CHARM
Habang nagpapatuyo ako sa aking buhok ay may tumawag sa phone ko. Agad kong sinilip kung sino ito at nabasa ko ang pangalan ni Captain Lopez sa screen. Mabilis ko iyong dinampot at sinagot.
"Good morning, Captain Lopez," bati ko sa kaniya.
"Good morning, Miss Cruz. Where are you? Kailangan kita rito sa crime, kasalukuyan naming iniimbestiga ang mga lalaking nagtangka sa buhay ng anak ni Governor Dela Rama. Nahihirapan ang mga miyembro mo na paaminin ito, maari ka bang magpunta rito?" sabi niya sa kabilang linya.
"Yes, Captain Lopez, nasa apartment lang ako ngayon. Papunta na po ako," sagot ko sa kaniya. Namatay na ang tawag at agad akong nagsuot ng jacket ko na itim. Kinuha ko ang bag ko at cellphone. Tatawagan ko na lang si Conrad na nasa crime ako. Agad kong tinawagan ang kaniyang numero.
"Hello, Charm, I'm on my way," sabi niya sa kabilang linya.
"Sa crime na tayo magkita, tinawagan ako ni Captain Lopez. Iniimbestiga raw nila ang mga lalaking dinala roon ni Franco kagabi," sabi ko sa kaniya.
"Okay, sige," sagot niya. Pinatay ko na ang tawag at nagtungo na sa crime.
Pagpasok ko sa loob ay binati ako ng mga kasamahan namin, binati ko rin sila pabalik. Mabilis akong nagtungo sa investigation room, naabutan ko sila na nakapalibot sa mga lalaking nakaharap ko kagabi.
"Anong problema rito?" tanong ko sa kanila.
"Miss Cruz, good morning. As you can see, itong mga lalaking 'to ang dinala nila Franco rito kagabi. At sinabi niya itong mga 'to ang nagtangka sa buhay ng anak ng gobernador. Ayaw nilang magsabi ng totoo, sinabi nilang napagtripan lamang daw nila ang anak ng gobernador," paliwanag sa akin ni Captain Lopez. Huminga ako ng malalim at pumunta sa harapan ng mga lalaki. Tiningnan ko sila isa isa, may matapang kong makatiti, may kinakabahan at nababahala.
"Isang tanong isang sagot! May mga pamilya ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Ano naman ngayon kung mayroon o wala? Kasama ba 'yan sa imbestigasyon ninyo?" tanong ng isang lalaki.
"Sinabi ko bang magtatanong ka rin?" tanong ko sa kaniya.
"Uulitin ko, may mga pamilya ba kayo?" pag-ulit ko sa tanong ko.
"Meron."
"Wala," sagot nilang apat.
"Bakit ninyo pinagtangkaan ang buhay ng anak ni Governor Dela Rama?" tanong ko sa kanila.
"Inutusan lang kami," sagot ng isa.
"Sino ang nag-utos?" tanong ko.
"Bakit namin sasabihin? Gano'n pa rin naman, magsasabi kami ng totoo o hindi ikukulong ninyo kami o di kaya ay papatayin. Ganiyan naman kayong nga pulis, dinadaan ninyo sa dahas. Tinatakot ninyo ang tao para umamin, tapos ano? Papatayin niyo lang din!"
Napatitig ako sa lalaking nagsasalita at nilapitan siya.
"Hindi po kami pumapatay, puwera na lang kung manglaban. Pero sa kaso ninyo, kung sasabihin ninyo sa amin ang totoo, paiikliin namin ang sistensiya ninyo sa pagkakulong. 'Yon ay kung, makipagtulungan kayo sa amin. Ipapangako namin na makakalabas kayo rito ng buhay at ligtas ang inyong mga pamilya habang kayo ay nasa loob ng kulungan. Kung gusto niyong makasama ang pamilya ninyo sa pasko, magsabi kayo ng totoo," sabi ko sa kanila.
"Tatanongin ko kayo ulit. Sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ko sa kanila. Pasimple kong hinawakan ang baril ko at hinimas-himas iyon. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglunok ng kanilang laway at pagtulo ng kanilang mga pawis.
"Magbibilang ako hanggang tatlo, kung walang sasagot. Magdasal na kayo," banta ko sa kanila.
"Isa!"
"Dalawa!" Nagpalakad-lakad ako at umiikot sa kanilang apat. Sinasadya ko pang ipatong sa kanilang mga ulo ang baril na hawak ko.
"Dalawa't kalahati," bilang ko ulit.
"Sino ang gustong mauuna na makipagkita kay kamatayan?" tanong ko sa kanila.
"Ayaw niyong magsalita? Sige, madali lang naman akong kausap."
Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko at itinutok sa ulo ng lalaking may hawak na kutsilyo kagabi.
"Tatlo!"
"Si Datu Masha! Si Datu Masha!" nanginginig na sabi nito.
"P-parang awa niyo na 'wag niyo akong patayin. May sanggol pa po ako at buntis ang aking asawa. Nagmamakaawa ako maam, sir, 'wag niyo akong patayin," umiiyak at nanginginig siyang nagmakaawa sa amin.
Bumuga ako ng hangin at umupo.
"Sino si Datu Masha?" tanong ko.
"Isa siyang rebeldeng muslim, hindi namin alam kung bakit niya pinapapatay ang anak ng gobernador. Maniwaka kayo, kailangan lang namin ng pera kaya kami sumunod sa kaniyang pinag-uutos," sabi ng lalaking naka-itim.
"Tama na ang impormasyong binigay ninyo. Magsasabi rin naman pala kayo ng totoo, kailangan pa talagang takotin. Ibalik niyo na sila sa kulungan," utos ko sa ibang pulis.
"Franco, alamin mo kung saan nakatira ang mga 'yan at puntahan ninyo ang kanilang mga pamily. Tawagan mo 'ko kung nahanap mo na," utos ko kay Franco.
"Masusunod, Miss Cruz," sabi niya sa akin.
"Tutuloy na po ako captain, tawagan niyo na lamang po ako kung may problema," paalam ko kay Captain Lopez.
"Sige, Miss Cruz, mag-iingat ka. Salamat sa tulong mo," sabi niya sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Walang ano man po, sige po aalis na ako," paalam ko ulit.
Lumabas na ako ng crime, agad ko namang nakita si Conrad na naghihintay sa kaniyang sasakyan.
"Done investigating?" tanong niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at agad naman akong sumakay.
"Natapos rin, may nagmamatigas pa," sabi ko sa kaniya.
"Napaamin mo naman siguro, 'di ba?" tanong niya.
"Oo, wala namang bala ang dala kong baril. Kailangan lang takotin para umamin," sabi ko sa kaniya.
"Iba ka talaga," natatawang sabi niya at pinaandar na ang kotse. Nagugutom na ako, alas dose na pala. Ang bilis naman ng oras.
"Conrad, siguro kumain muna tayo bago gumala. Nagugutom na ako," sabi ko sa kaniya.
"Sure, where do you want to eat?" tanong niya.
"Doon na lang sa restaurant na binilhan mo ng pagkain kaninang umaga. Masarap kasi ang mga pagkain nila," sagot ko sa kaniya.
"As you wish, commander," nakangiti niyang sagot.
"Kailan mo pa ako naging commander?" taas kilay kong tanong.
"Since the day, I fall in love with you," matamis niyang sabi. May kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. Ewan kung kinikilig ba ako o masama lang ang tiyan ko. Pati ang t***k ng puso ko ay bumilis at parang may nagtatakbuhang kabayo sa loob.
"Hmm, g-gano'n. Ikaw naman..." putol ko sa sasabihin ko at tumingin sa kaniya.
"I am your, sergeant," simpleng sabi niya.
"Hindi, ikaw ang lalaking nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Natatakot na nga ako at baka bigla na lang akong mag-palpitate," sabi ko sa kaniya na nasa kalsada ang tingin. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko matapos kong sabihin ang katagang iyon.
"Sinasabi mo bang in love ka na rin sa akin, Miss Charm Cruz?" nanunudyong tanong niya.
"Hmm... I don't know, maybe yes, maybe no," kibit balikat kong sagot.
"You are not sure?" tanong niya.
"Hindi pa malinaw, at ayoko rin madaliin. Gusto ko kusa ko iyong maramdaman para hindi kita sagutin na parang napipilitan. Gusto ko malinaw, gusto ko kapag sinabing kong mahal kita, dapat mula sa puso at hindi lang sa bibig," seryosong sabi ko sa kaniya.
"Wow! If that is what you want, I am willing to wait until you said 'I love you'. Hindi rin naman kita minamadali, gusto ko napag-isipan mong mabuti ng sa gano'n, hindi ka napipilitan. I want you officially and my first and ending," sinsero niyang sabi. Napangiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
"As long as you are there and waiting for my answer, may pag-asa kang mapasaiyo ako," turan ko sa kaniya. Pinisil niya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Of course, I am willing to wait," sabi niya sa akin.
Nakarating na kami sa restaurant at naghanap kami ng mauupuan. Maganda naman pala siya sa loob, kung titingnan mo kasi sa labas ay simple lang. Pero pagpasok mo sa loob ay maganda at maaliwalas. Puwede rin siyang romantic place para sa nagdi-date. Kinuha ko ang menu na nasa ibabaw ng mesa at naghanap ng puwedeng i-lunch. Nakita ko ang bulalo at kare-kare sa list kaya iyon ang in-order ko at dalawang cup ng rice. Si Conrad naman ay um-order ng beef stew and rice. Pinarisan rin namin ng drinks, habang hinihintay namin ang pagkain ay nagkwentuhan kami tungkol sa imbestigasyon kanina. Natawa pa siya dahil nai-imagine niya ang itsura ng lalaking tinutukan ko ng baril. Wala naman talaga 'yong bala, hindi ako nagdadala ng baril na may bala. Kung kailan ko lang kailangan 'saka ko na lalagyan iyon.
Mayamaya pa ay dumating na ang in-order naming pagkain. Takam na takam ako sa amoy ng bulalo at kare-kare. Nag-umpisa na kaming kumain ni Conrad na para bang walang balak magsalita sa aming dalawa. Kapwa kami seryoso at nasa pagkain lang ang aming atensyon.
Matapos naming kumain ay tinanong niya ako kung saan ko gusto pumunta. Pero wala akong naisip na lugar dahil hindi naman ako mahilig gumala. Ang nangyari siya na ang nag-isip at niyaya na niya akong lumabas sa restaurant.
"May naisip ka na bang pupuntahan natin?" tanong ko sa kaniya. Kasalukuyan na kaming bumabiyahe ngayon at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Yup, were going to intramuros. I'm sure magugustohan mo ang lugar na 'yon," nakangiti niyang sabi. Mabilis ang naging takbo ng sasakyan nami papunta roon dahil hindi gaanong ma-traffic.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami. He's right, magugustohan ko ang lugar. Maganda pala siya sa personal, well sabi nia maganda talaga rito. Pero dahil hindi ako mahilig gumala kaya ngayon lang ako nakapunta rito. Naglakad-lakad kami at minsan pa ay nagpi-picture kami.
"Do you like the place?" tanong niya. Magkahawak kamay kaming nagpalakad-lakad at tumitingin sa paligid.
"Yeah, tahimik at maaliwalas. Ang ganda pala rito, hindi kasi ako mahilig gumala kaya wala akong alam sa mga lugar na puwedeng pasyalan," sabi ko sa kaniya.
"From now on, dadalhin kita sa mga lugar na magaganda. If may time tayong magbakasyon, pupunta tayo sa tagaytay. Mas maganda roon," nakangiti niyang sabi.
"Sige ba, sasabihin ko sa'yo kapag may libreng araw ako," sabi ko sa kaniya. Marami kaming naipong picture sa phone niya. Bibili daw siya ng photo album at pupunuin niya iyon ng litrato naming dalawa. Dapat daw naka-indicate sa mga pictures ang mga araw kung kailan iyon. Marami pa kaming nakuhang picture, kung saan kami mapahinto may picture talaga kaming dalawa. Firs date nga raw namin kaya dapat maraming memories.
Maggagabi na nang mapagpasyahan naming umuwi. Dumaan na lang kami sa restaurant at doon nag-dinner.
Pagdating namin sa apartment ko ay bumuhos ang malakas na ulan.
Tingin ko ay hindi ito titigil ng maaga kaya dito ko na lang siya pinatulog.
"Diyan ka sa baba," sabi ko sa kaniya at binigyan ko siya ng unan at kumot. May extra single bed naman kaya hindi siya lalamigin. Pero hindi siya nakatulog, panay galaw niya at hindi mapalagay. Naawa tuloy ako...
"Conrad, tumabi ka na lang dito. Malaki naman ang kama ko," sabi ko sa kaniya. Bumangon siya at agad na humiga sa tabi ko.
Bigla ay kinabahan ako, ngayon lang kasi ako may makatabing matulog tapos lalaki pa.
"Don't worry, wala akong gagawin sa 'yo," bulong niya.
Nakapikit na ang mga mata niya at tingin ko ay inaantok na talaga siya. Tumalikod ako sa kaniya at binalot ko ng kumot ang sarili ko.
"G-goodnight," sabi ko sa kaniya.
"Goodnight my girl," sabi niya at hinalikan ako sa ulo. Iniyakap pa niya ang kaniyang braso sa tiyan ko at kampanteng natulog. Samantalang ako, heto rinig na rinig ang kabog ng aking dibdib sa kaba. Hindi ko rin alam kung anong oras na ako nakatulog dahil doon.