MISSION || SECRET BODYGUARD
CHARM,
Nandito na ako sa lugar kung saan nagtatago ang grupo ng mga drug addict na matagal nang wanted. Kung saan-saan kami nagsusuot para makita lang namin ang kuta ng hunghang na 'to dito lang pala sa iskwater nagtatago. Kapag ito na huli ko, papahirapan ko din siya gaya ng paghihirap naming hanapin siya. Para siyang daga, ang galing magtago at ang hirap hulihin. Sumuko ang ibang grupo sa paghanap sa kaniya dahil lagi silang natatakasan. Kaya naman sa akin ipinasa ang misyon na 'to.
Sumenyas ako sa mga kasama ko na ako ang mauunang pumasok. Hinanda ko na ang baril na kakailanganin ko kung sakaling manglaban ang mga tukmol na 'yon.
Pumwesto ako sa harap ng pinto at buong lakas kong sinipa, bumagsak ito at nagulat ang mga nasa loob.
"Taas ang mga kamay! Walang kikilos kung ayaw niyong masaktan!" sigaw ko at nakatutok ang baril ko sa kanila.
Dahan-dahan nilang itinaas ang mga kamay nila. Pumasok naman ang mga kasamahan ko at isa-isa silang pinusasan.
"Bitawan niyo 'ko! Sino kayo? Bakit niyo kami hinuhuli!?" sigaw niya. Ang baho ng bunganga amp*ta.
"Crime Task Force, at hinuhuli namin kayo dahil sa pagdi-dispose ng droga dito sa buong ka Maynilaan," sagot ko sa kaniya. Adik na adik, nakakadiri ang pagmumukha.
"Halughugin ninyo ang buong kuwarto, nakakasiguro akong may mga nakatagong droga diyan," utos ko sa mga kasamahan ko.
"Miss Cruz, marami nga rito at klase-klaseng uri ng baril," sabi ni Franco.
"Sige, ilagay niyo ang lahat ng iyan sa bag, ebidensya natin 'yan," sabi ko sa kaniya.
"Lakad! Ang babantot ninyo, hindi ba kayo naliligo?" tanong ko habang hawak ko ang leader nila sa braso at nakatutok ang baril sa kaniya, mahirap na baka biglang kumaripas ng takbo.
"Mabuti naman at nahuli na 'yang mga adik na 'yan. Maraming salamat sa inyo ma'am, sir," sabi ng mga nakatambay sa labas.
"Walang ano man ho, ginagawa lang namin ang trabaho namin. Kung may kilala pa ho kayong mga adik dito isumbong ninyo kaagad sa pulis," sabi ko sa kanila.
"Makakaasa ka, Miss Ganda," sabi ng lalaking naka ngiting aso. Tinanguan ko lang siya at lumabas na kami sa iskuwater na 'yon. Sinakay namin sila sa task force service car at sumakay naman ako sa service namin.
"Mission accomplished, Miss Cruz," sabi nila at nag-high five kami.
Naka-convoy kami sa service kung saan nakasakay ang mga na huli namin. Isang linggo namin silang hinanap, mabuti na lang may nakaturo sa kanila. Wanted sa batas ang kanilang leader dahil sa multiple cases na naka handa para sa kaniya, kabilang na doon ang rape at murder. Mukha pa lang masasabi mo nang hayok sa laman.
Bakit ba may mga taong ganito? Hindi na lang mag hanapbuhay ng maayos, nambibiktima pa ng inosente at pumapatay.
Nakarating na rin kami sa istasyon, bumaba ako at isa-isa na naman naming hinawakan ang mga walang paligo na adik.
Pumasok ako sa loob kung saan naghihintay sa amin ang task force commander at captain.
"Sir, nahuli na po namin ang most wanted drug addict at ang mga kasamahan niya," sabi ko pagpasok ko sa loob.
"Good job, miss Cruz, sabi ko na nga ba at magagawa mo ang misyon na 'to," sagot ni Captain Lopez at pinalakpakan niya ako.
"Congratulations for the successful operation Miss Cruz. Now I know why the captain gave to you that mission," sabi naman ng Commander.
"Thank you Sir, hindi ko po magagawa ang misyon na 'to kung hindi rin dahil sa mga kasama ko. We do our best po para sa misyon na ito," magalang na sagot ko sa kanila.
"Na saan na ang mga nahuli ninyong mga adik?" tanong ni Captain Lopez.
"Naka kulong na po sila, sir," sagot ni Franco.
"Good, later we will celebrate your success. By the way, Miss Cruz, come with me into my office," sabi ni Captain.
May misyon na naman?
Puwedeng mag pahinga?
Sasabihin ko sana pero baka pagalitan lang ako. Sumunod na lang ako at pumasok kami sa loob. Naabutan ko sa loob ang ibang group leader na naka upo sa mahabang sofa. Nagtataka akong tumingin sa kanila, anong meron?
"So I guess narito na ang lahat, I want you all to know that Miss Cruz was successful to her mission with her allies. Nahuli na rin ang drug addict na matagal na nating hinahanap," pagbabalita niya sa mga kasamahan ko.
"Wow! Congrats Cruz, ang galing mo talaga kaya naman idol ka namin eh," sabi nila. Ngumiti lang ako sa kanila at nagpasalamat.
"Salamat," sabi ko sa kanila.
"Kaya kita isinama dito Miss Cruz dahil may ipapagawa ako sa iyo. I know this is hard for you but, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa misyong 'to," sabi niya.
At hindi nga ako nagkamali may misyon na naman. Bakit ako na lang palagi?
Gusto kung maiyak, puwedeng magbakasyon muna Sir? sabi ko sa isip. Syempre, hindi ka puwedeng tumanggi kung may ibibigay na trabaho dahil unang una ito ang tungkulin mo.
"A-anong misyon sir?" tanong ko.
May inilapag siyang brown envelope sa lamesa, nagtataka ako kung ano ang laman nito.
"Ano po ito, sir?" tanong ko.
"Open it," sagot niya. Kinuha ko ang brown envelope at tiningnan ang nasa loob. Isa-isa ko namang tiningnan ang mga litrato. Picture ng lalaki na mukha pa lang babaero na. Don't tell me ito ang bagong misyon ko?
"Ano pong gagawin ko rito, sir?" tanong ko.
"Titingnan?" tanong niya na nakataas ang kilay. Si Captain Lopez lang ang mapagbiro na seryoso ang mukha.
"Nakakatawa po sir," sabi ko na pekeng tumawa. Pati ang mga kasamahan ko ay nagtawanan rin.
"That is your next mission," sabi niya sa akin.
"What!?" tumaas ang boses ko.
Sabi ko na nga ba ito ang susunod kong misyon.
"Sir, bakit ako?" tanong ko na naka turo sa sarili ko.
"Bakit ikaw?" tanong niya pabalik sa akin. Napa irap ako sa kawalan at natampal ang noo.
"Sir, naglolokohan po ba tayo rito?" tanong ko.
"Do I look like kidding, miss Cruz?" tanong niya. Anak ng tupa naman bakit ito pa e ayoko sa ganitong misyon. Hindi na baleng susuotin ko ang kagubatan 'wag lang 'to.
"Pasensya na sir, pero ayokong tanggapin 'yan, sa iba niyo na lang ipagawa 'yan. Bigyan niyo na lang po ako ng ibang misyon," sabi ko.
Bakit kasi ako pa? Marami naman diyang magaling rin bukod sa akin.
Nahilot ko ang noo ko dahil pakiramdam ko na stress ako bigla sa misyong ipapagawa sa akin.