Stacey Suarez
“I’LL JUST GET SOME water,” paalam ko sa kanya dahil nakaharang siya sa daan ko. Sa likod nito ay ang fridge na pagkukunan ko ng tubig.
“Malaki ang espasyo.” Hindi siya gumalaw at nanatili ang tayo. Sumisimsim siya ng pulang wine sa baso nito nang daanan ko siya.
Binuksan ko ang fridge at kinuha ang pitchel ng tubig. Sana hindi na lang ako bumaba.
“Shay is right. Why do you have to stay here where in fact the mansion is too big to accommodate one guest.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Guest. So, I’m a guest now?
“Don’t worry. Aalis din ako agad. Kasi sa pagkakaalala ko ay pamilya mo ang nag-imbita sa akin dito. Hindi ikaw.” Kumuha ako ng baso at pinatong iyun sa counter. We are standing side by side, but there is a space between us. Espasyo sa pagitan namin na tila iniingatan niya.
“Siguraduhin mo lang… tahimik at walang alam ang mga magulang ko sa problema ninyo. Ayokong pati sila ay madamay sa galit mo kay Shaynah at Tito Lorencio,” kaswal nitong usal.
Marahas ko siyang binalingan at hinarap. Para akong sinaksak sa dibdib sa sinabi niya. Ngunit ang tanging nakikita niya lang ngayon ay hindi ang sakit na nararamdaman ko kundi ang galit sa mga mata ko. He is staring at the glass, madiin ang titig at bakas sa mukha niya ang pait ng alak na iniinom.
“Hindi mo kailangang mag-alala. Mahal ko ang pamilya mo kaya hindi ako gagawa ng gulo rito.”
“Naghihintay si Tito Lorencio sa mansion. Kinukumusta ka niya ng maihatid ko si Shaynah sa bahay niyo.” Humarap siya sa akin para matignan ako ng maayos. Ang braso niya ay nasa ibabaw ng lamesa hawak pa rin ang baso na may lamang alak. “Pinapaabot niya na kung maaari ay bisitahin mo siya sa opisina niya at magkausap kayong dalawa.”
I laughed in disbelief. Sa opisina? Bakit hindi sa mansion? Ayaw niya bang makita ako ng anak niya na tumapak sa pamamahay nila?
“Wala na kaming dapat pag-usapan pa. Hindi na ako parte ng pamilya niya. Hindi ko na siya ama. Hindi na niya ako anak,” matigas kong sambit at mabilis na uminom ng tubig. Gusto ko ng bumalik sa kuwarto ko.
Nilampasan ko na siya ngunit bigla itong nagsalita muli.
“Yan ba ang igaganti mo sa lahat ng kabutihan sayo noon ng Gobernador?” natigilan ako sa sinabi nito. Sa lahat ng tao, siya ang may alam kung gaano ko kamahal si papa. And it makes me sad that he doesn’t even consider what I feel, he thinks it was easy for me to hate my father. “Babalik na walang utang na loob?”
Hindi ko na nakayanan pa at hinarap siya. Matalim at malamig ang titig nito. His lips are closed tightly trying to control some emotions inside him. Or maybe, trying his best to stay calm and composed.
“Ano ba ang kabayaran na gusto niyo sa utang na loob? Dahil sana, may kabayaran din ang sakit na iparamdam niyo sa akin!” garalgal kong sumbat sa kanya.
“Pinalaki, binihisan at pinakian. Binigay lahat ng luho mo. Pero pinutol mo ang komunikasyon sa kanya nang matulungan ka niyang makaalis ng bansa—“ I slapped him hard. Nanginginig ang palad ko sa galit. Pakiramdam ko kahit papaano ay nakabawi ako sa ginawa niya sa akin noon kahit apat na taon na ang nakakalipas.
Matagal ko ng gustong gawin yan sayo! But I know it was not enough to ease my pain and anger.
“Pinaalis niya ako ng Pilipinas!” matigas kong depensa sa sarili ko. His head is tilted and can’t even dare to look at me after I said that. How painful it is to see him don't inject any emotions into his eyes, nor regret what he said. “Your beloved Governor still chose to throw me away even though I was still a wreck just to protect her daughter. Kahit nagmamakaawa ako ay tinapon niya ako. And how dare you judge me for cutting my connection to all of the people I left here? Tingin mo ba dapat ko pang ipagpatuloy ang koneksyon ko sa mga taong tinalikuran ako?! Kinalimutan ako?”
