba at isa ka rin naman sa mga lalaking nanunuod sa akin sa entablado tuwing rumarampa ako?” hindi makatiis kong sambit kaya matalim niya akong tinignan sa pagsiwalat ng impormasyon na yun. Hindi pa yan ang ginawa niya, marami pa. Ngayon kinakahiya niya?
“Talaga?!” tuwang usal ni Tita Melly at natawang bumaling sa kanyang anak. “Akala ko ngayon-ngayon mo lang iyan nakahiligan simula nung magmodelo si Shaynah… Noon pa pala.”
“Binuksan ni Stacey ang pintuan para kay Eric,” natatawang biro ni Ericka. Eric didn’t answered them and just drink the water beside him. Habang si Shaynah naman ay hindi maipinta ang mukha.
“By the way, Tita and Tito. Nandito na rin naman kayo. May good news ako!” excited niyang pahayag at sinulyapan si Eric.
“At ano naman iyun, iha?” hindi makapaghintay na tanong ni Tito.
“I’m gonna be part of a runaway fashion show event. A big event here in the fashion industry!” madamdamin nitong anunsyo. Natigilan ako sa pagkain at dahan-dahan na umangat ang tingin sa kanya. Nanliliit niya akong tinignan. “Hindi kayo maniniwala. The runaway will be hosted by a famous brand.”
“No way!” manghang sambit ni Ericka. “Is that the Sassy runaway fashion show? Yun ang pinag-uusapan ngayon sa buong medya. Aba! Ang suwerte mo naman, Shay!”
“Sassy? Yung sikat at mamahaling luxury items?” Tita Melly curiously indulges in the conversation. “I love that design. We should watch you! We should be there on that runaway!”
“I just hope so, Tita. Ang hirap pumasok doon, but I will ask the organizer of the event. Tutal isa ako sa mga modelo nila. I love Sassy luxury items, I have the collection of that brand,” pagyayabang nito at bumaling sa akin. “Ikaw, Stacey? Diba you love fashion and luxury items? You should watch me ramp.”
“Sure. I’ll try,” I said sweetly and drink the water beside me. Tahimik at natutuwang nakikinig sa kanya.
“Congratualations, iha. Ang galing mo at isa ka sa mga napili bilang modelo. Malaking karangalan iyan.” Tita Melly touched Shaynah’s hand and smiled sweetly.
“Pinili ka o nag-auditioned?” takang tanong ko.
Napatingin si Shaynah kina Tita at alanganin na ngumiti bago pinirmi ang titig sa akin.
“I auditioned. At sa rami namin, isa ako sa mga natanggap.” She smirked. I just nodded my head at her.
“Either you auditioned or not. Being part of that elite runaway is a big deal!” hindi makapigil na usal ni Tita at tila manghang mangha. Shayna like the usual, still enjoying the attention.
“I always hear that brand. Sassy.” Tito Erickson joining the conversation. “Iyan ba yung babaeng designer at brand owner na hindi nagpapakilala sa publiko?”
“Oo, dad. There is one picture she published on the media. But unfortunately, her face is hidden by the black veil,” Ericka explained.
“I guess that is a marketing strategy to gain lot of customers,” komento ni Tito dahilan para mapanguso ako at walang imik na nakikinig sa kanila.
“Hindi, Tito. Her designs is actually well-known and has good quality. High class din at premium,” pagtatanggol ni Shaynah. I smirked inside my head. “And by the way, Eric is one of the sponsor of that event. Hindi ba? He will be in the VIP seat,” malambing na usal nito at hinawakan sa balikat si Eric.
“You sponsored the fashion show event? For what?” takang tanong ni Tito.
“He sponsored for me, Tito. He was so excited when the news reached him, that I am one of the models.” Tumagal ang hawak nito sa balikat si Eric kaya dumapo roon ang tingin ko sa kamay niya. “Eric always support me in my modeling career.”
Napataas ako ng isang kilay doon at natawa.
“And for publicity. To also advertise my company…” pagdagdag agad ni Eric nang sulyapan si Shaynah. “I’m also hoping to meet the owner of that luxury brand in person. Megan Salve? Sassy brand is gaining lot of attention,” he explained like all business.
I am intently watching him when I smirked and he noticed it, umangat ang tingin nito sa akin at tinaasan ako ng isang kilay.
“You must be bored, Stacey. Hindi mo nasasabayan ang pinag-uusapan namin.”
“Stop being mean, Eric. I’m sure kilala niya ang Sassy. Hindi lang yun dito pinag-uusapan kundi sa pati na rin sa Paris. First ever branch of Sassy came from in Paris,” pagtatanggol ni Ericka sa akin. “And FYI! She was a fashion icon when we were in college, remember? Everyone is copying her style when it comes in clothing.”
“And some people are faking their identity for too much copying,” biro ko kay Ericka ngunit may pakakahulugan na bumaling kay Shaynah. Tumikhim lamang siya at binalik ang atensyon sa pagkain.
“Right. Masama rin ang sobrang panggagaya. Nawawala ang tunay mong katauhan,” pagsang-ayon pa ni Tita sa tabi ko na siyang mas nagpalapad sa ngisi ko.
ERICKA SAT on the edge of the bed while I was roaming my eyes around the guest room. Kaunti lang ang pagbabagong naganap dito sa bahay ng mga Palma. Naandito ako lagi noon, going back here feels like home again.
“Mom doesn’t want to let other people sleep here. Kuwarto mo raw kasi ito.”
Natawa ako sa sinabi ni Ericka at naglakad papunta sa kanya. Umupo ako sa tabi nito.
“Hindi rin naman ako magtatagal dito. Hayaan mo at kapag natapos na ang bahay ko, kayo ang una kong iimbitahan.”
Saglit siyang natahimik at tila may malalim na iniisip.
“I’m sorry about what happened in the garden a while ago. Alam ko na hindi pa kayo magkasundo ni Shaynah.”
“Don’t worry about it, Ericka. Wala namang alam sila Tita at Tito tungkol sa amin.” Lalo na at magaling naman yun magpeki at magbait-baitan sa harap ng mga tao. Kaya talagang hindi sila magkakaroon ng ideya. I wonder if Eric knew about it or not.
“They will never noticed. Alam mo namang nakilala si Shaynah hindi lang dahil siya ang totoong anak ng Gobernador. Kundi dahil sayo. You always pulled her to get out of the dark. You let her shine back then. Ganun kayo kalapit na halos parang magkapatid.”
Natigilan ako saglit doon at bumigat ang paghinga. Noon yun. Noong panahon na hindi pa siya nasisilaw ng atensyon. Nakukuntento naman siya. Pero nalaman lang na siya ang tunay na Suarez ay hindi ko na siya nakilala pa. She is my first best friend. The sister I always wished to have.
“Mabuti na lang at hindi kami totoong magkapatid,” tanging nasabi ko kaya napatikom siya ng labi at malungkot na ngumiti. Dahil maski siya ay nasaksihan ang samahan namin ni Shaynah noon, at alam kong dismayado siya kung paano kami humantong sa ganitong sitwasyon.
KAKATAPOS KO lang maligo nang mapagpasyahan kong bumaba at pumunta ng kusina upang kumuha ng tubig. Tahimik na ang buong sala so I entered inside the kitchen when I noticed that the light there was still open. Halos mapaatras ako nang makita roon si Eric na kakabukas lang ng pulang wine sa island counter. Nakatayo siya malapit sa sink.
His eyes lifted when he heard me gasped in surprised. Ang titig nito ay masyadong mapanghusga.
What is he doing here? Hindi ba at umalis na ito para ihatid si Shaynah? Bakit siya bumalik at mag-isa rito sa sala?