MALAKAS NA SAMPAL ang ginawad ng Ginang kay Lorencio na may matalim na titig. “Hinding hindi kita mapapatawad. Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko!” sigaw ni Trinidad habang patuloy sa paghagulhol. Wala ni isang nangahas na isipin ang bata matapos ang nangyari, mas inuna nila ang pag-aasikaso ng libing ni Tracey at pagdadalamhati sa pagpanaw nito. Pinapanuod ni Donya Suarez ang dalawang sanggol sa magkabilang crib habang si Ritchell ay nakatayo sa gilid at may pagkabahala sa pinaplano nito. “Hindi ho habang buhay maitatago ninyo ang anak ni Senyorito Lorencio kay Dorothea.” Binalingan siya ng matanda. “Mukhang patay na si Dorothea. Mga tauhan ko ay hindi na siya nahanap pa. Ngayon, kailangan kong maghanap ng mag-aalaga sa isang sanggol.” Napasulyap si Donya Suarez sa anak n

