CONRAD AND CHARM

1127 Words
CHARM Araw ng sabado ngayon, naisip kong umuwi ng apartment para mag-relax. Tinawagan ko na rin si Conrad at nasa labas na siya naghihintay. Palabas na ako ng gate nang makita ako ni Traze, pauwi rin siguro siya. "Charm," tawag niya sa akin. "Traze," tawag ko rin sa kaniya. "Uuwi ka rin ba? Sumabay ka na sa akin, ihatid na kita," alok niya. "Ah, hindi na. May sundo ako, nasa labas na siya ng gate," nakangiting sabi ko. "Ah, gano'n ba? Papa mo ba ang nagsundo sa 'yo," tanong niya. "Hindi, manliligaw ko," sagot ko. "May manliligaw ka?" tanong niya na parang hindi naniwala. "Oo, ano ba sa tingin mo? Hello, mukha ba akong tomboy? Acting lang 'yong nakaraang gabi, okay," sabi ko sa kaniya. "Ah, so-sorry," pilit na tawang sabi niya. Nasa labas na kami at nakita ko na si Conrad. Naka-sun glasses siya at nakapamulsa na nakasandal sa kaniyang sasakyan. "Sige, mauuna na ako," paalam ko. "Teka, siya ba ang manliligaw mo?" tanong niya at tinuro si Conrad. Lumapit naman si Conrad sa akin at hinapit ako sa baywang ko. "Ako nga... Conrad nga pala, pare," pakilala ni Conrad sa kaniya. "Traze," pakilala naman niya at nagkamay silang dalawa. "Shall we?" tanong niya sa akin. "Yeah, let's go. Mauuna na kami," paalam ko ulit kay Traze. Tumango lang siya at nagtungo na sa kaniyang kotse. Pinagbuksan naman ako ni Conrad ng pinto sa kaniyang kotse at siya naman ay umikot papuntang driver seat. "Kumain ka na?" tanong niya sa akin sabay halik sa noo ko. "Hindi pa, ikaw?" tanong ko rin sa kaniya. "Nope, kakagising ko lang no'ng tumawag ka. Dadaan na lang tayo sa restaurant or drive thru tapos sa apartment mo na lang tayo kakain. What do you think?" tanong niya. "Puwede rin sa drive thru na lang tayo, maglalaba rin kasi ako e," sabi ko sa kaniya. "Okay," sagot niya at naghanap na kami ng mabilhan ng pagkain. "I heard may mga lalaki kang nakainitan, nasa presinto sila dinala ni Franco." Hindi ko nga pala nasabi sa kaniya. "I'm sorry kung hindi ko nasabi, yes it's true. Actually hindi ako ang pakay nila, si Traze. No'ng nakita ko silang lumabas ng bar kung saan gumimik sila Traze at mga barkada niya ay tinawagan ko kaagad si Franco. Mabuti na lang gising pa siya that time kaya agad silang nakaresponde. Delikado kasi si Traze, I think may nag-utos sa mga taong 'yon base sa porma nila at may dalang kutsilyo pa 'yong isa. Hindi naman sana ako lalapit kung walang kutsilyo 'yong isa. I don't have a choice, nagpanggap akong tomboy." Narinig kung natawa si Conrad kay napatingin ako sa kaniya. "What's funny?" iritang tanong ko. "Pfft, nothing. I just... can't believe na nagawa mo 'yon, 'buti hindi mo kaagad sila sinunggaban." "Susugurin na nga sana ako no'ng lalaking may kutsilyo. Dumating naman sila Franco kaya napigilan sila at nahuli." "That's good, anyways... Anong ginawa mo doon sa lugar na 'yon?" tanong niya. "Sinundan ko sila, kasi trabaho ko naman ang bantayan si Traze 'di ba? Iyon nga lang nagmukha akong tanga na nagpanggap ng tomboy," sabi ko sa kaniya. "That's why I'm proud of you, magaling kang makaisip ng paraan to cover your real identity. You always amazed me," sabi niya sa akin na matamis na nakangiti. "Is that a compliment?" tanong ko. "Yupp, I am so proud dahil ikaw ang nililigawan ko. At mas magiging proud ako kapag sinagot mo na ako. My girl is very brave, cool and sexy," bulong niya. Nahampas ko siya sa braso niya dahil para siyang ewan. Nanindig ang balahibo ko nang bumulong siya at lumakas ang t***k ng puso ko. "You're blushing," sabi niya na nakalokong ngumingiti. "Om-order ka na, gutom na ang dragon ko sa tiyan," utos ko sa kaniya. Sa tapat siya ng restaurant huminto, akala ko ba drive thru? Lumabas na siya ng sasakyan at nagtungo sa loob ng restaurant. Tumunog naman ang phone ko at si Kuya ang tumatawag pagtingin ko sa screen. "Hello, Kuya Charles, good morning," bati ko sa kaniya. "Good morning, how are you? Na saan ka ngayon?" tanong niya. "I'm fine, kasama ko si Conrad. Nagpasundo ako sa school, bumili lang siya ng pagkain. Why?" tanong ko sa kaniya. "Nothing, just checking you out. Anyway, aalis kami mamayang gabi for operation. Kasama ko si Papa," sabi niya. "Gano'n ba? Mag-iingat kayo, si Papa 'wag mong pabayaan," bilin ko sa kaniya. "Yeah sure, ikaw rin mag-iingat ka," sabi niya sa akin. "Don't worry, I'm fine Kuya," nakangiting sabi ko. Papalapit na si Conrad sa sasakyan kaya nagpaalam na ako. "Kuya, I have to go, nandito na si Conrad. Tawagan mo 'ko bago kayo umalis, okay?" sabi ko sa kaniya. "Yes, sure. I have to go na rin, bye." Namatay na ang tawag at binalik ko na ang phone ko sa bag. "May operation sila Papa mamayang gabi, hindi kayo kasama?" tanong ko kay Conrad. "Nope, may ibang assignment kami," sagot niya. "Ah, okay," sabi ko. Nakarating na kami sa apartment ko, mabilis kong inihanda ang pagkain namin dahil nagugutom na ako. Nagtimpla rin ako ng kape, hindi kasi buo ang almusal ko kapag walang kape. "Wala ka bang gagawin ngayong araw?" tanong ko kay Conrad. "Nope, why?" "Wala lang, gusto ko sanang gumala. Pangpawala ng stress sa school," sabi ko sa kaniya. "You want? Sasamahan kita. Saan mo gustong pumunta?" tanong niya. Napatingin ako sa kaniya at matamis siyang nakangiti sa akin. "Sure ka?" tanong ko. "Yup, ahm... First date na rin natin, if... okay lang sa'yo." "Okay lang naman, no problem. Mamayang gabi na lang ako maglalaba." "Tutulungan kitang maglaba. Maglaba muna tayo, then let's go out for a date." Kusa akong napangiti sa kaniyang mga tinuran. Hindi lang siya protective, napakabait niya pa. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kagaya niyang napaka-gentleman. "Thank you. Ihahanda ko lang ang mga labahin ko, madali lang naman 'yon dahil may washing naman ako," sabi ko sa kaniya at tumayo na. Tapos na rin kaming mag-almusal. Siya na ang nagpresintang maghugas sa pinagkainan namin. Tinulungan niya rin akong maglinis ng apartment ko. Pagkatapos naming maglinis ay kasalukuyan na akong nag-aanlaw sa mga damit ko. Tinulungan naman niya ako kaya mabilis natapos. Habang nagpapahinga ako ay nagpaalam siya na umuwi muna para makapagbihis dahil pawisan siya. Ako naman ay naligo na at nagpapatuyo sa buhok ko. Mayamaya pa ay nasa labas na si Conrad na naghihintay sa akin. Agad naman akong lumabas at ni-lock ang apartment ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at inalalayang makasakay. Umikot naman siya sa kabila at umupo sa driver seat. Siya na ang pinagdesisyon ko kung saan kami pupunta, wala rin kasi akong naisip na magandang lugar na perfect for a date.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD