“Oh, hello, Addie!” bati agad sa akin ni Ma’am Marinelle pagkapasok ko pa lang sa bahay. Agad akong namangha sa laki at gara ng sala. Ang ganda-ganda ng disenyo sa labas, pero triple pa pala ang ganda rito sa loob. At talaga namang napaka-elegante ng design at furnishing. “Good morning po, Ma’am. Late na po ba ako?” nahihiyang bati at tanong ko agad sa kaniya. Pero ngumiti naman siya at mabilis na umiling. “Of course not! By the way, hindi ka ba binuwisit nitong anak ko? Mula pa kagabi ay namimilit na siya raw ang susundo sa iyo,” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Marco na nakangiti habang nakatutok ang paningin sa kaniyang cellphone. “Hindi naman po, Ma’am. Salamat po kasi nagdala pa po siya ng almusal,” mahinang tugon ko. Nahihiya pa rin kasi ako kay Ma’am Marinelle sa tuw