Natigilan siya sa sinabi ko at napayuko. But still his reaction towards me filled of mockery when he laughed in bitterness.
“At ayos lang na maiwan mo ako habang tayo pa? Ayos lang na umalis ka ng walang paalam at babalik na parang walang nangyari?” He stepped which made my heart panic. But I stood up straight and courageous. “Just because you’re in pain and humiliated, you left and disappeared like never existed?”
Naguguluhan akong napatitig sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang isumbat ito sa akin kung masaya na siya sa piling ni Shaynah. To end in the issue about us confuses me. I don’t want to talk about this. I don’t want to hear anything from him about our past.
“I was in pain! Pero hindi ako kailanman nahiya sa katotohanan na ampon ako. Hindi yun ang rason ko kung bakit ako umalis. What choice do I have? Wala! Kundi ang umalis dahil sa utang na loob.” My lips trembled in anger as I looked into his eyes. Hindi na napigilan ang sarili. “And I’m so disappointed because when I was at my breaking point, my boyfriend was with the woman who is the reason why I have to leave the country. And now, you think you deserve my farewell goodbye?” Mapait ko siyang nginitian.
Sa gitna ng kanyang pagkalito at pagkunot ng nuo ay mabilis ko na siyang tinalikuran. Hindi na hinintay pa na marinig ang sasabihin niya. I don’t want to hear anything from him. Dahil ang traydor kong luha ay bumagsak bago pa man ako makapasok sa loob ng kuwarto.
I closed the door of my room and tears started rolling down my cheeks. Ngunit ang ekspresyon ng mukha ko ay madiin at galit. I’m hurt, but I guess the rage and anger is the dominant feeling I have right now more than pain.
KINABUKASAN AY maaga akong nagising at naabutan ko roon si Tita Melly sa sala na nagkakape. There is no trace of Eric, I think he was just really there to talk to me. Maybe warned me? Pero bukod roon ay alam kong dahil napag-utusan siya ni Papa para makausap ako.
Nilapitan ko siya at binati bago umupo sa harapan nito. She stared at me before took another sipped from her coffee.
“Mukhang may lakad ka ngayon.”
“May bibisitahin lamang ho, Tita. Kaya maaga ako ngayon na nagising.” I looked around when I realize that she is the only left here in the house with her maid. “Maaga rin bang umalis si Tito Erickson?”
“Oo. May hearing kasi siyang kailangang daluhan.” Marahan akong tumango at tinuon na ang atensyon ko sa breakfast na nakahanda. “Bumaba ka ba kagabi?”
Saglit akong natigilan sa tanong niya. Lalo na at naalala ko muli ang mainit na argumento namin ni Eric.
“Opo. Nauhaw ako bigla kaya kumuha ako ng tubig.” Hindi ako makatingin sa kanya. I wonder if she heard us last night.
“Bago kami umakyat at natulog ni Erickson ay naiwan dito si Eric sa kusina. Naabutan mo ba siya? Hinanap ka niya sakin nung bumalik siya matapos maihatid ang kapatid mo,” pahayag nito na tingin ko naman ay hanggang doon lang ang nalalaman niya.
“Naabutan ko nga ho, Tita.” Marahan akong tumawa. “Nagkausap naman ho kami…”
“Tungkol ba ito sa iyong ama? Kayo ba ay may alitan dahil dito ka dumiretso at hindi sa inyong mansyon?” may pag-aalala sa mukha niya ng tignan ko ito. Then I remember what Eric told be about last night.
“Bibisita ho ako mansyon. Huwag kayong mag-alala. Sadyang abala lang.” Napayuko ako at nahihirapan na napalunok.
Eric is right! I should not cause trouble to his family. Kailangan ko ng umalis dito sa lalong madaling panahon.
NANG LUMABAS ako ng kotse ay napatingala ako sa malaking building. I hurriedly go inside, I know this is gonna be a long day.
Pagpasok ko sa loob ng malaki at mawalak na opisina ay nakahinga ng maluwag. I roamed my eyes around to every corner of the room, lahat na makikita rito sa bagong tayong building ay bunga ng paghihirap ko sa Paris ng ilang taon. Hindi ko inakala na ganun kadaling mahalin at makilala ang mga dinisenyo ko. Marahan kong pinadaosdos ang daliri ko sa gilid ng lamesa. I walked towards the glass wall where I can see the buildings and highway. When evening, city lights would probably be mesmerizing here.
“Miss Stacey Suarez,” a voice came from behind me.
Hindi ako lumingon at nanatili ang tingin sa malawak na syudad. Ilang minuto na lang, makikita ko na ang paglubog ng araw. I heard her few footsteps before it became silence again.
“I talked to the organizer of the event. And it was confirmed that Shaynah Suarez attended the practice with other models on the ramp for the up-coming extravagant event of Sassy luxury brand,” pagbibigay impormasyon ni Megan Salve sa akin. Ang pinagkakatiwalaan kong empleyado. The manager of my company.
Umangat ang gilid ng labi ko at natawa. I took a deep sighed and face Megan who is half-smiling at me. Naglakad ako papunta sa swivel chair ko at umupo roon. Nanatili sa tindig ni Megan habang naghihintay sa anumang sasabihin ko.
“Good. Make sure that she’ll perfect the ramp.”
Nakita ko ang panandaliang pagkalito niya sa mukha.
“You will let her ramp and attend the show?” takang tanong niya. “Matapos ang mga ginawa niya sayo? Hahayaan mo siyang suotin ang mga damit at luxury bags na disenyo mo?”
“In the middle of the show. Hindi natin hahayaan si Shaynah na rumampa. No matter what happened, do not give her a chance to step on the stage. On my stage,” matigas kong sambit.
Unti-unti ay naging maliwanag sa kanya ang plano ko.
“Are you sure Miss Stacey? Paano ho kapag nakialam ang isa sa mga bigating sponsor natin sa event na ito? Hindi kaya magkagulo ang unang pagkakataon mong magtayo ng sassy branch dito?”
Hindi man niya pangalanan ay alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.
“Megan… Megan… don’t you get it? It was part of the plan. Kaya tayo humingi ng sponsor sa isang Eric Palma for him to attend the event. Hindi siya nakatanggi dahil isa sa mga modelo na natanggap natin sa auditioned ay ang pinakamamahal niyang si Shaynah,” paliwanag ko sa kanya dahilan paran mapangiti ito. “Hayaan natin siyang makialam. Tignan natin kung ano ang gagawin niya.”
I opened my drawer and took the folder inside. Nilabas ko yun at nilapag sa lamesa ko. Bumagsak ang tingin doon ni Megan.
“Find all of that people. Do everything and use all your access for them to attend on my event. Gusto ko naroon silang lahat. Gusto ko makita nila ang entablado na ginawa ko. Gusto ko makita nila ang bunga ng paghihirap ko sa apat na taon. This time, the spotlight will be on me. Sisiguraduhin ko na masisilaw sila kapag nakilala nila kung sino ang misteryong designer at may-ari ng sikat na Sassy Luxury brand…”
“Magpapakilala kana ba sa publiko?” may tuwa sa kanyang boses.
Ilang taon din ang hinintay ko. Ilang taon din akong nagtago sa likod ng mga luxury items na disensyo ko. Ilang taon kong pinigilan ang sarili ko na huwag magpakita para sa plano kong ito. This is the perfect time that I’ve been waiting for.
Nakita ko ang pagbuklat niya ng white folder at saglit na natigilan bago ako tignan.
“Gusto niyong imbitahan si Governor Lorencio Suarez?” may pag-aalala niyang tanong.
“Gusto kong makita ang reaksyon niya sa pagtapak ko ng entablado. Gusto kong maalala niya ang Stacey na nagmakaawa at takot na takot. Ngunit tanging ginawa niya ay ang paalisin ako ng bansa gamit lahat ng koneksyon niya,” mariin kong sambit. Tila may bara sa lalamunan ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala.
Tipid akong napangiti at napasulyap sa isang larawan na nasa ibabaw ng lamesa ko. It was a picture of me, half of my face is only seen on the picture. Bukod roon ay natatabunan pa ng itim na veil ang mukha ko. Ang tanging larawan na nilabas ko sa medya. Until now, it is a mystery to everyone who really am I. Some people speculate me as an old woman. But whatever it is, makikilala na nila kung sino ako.
“Shaynah loves my deisgns. She has collections of Sassy,” natatawang paalam ko kay Megan.
“It’s not a secret Miss Stacey. Everyone loves Sassy. Kahit naman ang mga dati mong kaibigan noon,” makahulugan niyang sambit.
Let’s see if Shaynah and her friends will still love my designs once they knew who really the owner of Sassy na koleksyon nila ng brand. I can’t wait to see her reactions, pinagmayabang na niya ang pagrampa niya sa event. Now let’s see how she will react once she knew that I will be the one hosting that event. At kung paano siya mapapahiya sa maraming tao.