bc

Blind Date

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
family
HE
opposites attract
friends to lovers
sweet
like
intro-logo
Blurb

Parehong iniwan, sinaktan, at galit na galit sa mga ex at samga taong ipinalit sa kanila. Kaya siguro naisipan ng matchmakerna "matched" sina Rachel at Darwin. Pero mukhang nagkamaliang matchmaker. Hindi nila type ang isa't isa. Idagdag pangnagkaasaran at nagkapikunan sila sa kanilang first date.But later on, they realized kung bakit sila ang ipina-date sa isa'tisa. More than anyone else, they could understand each other betterbecause they were in the same situation."Why don't we help each other?" sabi ni Darwin."Help? Ano namang ibibigay nating tulong sa isa't isa?" tanongnaman ni Rachel."Let's try to help each other move on."Sinubukan nga nilang tulungang mag-move on ang isa't isa.Without getting romantically involved with each other.Confident silang hindi magugustuhan ang isa't isa saromantikong paraan. Pero napansin nilang parang hindi na ganoonang pinatutunguhan ng mga pangyayari.But they were mere allies. Only allies. Kapag natapos na nilaang ginagawa nang magkatuwang, tapos na rin ang silbi nila sa isa'tisa.

chap-preview
Free preview
chapter 1
AWARE si Rachel na hindi maipinta ang kanyang mukha nang umupo siya sa silya sa harap ng desk ng kaibigan niyang psychiatrist na si Jessica sa clinic nito sa ospital na iyon. "Bigyan mo ako ng sedative," pagde-demand niya. Nagbuga ng hangin si Jessica. "Ano na namang nangyari sa 'yo? At saka pumila ka talaga kasama ng mga pasyente para lang humingi ng pampakalma?" "Marami akong time. Jobless na ako, 'di ba?" Mula nang hindi nadugtungan ni Rachel ang script para sa TV drama sa hapon na ongoing ang shooting, hindi na siya binigyan pa ng bagong writing gig ng MBS. Kaya technically, wala na siyang trabaho. Online selling ng Korean beauty products na lang ang pinagkakakitaan niya sa ngayon. Pero hindi naman palaging may benta. Wala siyang magawa kaya sinubukan niyang maranasang maging ordinaryong psychiatric patient na naghihintay para sa consultation. "Ako naman, limited lang ang time dito sa clinic kaya hindi mo na dapat inaagaw sa mga pasyente ko ang clinic hours ko." Napamulagat siya. "Pasyente mo rin ako, ah!" Napailing-iling si Jessica. "Babayaran mo ba 'tong consultation mo?" "Nabayaran ko na 'to noon pa. Baka nakakalimutan mong malaki ang utang-na-loob mo sa 'kin. Kaya lahat ng future psychiatric services mo, bayad na." Umingos si Jessica. Alam na nito ang tinutukoy niya. Mula pa noong mga teenager sila, wala nang ginawa si Rachel kundi suportahan ang mga kalokohan ni Jessica. Mula sa pagkunsinti sa pagbo-boyfriend ng kaibigan nang lingid sa parents nito hanggang sa paggawa niya ng paraan para balikan ito ng ex-boyfriend nitong si June. Siya ang nagsilbing "fairy godmother" ni Jessica. Nangako ang kaibigan na kapag naging doktor na ito, libre na ang consultation niya kapag "nabaliw" siya. "Still, hindi ka na dapat pumila dito. Puwede mo naman akong puntahan sa bahay. Bakit ba kailangan mo na naman ng sedative?" Kusang nagkiskisan ang mga ngipin ni Rachel at kumuyom ang mga kamay. "Bumalik ako sa Anita's Bakeshop dahil miss na miss ko na 'yong paborito kong cake do'n. Nakita ko sa isang table si Carlo na kasama yong babaeng ipinalit niya sa 'kin. Ang sweet-sweet ng mga hayup. Kung maka-PDA... ang kakati!" Si Carlo ang dahilan kung bakit siya nawalan ng trabaho. It completely messed her up when he cheated on her. Dahil sa sobrang sakit ng dinanas niya nang malaman ang pangangaliwa nito at tapusin ang sampung taon nilang pinagsamahan, nasira niya ang kanyang trabaho. At hindi