CHARM,
Tahimik lang si Captain Lopez at ako naman ay kunot noong tinitigan ang mga litrato. Iniisip ko kung anong klase ang misyong 'to.
"Ano po ba ang gagawin ko sa lalaking 'yan Sir?" maya maya ay tanong ko nang kumalma na ang kalooban ko.
"Magiging secret bodyguard ka niya, I mean ikaw ang magiging guwardiya niya pero hindi niya iyon dapat malaman."
Nagloading sa utak ko ang sinabi ni Captain Lopez, secret bodyguard gano'n? Paano ko gagawin 'yon?
"Paano ko gagawin 'yon Sir?" tanong ko.
"Isa siyang college student, anak siya ng Governor dito sa ating lugar. Gusto niyang may bodyguard ang kaisa-isa niyang anak dahil nasa panganib ang buhay nilang buong pamilya. Maraming kalaban si Governor Ian dela Rama sa pulitika at negosyo. Kaya lumapit siya sa amin at humingi ng tulong na protektahan ang kaniyang anak dahil ito lang ang taga pagmana niya. Kaya na isip kong ibigay sa'yo ang misyon na ito. Kapag nagawa mo ito, i-popromote kita bilang Task Force Head Captain," paliwanag niya. Hindi ko naman hiniling na maging Head Captain.
"Sir, hindi ko po kailangan ang promotion. Sapat na sa akin ang maging leader ng isang grupo, at isa pa ho ayokong bantayan ang lalaking 'yan. Mukha pa lang babaero na," salubong ang kilay ko. Mabigat sa kalooban ko ang misyong ito. Ayoko sa lalaking babaero, baka ma suntok ko siya kapag nakita kong iba-iba ang babae niya.
"Miss Cruz, this is urgent mission. Wala akong ibang mabigyan sa misyon na ito kundi ikaw lang. Alam kong kaya mo that's why I chose you. Babaero man 'yan o hindi magiging guwardiya ka niya," sabi niya. Huminga ako ng malalim, hindi rin kaya ng konsensya kong tanggihan si Captain Lopez. Malaki ang tiwala niya sa akin kaya nga halos lahat na mabibigat na misyon ay sa akin niya pinagkakatiwala. Hindi naman ako tumatanggi, wala naman kasing inggitan sa trabaho namin. Lahat kami nagkakasundo at nagkaka-isa, ito lang yata na misyon ang labag sa kalooban ko. Ewan ko ba, mukha kasing babaero ang lalaki kaya parang nagda-dalawang isip ako na tanggapin 'to.
"Paano ko po gagawin kung hindi naman puwedeng sabihin o malaman niya na may guwardiya siya?" tanong ko.
"Papasok ka sa university bilang mag-aaral kung saan siya nag-aaral," sagot ni Captain Lopez.
"P-papasok? Mag-aaral ako ulit, Sir?" tanong ko.
"Yes, that is the only way para mapalapit ka sa kaniya," sagot niya.
Nag isip-isip ako bago tanggapin ang misyon na ito. Mabigat man sa kalooban ko ay tatanggapin ko na lang, bahala na si wonderwoman.
"May magagawa pa ba ako, kahit naman tumanggi ako ay ipipilit ninyo. Kailan po ako magsisimula?" tanong ko. Nagliwanag ang mukha ni Captain Lopez at may gumuhit na ngiti sa kaniyang labi.
"Ipapa-enroll kita at bukas bumalik ka dito para personal mong maka-usap ang governor," sabi niya.
"Okay po Sir," sagot ko sa kaniya.
"Okay, you may go now. Naka handa na rin ang pagkain sa meeting room puwede na kayong kumain," sabi niya. Lumabas na kaming lahat at nagtungo sa meeting room. Pagpasok namin ay ang daming pagkain, nandito na rin ang mga kasamahan ko at ang ibang grupo.
"Kainan na, nandito na si Miss Cruz," sabi nila.
Sinimulan na namin ang pagkain at nagkuwentuhan din kami. Marami silang tinatanong kung paano namin natunton ang kuta ng adik na number one most wanted sa listahan. Ako naman ay tahimik lang at iniisip ang bagong misyon ko. Wala talaga akong magagawa o kahit tumanggi dahil ipipilit pa rin 'yon ni Captain Lopez. Ayoko din na makarating ito kay Papa dahil panigurado akong mapapahiya siya. First commander officer si Papa pero wala siya dito sa CTF magkasama sila ni Kuya Charles sa military base sa city.
"Congrats," napa angat ako nang marinig ko ang boses ni Sergeant Conrad Jimenez. Nandito pala siya?
Hindi ko kasi siya napansin kanina habang kumakain o ngayon lang siya dumating? Siya ang una kong nakilala pagpasok ko rito at naging kaibigan. Magkasing edad lang kami pero mas mataas ang posisyon niya.
"Sergeant Conrad, thank you sir," sumaludo ako sa kaniya bilang paggalang.
"I heard about your next mission," sabi niya sa akin at umupo sa katabing upuan.
"Oo nga e, kahit anong tanggi ko pinipilit ni Captain. Ayaw ko namang ma-disappoint siya sa akin kaya tinanggap ko na. Iyon nga, mag-aaral ako ulit," natatawang sagot ko.
"Hindi naman ibibigay ni Captain Lopez sa 'yo ang mission na 'yan kung hindi mo kaya. You know what, I am so proud of you, cool and brave wala kang pinagbago. No'ng nalaman kong nahuli niyo ang most wanted drug addict na pabilib mo na naman ako," proud niyang sabi.
"Sus, parang ikaw hindi magaling, Sergeant ka nga ibig sabihin mas magaling ka," sabi ko sa kaniya.
"I know, pero kasi babae ka hindi basta-basta ang misyon na ginagawa ninyo. Killer, drug addict at iba pang mabibigat na kaso ang hinahawakan mo at hindi madali iyon," sabi niya.
"Tawag diyan tsamba," natatawang sabi ko sa kaniya.
"You want to drink?" alok niya ng alak sa akin.
"Puwede isa?" tanong ko. Binabawalan kasi niya akong uminom, babae daw kasi at bawal ang hard sa akin. Protective siya pagdating sa akin, at kapag nasa operasyon ako lagi niya akong kinakamusta. Hindi ko nga alam kung bakit ganiyan siya sa akin. Sa ibang babae kasi iba ang pakikitungo niya.
"I will get you a ladies drink, bawal sa 'yo ang hard," sabi niya at pumunta sa may mesa kung saan nakalagay ang mga alak. Binigyan din kasi kami ni Captain Lopez ng alak, wala naman daw trabaho bukasbukod sa akin. Pabalik na siya sa puwesto kodala ang alak at inabot ito sa akin.
"Here, walang masiyadong alcohol 'yan kaya puwede 'yan sa 'yo," sabi niya. Binuksan ko 'yon at uminom ng kunti. Gumuhit sa lalamunan ko ang lasa na manamis-tamis at medyo mapakla. Masarap naman siya at hindi masiyadong matapang.
"Tama ka nga, masarap siya at 'di gaanong matapang," tugon ko.
"Kaya nga 'yan ang pinili ko," sabi niya sa akin. Nag-cheers kami at tinungga ang beer namin.
Bigla namang nagsilapitan sa amin ang mga kasamahan ko at grupo niya.
"Kayong dalawa ha, may sarili kayong mundo. Iisipin na talaga naming may namamagitan sa inyo," sabi ni Klarissa na isa rin sa mga leader kagaya ko.
"Ay totoo 'yan Riss, kapag nagtitipon-tipon tayo silang dalawa may sariling mundo. Mag jowa na kayo 'no? Ayaw niyo lang aminin," panunukso ni Abby. Napatingin ako sa ibang deriksyon dahil nahihiya ako sa malisyoso nilang pag-iisip.
"Grabe kayo ka malisyoso nag-uusap lang kami ni sir Conrad," sabi ko sa kanila at ininom ang beer ko.
"Sir, itatanong lang namin. Nililigawan mo na ba si Miss Cruz?" tanong ni Franco. Nagulat ako sa naging tanong niya at nanlaki ang aking mga mata, nakatingin naman silang lahat sa amin at naghihintay ng sagot.
"Hmm, no but..." pinutol ni Conrad ang kaniyang sasabihin, habang ako naman nakatingin sa ibang direksyon at kinakabahan sa idudugtong niya. Pashnea!
"But?" sabay nilang tanong.
"But, I have a plan," sagot niya. Muntik ko nang mabuga ang alak na nainom ko. Sabi ko na nga ba e, 'yon ang sasabihin niya...
"Naks, sabi na nga ba e," hiyawan nila.
"Hindi naman mahirap magustuhan si Miss Charm, she's beautiful inside and out. Kahit sino magkagusto sa kaniya lalo na ang personality niya cold but charming, cool and brave mga katangian ng isang babae na gusto ko," sabi pa niya. Kinikilig naman ang mga kasamahan namin at tinutukso ako.
Pakiramdam ko ay mukha na akong kamatis sa pula ng pisngi ko dahil pakiramdam ko nag-init ito at pinagpapawisan ako.
Kakaibang magpakilig ang lalaking ito, pakiramdam ko ay maiihi ako.
Natapos ang gabing iyon na kami ang topic nila, lagi nila akong tinutukso habang si Conrad naman ay panay ngiti lang.
Alas dose na nang magpasya kaming magsipasok sa mga kuwarto namin, naligo muna ako bago matulog at hindi na inisip ang mga nangyari ngayong gabing 'to.