CHARM
After class, papunta na kami ng cafeteria para mag-lunch.
"Saan ka pala nag-aaral dati?" tanong sa akin ni Loisa.
"Sa Saint Benedict, tapos nag-online class ako noong third year college ako. Then naisipan ko na mag-aral ulit sa face to face classes," sagot ko.
"Ahh, kaya pala," sabi niya.
Habang naglalakad kami ay naghihiyawan ang mga kababaihan sa quadrangle. Na-curios naman kami at sumilip sila Loisa.
"Hay nako, kung magtilian sila parang ngayon lang nakakita ng guwapo. Ito namang si Traze, akala mo kung sinong guwapo," daldal niya.
"Hindi ka pa ba nasanay? Everyday naman 'yan, tapos mamaya kung sino-sino na ang dini-date sa likod ng building. At gumagawa pa ng himala, myghaddd!" singit naman ni Mariz na mukhang na stress.
Ganiyan pala talaga siya, hindi nga ako nagkakamali. Pumasok na kami sa cafeteria at um-order ng lunch namin. Habang kumakain kami ay may tumatawag sa phone ko. Pagtingin ko ay si Conrad iyon kaya sinagot ko kaagad.
"Hi," bungad niya.
"Hello, napatawag ka?" tanong ko.
"Just checking you, nag-lunch ka na ba?" tanong niya.
"Yupp, actually nasa cafeteria kami ngayon," sabi ko.
"Kami?" takang tanong niya.
"Kasama ko ang dalawa kong kaklase," sabi ko sa kaniya.
"Mabuti naman kung gano'n," sabi niya.
"Yeah, hindi na ako mag-isa. Actually kanina ko lang sila nakilala," kwento ko.
"That's good, sige, I have to go na mag-iingat ka diyan okay?" bilin niya.
"Copy sir," sagot ko. Pinatay na niya ang tawag at binalik ko na rin ang atensyon ko sa pagkain.
"Boyfriend mo?" tanong ni Mariz.
"No, pero nanliligaw siya," sagot ko.
"Wow, sana all may manliligaw," sabi niya.
"Parang ikaw wala, nakalinya na nga sa listahan mo e," singit ni Loisa.
"Hindi ko sila type 'no," sagot niya.
Nagkwentuhan pa kami hanggang matapos kami sa pagkain.
Pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta sa washroom para maghugas ng kamay at mag-ayos na rin.
Nasa washroom na ako nang may narinig akong ungol ng isang babae at lalaki.
"Ahhh, s**t! F*ck me harder Traze," rinig kong ungol ng babae. Bigla ay nanayo ang balahibo ko kaya lumabas ako ng washroom at nagtungo sa class room namin.
Wtf! Ginawa pa nilang hotel ang washroom, myghadd! So disgusting!
"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit nakalukot 'yang noo mo?" tanong ni Loisa.
"Ha? A-ahm, ehemm... May ano lang...may iniisip ako," palusot ko.
"Ahh, okay."
Hindi na ako umimik at nagbasa na lang ako sa libro. Maya maya pa ay pumasok si Traze na malawak ang ngiti. Nainis ako sa pagmumukha niya, ilang babae na kaya ang ginalaw nito?
Pakialam ko ba? Ang misyon ko lang ang dapat kong isipin, bahala na siya sa personal na buhay niya.
Pumasok na rin ang lecturer namin at nagsimula na ang klase.
Kinahapunan, dumaan ako sa cafeteria para mag-take out ng pagkain. Sa kuwarto na lang ako kakain dahil may assignment na ibinigay sa amin. At, may ire-research pa ako para sa quiz bukas. Hays, tapos na sana ako sa ganitong research and homework e.
Nasa kuwarto na ako at kinuha ang laptop ko para magsimula na sa pag-research. May tumawag naman sa phone ko at si Conrad ulit iyon.
"Hello?" sagot ko. Naka-loudspeak ang phone ko dahil nagtitipa ako sa keyboard ng laptop ko.
"How's your first day of school?" tanong niya.
"Okay lang naman, unang araw pa lang may nakabanggaan na ako," sabi ko.
"Who?" tanong niya.
"Mean girls," sagot ko.
"Really? And what did you do? Did you punch their faces and kick their *ss," natutuwang sabi niya.
"Gusto mo gawin ko? I can do that naman if i want," sabi ko. Tumawa siya sa kabilang linya.
"No, don't do that. Masama ka pa naman magalit. Until now ramdam ko pa ang sakit ng pagsuntok mo," natatawa niyang sabi.
"Hindi lang 'yan ang aabutin mo," seryosong sabi ko.
"Can I call you through messenger?" tanong niya.
"Yeah, sure," sagot ko. Pinatay niya ang tawag at maya maya pa ay nag-request siya ng video call sa messenger ko.
In-accept ko naman iyon at isinandal ko ang phone ko sa flower vase ng table ko.
"Hi, you look beautiful huh. Are you busy?" tanong niya.
"May nire-research ako for the quiz tomorrow and my kaunting assignment. Hays, I'm already done of this thing," nabo-bord kong sabi at humarap sa camera.
"Ikaw? Kumusta?" tanong ko sa kaniya.
"I'm good, and I miss you, nakakapanibago na wala ka sa crime," sabi niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko.
"Nag-dinner ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa, mamaya, after this kakain na ako. Ikaw?" tanong ko.
"Maybe later, tapusin mo muna 'yang research mo. I'll call you back if free ka na," sabi niya.
"Okay, maybe mga around 8pm puwede ka ng tumawag," sabi ko sa kaniya.
"Okay, bye for now. Magluluto na rin ako," paalam niya at pinatay na ang tawag.
Binalik ko na ang atensyon ko sa laptop at nag-research. Tinapos ko na rin ang assignment ko at kumain ng dinner.
Tumawag ulit si Conrad ng 8pm gaya ng sinabi ko sa kaniya.
Nag-usap kami tungkol sa misyon ko sa loob ng university at nasabi ko na rin na nakilala ko na personally ang anak ng governor.
Alas nuwebe na kami natapos sa pag-uusap at nagpaalam na sa isa't-isa para matulog.
Naglinis muna ako ng katawan at nagbihis ng pangtulog na damit.