lang iyon, naglaho ring parang bula ang writing mojo niya. Hindi na siya makapagsulat pa. Kaya kahit anim na buwan na ang nakalipas, galit na galit pa rin siya kay Carlo at sa babaeng ipinalit nito sa kanya. Dahil hindi lang ang puso at pride niya ang sinaktan ng walanghiya, pati ang kanyang talent, naapektuhan. "Alam ni Carlo na paborito ko ang cakes doon. Madalas akong tumambay doon kapag hinihintay siya. Pero nagawa niyang dalhin doon ang babaeng 'yon. Kailangan kong kumalma dahil nagkakaroon ako ng gory thoughts. Parang gusto kong balikan 'yong dalawa do'n at chop-chop-in sila at ipakain sa stray dogs. Ayaw mo naman 'di bang magkaroon ng BFF na kriminal? Kaya bigyan mo na ako ng sedative bago pa ako tuluyang lamunin ng demons ko." Bale-walang umiling-iling si Jessica na para bang hindi ito naniniwalang kaya niyang gawin ang bagay na iyon kahit pa sapian siya ng diablo. "You know what you need, Rachel? You need a new love life. Hindi sedative." Napanganga si Rachel. "Hindi ka pinag-aral ng nanay at tatay mo ng Psych para lang magbigay ng ganyang klaseng 'prescription' sa mga pasyente mo! New love life..." Nagbuga siya ng hangin. "Parang gano'n-gano'n lang, 'no? Parang puwedeng bilhin sa botika." "Nasanay ka kasing may love life. Imagine, ten years kang may dyowa. Then suddenly, biglang wala na. So I think you're suffering from withdrawal syndrome." "Ako ba'y talagang ginagago mo, Jessica? Ano'ng akala mo sa love, parang bisyo lang?" "Isn't it? Love is an addiction, not an emotion." Kung maniniwala si Rachel sa professional opinion ni Jessica, lisipin niyang lahat ng may love life ay mga adik nga talaga at ang mga martir ay kailangan nang pumasok sa rehab. "Bakit ayaw mo ng bagong love life?" Naghihinala ang tinging ibinigay nito sa kanya. "Baka umaasa ka pang magkakabalikan pa kayo ni Carlo, ha?" "Hindi ko na mahal ang gagong 'yon. At saka kahit sakaling mahal ko pa siya, sa tingin mo, ganoon ako katanga para balikan pa 'yon pagkatapos ng ginawa niya sa 'kin? Kahit pa siya ang first love at first boyfriend ko, kahit pa ten years na naging kami, hindi ko na siya babalikan. Hindi ako ganoon kagaga. Hindi ako ganoon ka-'adik'!" "Yon naman pala, eh. Kung si Carlo, nagagawang makipaglaplapan sa labas, dapat ikaw rin nakikipag-mingle na sa ibang guys. You should meet new guys." Bumuntong-hininga si Rachel. "Hindi ko kailangan ng rebound relationship. Hindi pa ako ready na magmahal uli, 'di ba? Feeling ko, na-trauma ako sa nangyari sa ten- year relationship na iningatan ko na nawasak lang. Wala pa akong interes na ma-in love uli. Gusto ko muna ipahinga ang puso ko At saka, sino bang maa-attaract sa akin ngayon? Twenty nine na'ko. Malapit na maging thirty. Hindi na ganon ka fresh. Jobless, tindera na lang online. 'Yong kaisa-isang talent ko, nilayasan pa ko. "Precisely why you need to meet new guys. Bago ka pa mag thirty. kasi pag thirty ka na, mas mahirap 'di ba? Alam mo naman tayong mga babae, mabilis mag-depreciate. Kapag thirty na, bigla nang bagsak ang value. Kumbaga sa paninda, bagsak-presyo na kasi baka hindi na mabili. Kaya hanggang nasa line of two ka pa, samantalahin mo na. At 'yong writing mojo mo, nawala 'yan dahil nawalan ka ng inspirasyon. Kapag nakahanap ka ng bagong inspirasyon o bagong lalaking makaka-inspire sa 'yo, babalik 'yan for sure." May point si Jessica. Kung maghahanap siya ng kapalit ni Carlo, kailangan na niyang kumilos bago pa siya tuluyang malagyan ng "yellow tag" na parang sale item sa SM Supermarket. Wala siyang balak tumandang dalaga. At tama rin ang kaibigan na kaya nawala ang writing mojo niya ay dahil nawalan siya ng inspirasyon. "Hindi mo kailangan ng pills. Wala ring silbi 'yong psychotherapy na ginagawa ko sa 'yo dahil hindi n'on completely mae-eradicate 'yang galit sa puso mo because you are too focused on your hatred and bitterness. You need to divert your attention to something else... or someone else. I understand that you're broken and you don't want to be broken again. Pero paano mo naman malalaman na masasaktan ka lang uli kung hindi mo susubukan? Once you fall in love again, you will be happy again at mawawala na 'yang galit sa puso mo kaya babalik na'ng lahat ng nawala sa 'yo calmness, happiness, at yong writing mojo mo."- ang Tinitigan ni Rachel ang kaibigan. "Ganyan din ba sinasabi mo sa mga pasyente mong galing sa broken relationships?" "Hindi, dahil kailangan kong makabenta ng pills at psychotherapy services. Life hack 'yong sinabi ko sa 'yo. Tutal, hindi mo naman ako babayaran. Think about it, ma-in love uli, mars. Tutal, may balak ka pa rin namang 'di ba? Why not do it now while you're still in twenties?" Ngumiti ito at inabot na ang file ng next patient para siguro review-hin pero nag-angat uli ng mukha. "Do you want me to set you up on a date?" Natawa siya. "Wow, ha? Hindi ka na lang ba psychiatrist ngayon, matchmaker na rin?" "Hindi mo naman ako babayaran sa matchmaking service ko kaya wag ka nang mang-urat diyan. I know a lot of bachelors na puwede kong i-set up sa 'yo. In fact, isa sa mga doktor dito, may crush sa 'yo. And he's cute. Nakikita ka niya sa pictures natin sa f*******: kaya tinanong ka niya sa akin noon. Nanghinayang no'ng sinabi kong may boyfriend ka." Doktor? Hmm... why not? Kung may ipapalit si Rachel kay Carlo, dapat mas mataas ang level dito. Architect si Carlo. Kaya 'di ba? Alam mo naman tayong mga babae, mabilis mag-depreciate. Kapag thirty na, bigla nang bagsak ang value. Kumbaga sa paninda, bagsak-presyo na kasi baka hindi na mabili. Kaya hanggang nasa line of two ka pa, samantalahin mo na. At 'yong writing mojo mo, nawala 'yan dahil nawalan ka ng inspirasyon. Kapag nakahanap ka ng bagong inspirasyon o bagong lalaking makaka-inspire sa 'yo, babalik 'yan for sure." May point si Jessica. Kung maghahanap siya ng kapalit ni Carlo, kailangan na niyang kumilos bago pa siya tuluyang malagyan ng "yellow tag" na parang sale item sa SM Supermarket. Wala siyang balak tumandang dalaga. At tama rin ang kaibigan na kaya nawala ang writing mojo niya ay dahil nawalan siya ng inspirasyon. "Hindi mo kailangan ng pills. Wala ring silbi 'yong psychotherapy na ginagawa ko sa 'yo dahil hindi n'on completely mae-eradicate 'yang galit sa puso mo because you are too focused on your hatred and bitterness. You need to divert your attention to something else... or someone else. I understand that you're broken and you don't want to be broken again. Pero paano mo naman malalaman na masasaktan ka lang uli kung hindi mo susubukan? Once you fall in love again, you will be happy again at mawawala na 'yang galit sa puso mo kaya babalik na'ng lahat ng nawala sa 'yo calmness, happiness, at yong writing mojo mo."- ang Tinitigan ni Rachel ang kaibigan. "Ganyan din ba sinasabi mo sa mga pasyente mong galing sa broken relationships?" doktor ang ipapalit niya sa ex-boyfriend, maipagmamalaki niya ito. "Sino? Patingin nga kung cute talaga." Ngumisi si Jessica. "Now you're talking. Ise-send ko sa 'yo mamaya sa Messenger."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
812.9K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.0K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.6K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.5K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook