PLAN A: MEET TRAZE IAN DELA RAMA

2246 Words
CHARM, Parang pinagsisihan kong dinala ko si Conrad rito. Pinagpyestahan na siya ng mga pinsan kong babae at ayaw tigilin sa kakatanong. Magpapaputok kaya ako ng baril at nang matigil sila kakausap sa kaniya. Hindi ko siya dinala rito para paliguan ng tanong, ayon na hot set ng mga pinsan ko. "Bakit mo kasi dinala rito 'yan, tingnan mo ayaw tigilan ng mga pinsan mo," sabi ni Kuya. Pinsan ko? Pinsan rin naman niya ang mga 'yan ah. "Pinsan mo rin ang mga iyan Kuya, pauwiin mo na kaya. Anong oras na o, maaga pa ako bukas," kunot noo kong sabi. "Okay, but tell me, okay lang ba sa 'yo ang misyon mo na 'yan? Hindi ka ba mahihirapan?" tanong niya. Bumuntong-hininga ako at humahalukipkip. "As if I have a choice Kuya, tumanggi ako no'ng una kaso, parang na konsensiya ako e. Malaki kasi ang tiwala ni Captain Lopez sa akin tapos sa ganiyang misyon pa ako tatanggi. Kung tutuusin easy lang naman ang misyon na 'yan," sabi ko sa kaniya. "Sabagay, isipin mo na lang na mag-take ka ng bagong course while doing your duty. I trust you, I know kaya mo 'yan. Ikaw pa, astigin ka 'di ba mana kay Lolo at Papa, at syempre sa akin," sabi niya at inakbayan ako. "Thank you, sige na pauwiin mo na 'yang mga pinsan mo at baka pumutok ang 45 na dala ko," utos ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako at ginulo ang buhok ko. Naglakad na siya papalapit sa pwesto nila Conrad. Mukhang nakinig naman ang mga pinsan ko, maya maya pa ay tumayo na si Conrad at nagkamay sila ni Kuya. Mukhang may pinag-usapan pa sila dahil kapwa sila seryoso at tinapik ni Kuya ang braso ni Conrad. Papalapit na siya sa akin na astig kung maglakad, nakapamulsa pa ito at matamis na nakangiti. "Let's go?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot at naglakad na ako papunta sa sasakyan niya. "Charm, are you okay? You seemed so quiet," sabi niya. Hindi pa rin ako umimik, hindi ko rin alam kung bakit. Bakit nga ba ako nagkaganito? Bakit parang naiinis ako? Teka, nagseselos ba ako? "Charm," tawag niya sa akin. Hindi pa rin ako umimik, bahala ka diyan. "Ang daldal ng mga pinsan mo, ang dami nilang tinatanong sa akin. Nakakatuwa sila, maybe next time babalik ulit ako sa inyo," sabi niya na nakangiti pa. "So nag-enjoy ka? O 'di doon ka na sa kanila, natutuwa ka pala sa kanila e," sabi ko. "Wait, why are you acting like that? Nag-uusap lang kami ng mga pinsan mo, ang pangit naman kung maging suplado ako sa kanila," sabi niya. "I don't care, just drive! Inaantok na ako," sabi ko. "Are you jealous?" tanong niya. Lumingon ako sa kaniya na nakakunot ang noo. "Asa ka!" singhal ko. Tumawa lang siya at nag-drive na lang. Itatanong niya talaga na nagseselos ako, I am not! Naiinis lang ako dahil mas nag-enjoy pa siya na kausap ang mga pinsan ko. Sarap tapunan ng granada! Nakarating na kami sa apartment ko, wala pa rin akong imik. Sumunod siya sa akin hanggang sa makapasok ako ng apartment. "Umuwi ka na, 'wag mo na rin akong ihatid bukas. I can handle myself," padabog kong sabi. "You're jealous right?" tanong niya. "Hindi!" singhal ko. "Hindi 'yan ang nakikita ko sa mga mata mo Miss Cruz, your actions is different of what you said," sabi niya. "Umalis ka na, inaantok na ako," taboy ko sa kaniya. "No, mag-uusap tayo. Sabihin mo lang na nagseselos ka sa pinsan mo," sabi niya. Ang kulit din ng kumag na 'to, nakakainis. Lumapit siya sa akin at niyakap ako patalikod. Inaalis ko ang braso niya pero sadyang malakas siya kaya hindi ko iyon matanggal. "H'wag ka na magselos, sila ang kausap ko, ikaw naman ang mahal ko. Kahit ayaw mong aminin, nararamdaman ko 'yon," pabulong niyang sabi. "Ang kapal, fyi Mister Jimenez hindi ako nagseselos!" madiin kong sabi. "Okay, bukas bibisita ako sa bahay niyo," sabi niya at kumalas na sa pagyakap sa akin. "Anong gagawin mo do'n?" takang tanong ko. "Hmm, kakausapin si Lea na pinsan mo." Naningkit ang mga mata ko. Talaga namang inaasar ako ng lalaking 'to. Hinablot ko ang braso inikot sa likod niya, at padabog ko siyang idiniin sa dingding ng apartment ko "Do it and I will shoot her," gigil kong sabi. Tinawanan niya ako, binitawan ko siya at ako na naman ang na-corner niya. "I won't do it, ayaw kong maging kriminal ang babaeng mahal ko," sabi niya at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa kaniyang ginawa, hinalikan niya ako sa labi. Hindi ako nakagalaw at nanigas ang buo kong katawan. "Goond night. I'll go ahead, ihahatid kita bukas," sabi niya at hinalikan ako sa noo bago umalis. Napalunok ako ng laway at hindi kaagad nakagalaw. Bumalik lang ako sa ulirat ko nang bumusina siya at umalis na. Ni-lock ko ang pinto at pumasok sa banyo para maghilamos. Parang may mga kabayo na naghahabulan sa puso ko sa lakas ng t***k nito. Hindi man lang ako nakapaghanda, para siyang kidlat. Walang warm up, napatingin ako sa mukha sa salamin. Pulang-pula ang pisngi ko, nahawakan ko pa ang mga labi ko na parang hanggang ngayon ay nakalapat pa rin ang mga labi niya. Naghilamos ulit ako at nagbihis ng pantulog. Humiga na ako sa kama ko at pinilit na ipikit ang mga mata ko pero hindi ako makatulog. Umaga na, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, nakababad pa ako ngayon sa ilalim ng shower dahil inaantok pa ako. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, black fitted pants at black fitted shirt ang sinuot ko. Hindi ko na tinali ang buhok ko dahil basa pa ito. May tumawag naman sa phone ko at si Mama iyon. "Anak, good morning, anong oras ang alis mo?" bungad niya. "Good morning, Ma. Ngayon na po, hinihintay ko lang si Conrad. ihahatid niya kasi ako," sagot ko. "Gano'n ba, mag-iingat ka roon ha, tapos 'wag kang makipagsuntokan sa mga lalaki," paalala niya. Napairap ako sa ere, hindi pa pala niya nakalimutan ang bisyo ko dati. "Ma, matagal na 'yon nagbago na po ako okay. H'wag kayo mag-aalala, hindi na ako makipagsuntokan, makipagbarilan na lang po," biro ko. "Susmaryosep, Charm Cruz! Ako'y tigilan mo sa kalokohan mo ha! Nako ikaw talagang bata ka," nangungunsumi niyang sabi. Napangiti na lang ako sa kaniyang naging reaksyon. "Biro lang po, Ma, nandito na si Conrad. I need to go, I love you all, mag-iingat kayo diyan," paalam ko. "We love you too, ikaw din mag-iingat ka roon ha," bilin niya. "Opo, bye Ma, send my regards to Lolo," sabi ko at pinatay ko na ang tawag. Binuksan ko ang pinto at ang mukha ni Conrad ang nadungawan ko. "Good morning, my sexy secret bodyguard," sabi niya. Hahalikan niya sana ako pero agad kong naiharang ang kamao ko sa mukha niya. "Kung kagabi naka-dalawa ka, ngayon hindi, hmmp," gigil kong sabi sa kaniya. Kinuha niya ang kamay ko at doon na lang humalik. "Let's go?" tanong niya. "Kanina pa nga ako naghihintay sa 'yo e," sabi ko. "Sorry, napasarap ang tulog ko. Nakanakaw kasi ako ng halik," pilyo niyang sabi. Sinuntok ko siya sa braso niya at napadaing naman siya. "Ahww, heyy! I am just teasing you," sabi niya na sinasalo ang mga suntok ko. Ang aga-aga mang-asar ng lalaking 'to, hindi pa naman ako nakatulog ng maayos dahil sa ginawa niya. Magkaka-black eye talaga 'to ngayon. Nahuli niya ang mga kamao ko at hindi na ako nakagalaw. "If you won't stop punching me, I will kiss you again," maawtoridad niyang sabi. Pinaningkitan ko siya ng mata at inapakan ko ang paa niya, sabay takbo palabas. "Ahhww, Charm Cruz! Humanda ka sa akin!" sigaw niya. "Close and lock the door Mr. Jimenez," utos ko sa kaniya. Ngumiti ako ng nakaloko sa kaniya, wala siyang nagawa kun'di isara at i-lock iyon. Bitbit niya ang mga gamit ko at nilagay niya iyon sa back seat. "I drive," sabi ko. "No," "Sige na, ngayon lang naman e." "No, 'wag matigas ang ulo mo Miss Cruz," sabi niya at pinaandar na ang sasakyan. "Pilya mo talaga, ang sakit ng mga braso at paa ko. Grabe ka, babae ka ba talaga?" tanong niya. Nasa biyahe na kami patungong university. "Itanong mo sa Nanay ko, siya ang nagluwal sa akin," pabalang kong sagot. Nakatanggap ako ng malutong na pitik sa noo. "Arayy!" hiyaw ko. Himas-himas ko ang noo ko na pinitik niya. "Bakit ka namimitik?" tanong ko. "Wala ka sa ayos sumagot, ang lakas ng tama mo ngayon," sabi niya. 'Ikaw ba naman kinulang sa tulog,' bulong ko. "Did you say something?" tanong niya. "Wala, sabi ko bilisin mo sa pagda-drive," utos ko. "Why did you wear that kind of clothes? Kulang na lang maghubad ka, school ang pupuntahan mo hindi galaan," sabi niya. "Anong masama sa suot ko, fitted shirt at pants lang naman 'yan ah," sabi ko sa kaniya. "Yeah, but it's revealing, hulmado ang katawan mo. Kapag may lalaking makakita sa'yo tutulo ang laway," sabi niya. "Oyy, nagseselos, selos ka?" pang-aasar kong tanong. "Yes, and next time 'wag ka na magsuot ng ganiyan kapag hindi ako kasama. Understood?" tanong niya. "Aye aye, Captain," sagot ko. Nakarating na kami sa university, at dahil bawal naman siyang pumasok kaya ako na lang ang magdadala sa mga gamit ko. "Take care, okay? Tawagan mo 'ko if there is emergency, and 'wag kang makipagkaibigan sa mga guys," paalala niya. "Paano kung may nakipagkilala sa akin, hindi ko papansinin? Mawawalan naman ako ng manners niyan," kunwari kong sabi. "If it's needed okay makipagkilala ka, pero kung ang pakay lang ay para mapalapit sa'yo, don't." Ang gulo kausap nito, bahala na nga. "Baka nakalimutan mo? Misyon ang pakay ko rito, at lalaki ang babantayan ko. But don't worry, hindi naman ako nakikipag-close sa mga lalaki 'no," sabi ko sa kaniya. "Dapat lang, sa akin ka lang makipag-close," sabi niya at hinalikan na naman ang kamay ko. "Sige na, pumasok ka na sa loob. Ang mga bilin ko 'wag mong kakalimutan, I love you," sabi niya sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi at noo. "S-sige, papasok na ako. Mag-iingat ka sa pagda-drive," paalam ko sa kaniya. Pumasok na ako at tinanaw ko muna siya. Nakaalis na ang sasakyan niya at naglakad na ako sa hallway. "Wow, tol may chix," rinig kong sabi ng mga lalaki sa gilid. "Ang ganda at sexy niya, para siyang modelo, transferree ba siya?" bulong ng mga kababaihan. "Ignorante ba ang mga istudiyante rito? Parang ngayon lang nakakita ng tao," sabi ng utak ko. Nagtuloy na ako sa paglalakad at nagtungo sa dormitory. Hinanap ko ang magiging kuwarto ko. Nahanap ko rin naman kaagad at binuksan ko na. Nilapag ko sa kama ang bag ko at naupo. Tinawagan ko muna ai Conrad para ipaalam sa kaniya na nasa dorm na ako. Sinagot naman niya kaagad iyon. "Hi," sabi niya. "Hello, nandito na ako sa kuwarto ko. Medyo okay naman pala ang kuwarto rito, malaki at maaliwalas," sabi ko sa kaniya. "That's good, papasok ka na ba sa klase mo?" tanong niya. "Hindi pa, bukas na lang. Inaantok kasi ako e, matutulog muna ako," sabi ko. "Okay, take a rest. Nandito na rin ako sa station," sabi niya. "Okay, sige. Ingat ka, bye," paalam ko. Pinatay ko na ang tawag at nahiga ako sa kama. Ang lambot nito kaya agad akong nakatulog. Hapon na ako nagising at nakaramdam na ako ng gutom. Pumasok ako sa banyo para maghilamos, kinuha ko ang wallet ko at cellphone. Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa cafeteria ng school. Marami pa ring nagkalat na students at may naglalaro ng soccer sa oval. Ang laki pala ng school na 'to, 'De Juan Academy and University' basa ko sa pangalan ng school. Ito pala 'yong sikat na college school dito sa aming lugar. Nakita ko na ang cafeteria, pumasok ako at bumili ako ng dinner ko. Rice and fish fillet ang in-order ko at ice tea. Naghanap ako ng mauupuan at agad naman akong nakakita. Tahimik akong kumain at inubos iyon. Pabalik na ako sa dorm ko at nagtitipa ako sa phone ko habang naglalakad. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may nakabangga ako. "Ahw," daing ko. Minulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang itsura ng lalaki na guwapo. In one word guwapo, makapal ang kilay, mapulang labi at matangos na ilong. Bigla ay namukhaan ko siya kaya naitulak ko siya. "Hey, bakit ka nanunulak?" tanong niya. "I-i'm sorry, nabigla lang ako," tsk ang tanga ng palusot ko. "It's okay, ngayon lang kita nakita rito, I'm Traze, you are?" tanong niya. Sasabihin ko ba ang pangalan ko? Ito 'yong misyon ko, kailangan magkalapit kaming dalawa para mabantayan ko siya na hindi niya malalaman. Bahala na, kailangan kong gawin 'to. "C-charm," pakilala ko. "Ang ganda ng pangalan mo, kasing ganda mo," nakangiti niyang sabi. Tsk! Mambobola ang kumag, hmm... kailangan ko siyang sakyan para hindi halata na guwardiya niya ako. Hays, bakit ko pa kasi tinanggap 'to? "Salamat, sige mauuna na ako," sabi ko at nagmadaling pumunta sa dorm ko. Plan A: Meet Traze Ian Dela Rama "Success," bulong ko. Bukas ang unang araw ng klase ko kaya dapat marami akong tulog ngayon. Naligo ako at nagbihis ng pantulog. Nahiga na ako sa kama at binuksan ang music ng phone ko para magpatugtog, hanggang sa makatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD