CHARM,
Kinabukasan nagising ako dahil may tumawag sa phone ko. Inaantok pa ako kaya tamad akong kunin 'yon at sagutin.
"Hello?" inaantok kong sabi.
"Miss Cruz, we are waiting for you here in my office. Where are you?" sabi nang nasa linya. Napa balikwas ako ng bangon dahil ngayon pala kami mag-uusap ni Governor Ian Dela Rama.
"Captain Lopez, g-good morning po, sorry kakagising ko lang po. Maliligo lang po ako at pupunta na kaagad sa opisina niyo," nahihiyang sagot ko.
"Sige, sige maghihintay kami."
Namatay na ang tawag at patakbo akong pumasok sa banyo. Mabilis akong nagsabon at nagshampoo, nagtoothbrush ako at mabilis na nagbihis. Black fitted jeans lang isinuot ko at white t-shirt, hindi ko na tinali ang buhok ko dahil basa pa. Naglagay lang ako ng pulbo at liptint sa labi ko. Mabilis kong kinuha ang phone at bag ko sabay labas ng kuwarto. Malapit lang naman dito sa apartment ko ang station kaya naglakad lang ako. Pagdating ko nasa labas ang mga kasamahan ko sa trabaho.
"Good morning, Miss Charm," bati nila sa akin.
"Good morning," sabi ko at mabilis na pumasok sa loob. Dumiretso na ako sa opisina ni Captain Lopez. Pagpasok ko may kausap siyang lalaki na mga nasa 50 pataas ang edad, siguro siya si Governor Ian Dela Rama.
"Good morning, Captain, good morning Sir," bati ko sa kanila at sumaludo.
"Good morning, I want to introduce to you Governor Ian Dela Rama," pakilala ni Captain Lopez sa may edad na lalaki.
"Good morning Governor, I am Miss Charm Cruz ang magiging guwardiya ng anak ninyo," pagpapakilala ko sa aking sarili.
"Good morning Miss Cruz, ikinagalak kong makilala ka sa personal," masayang sabi niya.
"Ako rin ho Governor," nakangiting sabi ko.
"Gusto kitang pasalamatan sa pagtanggap mo sa trabahong ibinigay sa iyo ng inyong captain. Alam kong hindi ito parte sa iyong trabaho pero nagpapasalamat ako dahil tinaggap mo ang pagiging guwardiya sa anak ko. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa Prime Task Force at sa iyo," wika ni Governor Dela Rama
"Walang ano man po Governor, tungkulin ho naming ito at nagpapasalamat din ho ako dahil sa tiwalang ipinagkaloob ninyo. Hindi ho ako mangangakong protektahan ko ang anak ninyo pero gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya na maprotektahan siya," tugon ko.
"Thank you, sigurado akong mabilis kayong magkasundo ng anak ko kung sakaling magkita na kayo," sabi niya.
'Malabo po 'yon, baka hindi kami magkasundo dahil ayoko sa babaero,'
Gusto ko sanang sabihin iyon pero 'wag na lang ayokong maging prangka sa taong kaharap ko ngayon, kagalang-galang na tao tapos sasagutin ko nang gano'n. No way! May respeto din naman akong taglay kahit minsan pasmado bibig ko.
"Miss Cruz, bukas na ang unang araw ng pagpasok mo sa university. So, kailangan maaga kang pumunta roon dahil hahanapin mo pa ang dorm na tutuluyan mo," sabi ni Captain Lopez.
"Yes sir, no problem," sagot ko.
"I guest nakapag-usap na kayo ni Governor, you may go now para magligpit ng mga kakailanganin mo," sabi niya.
"Okay sir, thank you and excuse me," sabi ko at lumabas na ng opisina.
Napabuga ako ng hangin at naglakad palabas ng Crime. Tumunog naman ang phone ko at agad kong sinagot iyon.
"Hello Ma?" sagot ko. Si Mama pala ang tumatawag...
"Anak, kailan mo ba balak bumisita rito sa bahay natin? Napaka-busy mo naman anak, namimiss ka na namin, sila Papa mo at Kuya mo uuwi baka puwede kang dumalaw dito may kaunting salo-salo mamayang gabi," sabi ni Mama sa kabilang linya.
"Sige Ma, dadalaw ako diyan may sasabihin rin po ako," sabi ko sa kaniya.
"O sige, maghihintay kami. I miss you anak," malambing na sabi ni Mama.
"I miss you all din po, Ma," tugon ko.
"O sige na, papaalam na ako, may gagawin pa ako. Mag-iingat ka diyan ha," bilin niya.
"Opo Ma, kayo rin po mag-iingat kayo," nakangiting sabi ko. Namatay na ang tawag, naglakad na ako pabalik sa apartment ko, makakasalubong ko naman ang service ni Conrad. Anong ginagawa niya rito? Linggo naman ngayon at walang trabaho.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad, nasa apartment na ako at naghanap ng maluluto. Wala akong mahagilap, lalabas na sana ako nang pagbukas ko ay si Conrad ang nabungaran ko sa pinto at may bitbit itong plastic bag.
"Sir Conrad, g-good afternoon. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Good afternoon, I'm here for a visit and mag-lunch kasabay ka," nakangiting sagot niya. Tanga akong tumingin sa kaniya, binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok siya.
"Tuloy ka, lalabas nga sana ako e, buti naabutan mo 'ko. Ano 'yang dala mo?" tanong ko.
"Nagluto ako ng lunch sa bahay and naisip ko na we will eat this together, wala akong kasama at nakakalungkot kumain mag isa," sagot niya.
"So kaya ka nagpunta rito?" tanong ko.
"Ehmm, so ano sasabayan mo ba ako?" tanong niya.
"Masamang tanggihan ang grasya lalo na kung galing sa kagalang-galang na lalaking tulac mo kaya, sasabayan kita. Nagugutom na rin ako, wala na pala akong stocks sa storage ko at ref," sabi ko. Naglakad ako papasok ng kusina para ihanda ang plato namin at tubig.
"Akin na 'yan ihahanda ko na," sabi ko sa kaniya.
Inabot niya naman iyon at inilapag ko isa-isa sa lamesa, ang bango ng ulam na niluto niya. Adobo at menudo may kanin pa itong kasama, ang sipag magluto.
"Ang bango ng mga ulam ha, ikaw nagluto nito?" tanong ko.
"Yup, that is my favorite and your favorite," nakangiting sagot niya.
Alam na alam ang paborito kong ulam, paborito ko talaga ang menudo lalo na ang bicol express na maanghang.
"Thank you, mabubusog ako nito dahil sa masasarap mong pagkain. Kain na tayo habang mainit-init pa 'to," sabi ko sa kaniya.
Lumapit naman siya sa mesa at na upo sa tapat ko. Tahimik kaming kumain at pinagsaluhan ang masasarap na pananghalian.
"Anong plano mo ngayon? Wala ka bang pupuntahan?" tanong niya. Malapit na kaming matapos sa pagkain at umiinom na lang ng juice na ginawa ko.
"Hmm, dadalaw ako sa bahay. Tumawag si Mama, uuwi raw sila Papa at kuya mamaya. May kaunting pagsasalo at naroon din si Lolo kaya pinagbigyan ko na para makapagpaalam na rin," sabi ko sa kaniya.
"Anong oras ang alis mo bukas?" tanong niya.
"Maaga daw e, kasi hahanapin ko pa ang dorm ko at magiging room ko," sagot ko.
"Puwede ba kitang ihatid?" tanong niya.
"Puwede naman, para maaga akong makarating doon. Puwede ka rin sumama mamaya para makabalik ako kaagad rito, baka kasi ma-corner ako, naroon pa naman daw ang mga pinsan ko," sabi ko sa kaniya.
"Sure, no problem," nakangiting sagot niya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami kunti at nagkwentuhan. Nanuod muna kami ng palabas habang hinihintay ang oras, na isip ko kasi na ala sais na lang kami pumunta roon sa bahay. Pareho lang kami ni Conrad ng hilig sa palabas, mga action at drama kaya nagkakasundo talaga kami. Ala sais na ng gabi at nagtungo na kami sa bahay ng magulang ko, kanina pa sila tumatawag at nangungulit na pumunta na ako roon. Isang buwan na rin kasi akong hindi nakadalaw sa kanila dahil sa sunod-sunod na misyon naming ngayon.