DISGUISE

1271 Words
CHARM Kinabukasan maaga akong nagising, nag-review muna ako para sa quiz namin mamaya. Kasalukuyan akong nagbabasa at iniinom ang kape ko nang tumawag si Papa, agad ko naman itong sinagot. "Hello, Pa, good morning po," bungad ko. "Good morning, anak. Kumusta ka?" tanong niya. "Mabuti naman po, heto nagre-review po ako dahil may quiz kami mamaya. Para na akong normal na istudiyante sa lagay ko na 'to," sabi ko sa kaniya. "Mabuti kung gano'n anak, 'wag mo lang seryosohin masyado ang misyon mo. Isipin mo na lang na nag-aaral kang talaga at hindi misyon ang dahilan kung bakit ka nariyan," sabi niya sa akin. "Gano'n na nga po, kayo po, kumusta?" tanong ko. "Maayos naman anak, bukas ay may pupuntahan kaming lugar sa isang probinsiya. May operasyon kami doon," sabi niya. "Papa, mag-iingat po kayo ha, at kung maari 'wag niyong pabayaan ang sarili ninyo," bilin ko sa kaniya. "H'wag kang mag-aalala anak, iingatan ko ang aking sarili. Sige na, magpapaalam na ako, tandaan mo, mahal na mahal ka ng Papa," sabi niya sa akin. "Mahal na mahal ko rin po kayo, Papa," sagot ko at namatay na ang tawag. Naligo na ako at nagbihis, pagkatapos ay lumabas na ako ng aking kuwarto. Sakto namang nagkita kami nila Loisa at Mariz sa hallway papuntang cafeteria kaya sabay na kaming nagtungo roon. Maagang natapos ang klase namin dahil may meeting ang mga lecturer namin patungkol sa papalapit na intramurals day ng school. Sa aking paglalakad patungong dorm ay may dalawang tao akong naaninag sa may locker. Narinig ko ang boses nila at kilala ko ang isa, si Traze. "Traze, 'wag mo naman akong hiwalayan. Lahat gagawin ko, lahat ibibigay ko sa'yo, just stay with me," anang babae na umiiyak. "I'm sorry but we can't be together anymore. Pangpalipas oras lang kita, and I'm sorry," isang malutong na sampal ang narinig ko. Napangiwi pa ako dahil pakiramdam ko ay ako ang nasaktan sa sampal na iyon. Umalis na ako sa lugar na iyon at nagtungo na sa aking kuwarto. 'Grabe pala talaga ang tinik mo sa babae Mr. Dela Rama,' usal ko sa aking sarili. Pagpasok ko sa aking kuwarto ay agad kong kinuha ang phone ko sa aking bag. Tinawagan ko si Conrad at nahiga sa kama. Sinagot naman niya kaagad iyon. "Hello," sagot niya sa kabilang linya. "Hi, how are you today?" tanong ko. Hindi kasi siya tumawag o nagtext man lang. "I'm sorry if I didn't call you, nagkaroon kasi ng emergency rescue kanina sa kabilang bayan. Wala pa akong tulog," sabi niya. Nakaramdam ako ng konsensya dahil ang dumi ng iniisip ko. Nagdududa na kaagad ako. "It's okay, I just...m-miss you," mahina kong sabi. "I miss you too, how are you?" tanong niya. "I'm fine, medyo na stress ako sa quiz namin kanina. Next week may event sa school, so baka ma-busy ako," kwento ko sa kaniya. "What event?" tanong niya. "Intramurals," maikling sagot ko. "Hmm, kumain ka na ba?" tanong niya. "Hindi pa, pero bababa ako at sa cafeteria na kakain. May mga kasama naman ako," sabi ko sa kaniya. "Okay, take care okay... Ahm, matutulog muna ako, okay lang ba?" tanong niya. "Of course, magpahinga ka na. Goodnight," sabi ko. "Goodnight, i love you," namatay na ang tawag. Hindi man lang hinintay ang sagot ko. Hays. Ano naman ang isasagot ko? Tsk! Bumangon na lang ako sa kama at lumabas ng kuwarto. Nag-text na kasi sila Loisa na nasa cafeteria na sila. Paglabas ko ay napansin ko ang si Traze paalis kasama ang kaniyang mga kaibigan. Tinext ko sila Loisa na mamaya na lang ako, sinundan ko sila Traze. Sumakay sila sa isang kotse at umalis, pumara ako ng taxi at pinasundan ang kotseng blue na kakaalis lang. Huminto sila sa isang bar at pumasok sa loob, mukhang kilala na sila sa bar na ito base sa pakikipag-usap nila sa guards ng bar. Binayaran ko ang driver at bumaba. Pumasok ako sa loob at pumwesto sa madilim na banda para hindi niya ako makita. Mayamaya pa ay nakita kong um-order sila ng beer. Masaya silang nag-inoman, napasilip ako sa relo ko at alas nuwebe na ng gabi. Nagugutom na ako, may mini-mart sa tapat ng bar kaya lumabas muna ako at nagpunta roon. Naghanap ako ng makakain ko, may hotdog buns sila at siopao. Kumuha ako ng isang hotdog buns at isang siopao at coke in can. Binayaran ko iyon sa counter at umupo sa may dingding para makita ko ang paglabas nila Traze. 'Pambihira naman, para akong gala sa lagay na ito. Daig ko pa ang nag-baby sitter,' usal ko sa aking sarili. Matapos kong kumain ay tumambay muna ako at sinilip ang phone ko. May text si Franco kanina pa pero hindi ko nakita. Mayamaya pa ay napansin kong lumabas si Traze pero iba ang kasama niya. Agad akong lumabas at tinawagan si Franco. "Franco, pumunta ka dito sa Maharlika resto-bar, bilis," sabi ko pagkasagot niya sa tawag. Hindi ako puwedeng lumapit, ano ang sasabihin ko kapag nagtanong siya? Pero iba ang kutob ko sa mga kasama niya, ang isa ay may kinukuha sa kaniyang likod. 'Kutsilyo!' naiusal ko. Bahala na. "Ehemm, mga boss magandang gabi," umakto ako na parang tomboy. Wtf! "Sino ka?" tanong ng isang lalaki. "Kaibigan ko itong lalaking 'to," turo ko kay Traze. Nagtaka naman siyang tumingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo niyang tanong. "Pare, ano... may binili lang ako diyan sa mini-mart," palusot ko. Sinadya kong tigasan ang boses ko para kapa-kapaniwalang tomboy ako. "Alam mo miss, 'wag ka ng makialam rito. May kailangan kami sa lalaking 'to," sabi sa akin ng isa. "Hindi naman ako nakikialam mga boss, hindi kasi kayo pamilyar sa akin. At isa pa, kilala niyo ba ang taong 'to?" tanong ko na nakaturo kay Traze. "Miss, umalis ka na kung ayaw mong madamay!" sigaw ng lalaking may hawak na kutsilyo. "Paano kong ayoko?" panghahamon ko. "Matigas ka ha!" Aatakihin na sana niya ako nang biglang dumating sila Franco. Save by the bell. "Itaas ang mga kamay, mga pulis kami," sabi niya sa mga ito. Hindi na nakatakas ang tatlong lalaki dahil nakatutok na ang kanilang baril sa kanila. "Traze, tara bumalik na tayo sa campus," sabi ko sa kaniya. "Kayo na ang bahala sa mga 'yan, tawagan niyo na lang ako," bilin ko kay Franco. Pumara ako ng taxi at pinasakay si Traze roon. "Anong ginagawa mo doon?" tanong niya. "Sinabi ko na 'di ba, nakita kong lumabas ka sa bar na 'yon at hindi pamilyar sa akin ang mga kasama mo kaya lumapit na ako," sabi ko sa kaniya. "T-thank you," usal niya. "H'wag kang pakampante na lumabas ng campus lalo na kung gabi, maraming masasamang tao na nakapaligid," sabi ko sa kaniya. Hindi siya umimik at puro buntong hininga lang ang naririnig ko. Nakarating na kami sa campus at binayaran ko ang driver. Bumaba kami at sabay na nagtungo sa dorm, hinatid pa niya ako sa dorm ko para alam daw niya kung saan ang kuwarto ko. "Salamat ulit, hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating. Baka may nangyari ng masama sa akin," sabi niya. "Wala 'yon, mag-iingat ka na lang sa susunod. Sige, papasok na ako," paalam ko sa kaniya. "Charm, puwede ko bang mahingi ang number mo?" tanong niya. Pinag-isipan ko muna bago ako pumayag. Hiniram ko ang phone niya at sinave ang number ko. "Sige na, pumunta ka na sa kuwarto mo at matulog. Goodnight," sabi ko at pumasok na sa kuwarto ko. Napabuga ako ng hangin at pumasok sa banyo para maligo. Pinatuyo ko ang buhok ko at nahiga na sa kama para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD