CONRAD PROMISES

1002 Words
CONRAD Gumuhit ang mga ngiti ko sa labi nang masilayan ko ang napakagandang mukha aking paggising. She is peacefully sleeping beside me, she looks like angel. Maamong mukha, matangos na ilong at mapupulang labi na kay sarap angkinin. Pero hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon, I respect her. Baka kapag gagawin ko ang naiisip ko ay tumilapon ako sa labas ng kaniyang apartment. Hinawi ko ang iilang hibla ng kaniyang buhok at nilagay sa likod ng kaniyang tainga. Mukha siyang tuta sa amo ng mukha, pero kapag siya ay gising, para siyang uso na kahit ano mang oras ay sasakmalin ka. "Kung nakakatunaw ang mga titig mo, kanina pa ako natunaw, Jimenez," sabi niya na ikinabigla ko. Muntik pa akong mahulog, kanina pa ba siya gising? Ang lakas naman ng pakiramdam nito. "K-kanina ka pa gising?" tanong ko. "Kanina pa, at kanina ko pa naramdaman ang pagtitig mo sa akin," sabi niya at nagmulat na siya ng kaniyang mga mata. Matamis akong ngumiti at hinalikan siya sa kaniyang noo. "Good morning," usal ko. "Good morning, anong gusto mong almusal?" tanong niya. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tainga at bumulong. "Ikaw." Nahampas niya ako sa dibdib na ikinatawa ko. Napakasadista talaga, ang bigat ng kamay. "Ang sadista mo talaga, ganito ka ba manglambing? Bugbog sarado pala ako nito kapag mag-asawa na tayo," usal ko. Tumitig siya sa akin na salubong ang kilay. "Hindi pa nga tayo, pag-aasawa na naiisip mo diyan. Baka wala pa tayong label," aniya. "Lagyan na natin ngayon, anong gusto mo? Black label ba?" pabirong tanong ko. Napahiyaw ako nang pingutin niya ang ilong ko. "Wine lang ang peg, ha Jimenez?" taas kilay niyang tanong. "Nagbibiro lang. Ang sakit," reklamo ko habang sapo ang ilong ko. Pakiramdam ko ay natanggal ito. "Bumangon ka na at magluto," utos niya. Nganga akong napatingingin sa kaniya, nakapikit ulit siya at nagpanggap na tulog. Napangiti ako at hinalikan siya sa noo. "I love you misis ko, ipagluluto ka na ng iyong mister," usal ko bago bumangon. Lumabas ako sa kaniyang kuwarto at nagtungo sa kusina. Naghanap ako ng puwedeng lutuin. Wala na pala siyang stock na food. De lata na lang ang meron at itlog, kinuha ko iyon at nag-isip kung paano ito lutuin. Naghiwa ako ng bawang at sibuyas, iginisa ko iyon at binuksan ang lata ng corned beef. Hinalo ko sa ginisa kong bawang at sibuyas at tinakpan. Binate ko naman ang tatlong itlog at hinalo roon. Tinakpan ko ulit at nagsalang ng isang frying pan at nilagyan ng butter. Kinuha ko ang slice bread at ipinatong ko sa natutunaw na butter. Binaliktad ko naman ang corned beef na may itlog at tinakpan ulit. Hinango ko na ang butterd slice bread at nilagay sa plato. Hinango ko na rin ang omelette at ini-slice ito. Nagtimpla ako ng kape at inilapag iyon lahat sa mesa. Pumasok ako sa kuwarto niya para gisingin siya. "Charm," pukaw ko. "Hmm," ungol niya at itinakip pa ang unan sa mukha. Kinuha ko iyon at ginising siya ulit. "Charm, wake up, food is ready," sabi ko sa kaniya. Nagmulat siya ng mata at tumingin sa akin. "Nagluto ka?" tanong niya. "Yup, sabi mo magluto ako. So, niluto ko ang natirang eggs and corned beef. Let's go, habang mainit-init pa ang pagkain," sabi ko sa kaniya at binangon siya. "Thank you," usal niya. Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang noo. "Come on, get up na," utos ko sa kaniya. Tumayo na siya sa kaniyang kama at lumabas kami sa kuwarto. "Wow! Ang bango naman nito, mukhang masarap ah," sabi niya pagkaupo sa upuan. "Of course, kasing sarap ko kaya 'yan," pigil na tawag sabi ko. "Talaga? Yummy ka?" taas kilay niyang tanong. Pilyo akong ngumiti at tumitig sa kaniya. "Try me," usal ko. Sinamaan niya ako ng tingin bago sumubo. Kumain na lang rin ako at hindi na umimik. Pagkatapos naming kumain ay siya na ang naghugas at dumiretso sa banyo para maligo. Magsisimba kami at manggo-grocery na rin bago ko siya ihatid sa campus. Sana ganito kami palagi, hindi pa man kami ay ramdam ko na, na mahal niya rin ako. Na masaya rin siya kapag magkasama kami. Nilalaro ko ang keychain ko nang lumabas na siya sa kaniyang kuwarto na nakabihis na. Naka white dress siya na medyo mahaba ang manggas at naka flat shoes. Simple but elegant, she is so attractive and beautiful. "Tama na ang kakatitig, matutunaw ako," pukaw niya sa akin. "You look so beautiful, misis ko," malambing na saad ko sa kaniya. "Iyan ba ang endearment natin, Jimenez?" tanong niya. "Yup, it's sounds cute ang unique. Mostly, sweet," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Let's go, baka hindi na tayo aabot. Dadaan pa tayo sa bahay ko para makaligo at makapagbihis ako," sabi ko sa kaniya at lumabas na kami ng apartment niya. Agad kung binuksan ang sasakyan ko at sumakay siya. Umikot naman ako sa kabila at sumampa. Nagtungo muna kami sa bahay ko, bago nagpunta sa simbahan. "Soon, dito tayo ikakasal. Maglalakad ka sa gitna suot ang trahe de boda na may belo, at hawak ang pumpong ng puting rosas. Dito natin isiwalat ang mga matatamis na pangakong walang hanggang pagmamahalan. Magiging saksi ang simbahan na ito sa mga pangako ko sa iyo. Mamahalin kita ng buong-buo na walang kahati, maliban sa mga magiging anak natin." "Bakit, sigurado ka na ba na ako ang makakatuluyan mo?" "Of course, I am hundred percent sure." "Kung gano'n, aasahan ko 'yan at panghahawakan." "Sa harapan ng Dios, nangangako ako sa'yo ngayong araw na ito, na tutuparin ko ang lahat ng sinasabi ko." Matamis siyang ngumiti sa akin at sumandal sa dibdib ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalik-halikan ang kaniyang buhok. Hinding-hindi ko siya iiwan at kailanman ay hindi ko siya sasaktan. Mamahalin ko siya habang-buhay hanggang sa kami ay tumanda. Bubuo kami ng isang pamila na masaya at puno ng pagmamahalan. Bibigyan ko siya ng isang batalyon na anak. Kailangan marami ang lalaki para may magbabantay sa mga prinsesa ng aming tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD