FIRST DAY OF MISSION

1355 Words
CHARM, Nagising ako sa ingay ng phone ko, ala singko na ng umaga at may tumatawag. Tiningnan ko iyon at si Conrad ang nasa screen, agad ko naman itong sinagot. "Good morning," bati niya sa akin. Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya. "Good morning," inaantok ko pa'ng sagot. "Get up and take a shower, may klase ka ngayon remember?" sabi niya. Napangiti ako sa kaniyang pakikitungo. "Opo, Sergeant Jimenez," nakangiti kong sagot. "Sige na, pagkatapos mong maligo 'wag kang magsuot ng revealing na damit. Just wear a simple clothes but fit on your appearance," sabi niya. Napaka-possessive naman nitong manliligaw kong ito, hays. "Yes sir, copy po," sagot ko. "Okay, I'll go ahead. Take care of yourself okay, and don't skip your meals," paalala niya. "Opo, masusunod bossing," sabi ko sa kaniya. Namatay na ang tawag kaya kumilos na rin ako. Naligo ako at nagbihis, suot ko ang black pants ko, wala naman akong ibang kulay na pants bukod sa itim. Pinarisan ko iyon ng blouse na may necktie, at nilugay ko lang ang maalon kong buhok na pinatuyo ko gamit ang blower. Hindi na muna ako lumabas dahil 5:45 am pa lang naman. Ni-replyan ko muna ang mga text nila Kuya at Papa sa akin kagabi. Maya maya pa ay tumawag si Papa sa akin. "Hello, Pa?" sagot ko. "Good morning anak, kumusta ka riyan?" tanong niya. "Good morning rin po. I am fine Papa, okay naman 'yong dorm ko maaliwas at maluwag," sabi ko sa kaniya. "That's good, mag-iingat ka diyan okay? And 'wag mong pababayaan ang sarili mo," bilin niya. "Don't worry Papa, I'll take care of myself. Mag-iingat rin po kayo diyan, send my regards to Kuya na lang po," sabi ko. "Yeah sure, sige ibababa ko na ito. I love you my daughter," sabi niya. "I love you too Papa," sagot ko. Nag-end na ang call at lumabas na ako ng kuwarto ko. Naglalakad na ako papuntang cafeteria, bitbit ang gamit ko. Kagaya kahapon, may mga malilikot na mga matang nakatingin sa akin. Na-curious tuloy ako sa mga tingin nila, iniisip ko kung ngayon lang ba sila nakakita ng tao o baka hindi sila sanay na may bagong student rito. Pagpasok ko sa cafeteria ay napapalingon rin ang mga nasa loob, ano ba ang nangyayari? Ang weird ng mga tao rito, my ghaddd! Namimili na ako ng mai-breakfast ko, ang tindera naman ay nakatingin sa akin. "Ahm, ehemm... May problema po ba Ate?" hindi ko na napigilang magtanong. "Wala naman iha, ngayon lang kasi kita nakita rito, pasensya ka na," sagot niya. "Ahh, gano'n po ba? Bago lang po kasi ako rito, kahapon lang," nakangiti kong sabi. "Kaya pala, ang ganda mo iha. Akala ko nga foreigner ka," sabi niya. Bigla akong napatawa sa kaniyang tinuran. "Nako Ate, ordinaryong tao lamang po ako," sabi ko sa kaniya. "Kaya nga e, kung hindi ka pa nagsalita iisipin kong foreigner ka," sabi niya. "Ito nga po pala ang order ko, one rice, scrambled egg at isang hotdog," sabi ko sa kaniya. "Sige iha, saglit lang," kumuha siya ng tray at plato. Nilagay niya roon ang in-order ko at inabot ito sa akin. "35 pesos lahat iha, wala ka na bang ibang order?" tanong niya. "1 cup coffee na lang po, capuccino," sabi ko. "Sige iha, ihahatid ko na lang sa table mo," sabi niya. Naghanap ako ng mauupuan ko at nakakita naman ako kaagad. Naupo na ako at nagsimula ng kumain. Palapit na rin sa akin ang tindera dala ang kape ko. "Ito na ang kape mo iha," sabi niya at nilapag iyon. "Maraming salamat po, keep the change na lang po Ate," sabi ko sa kaniya. "Nako, salamat iha, ang bait mo naman," puna niya. "Walang ano man po," sabi ko sa kaniya. Nagpatuloy na ako sa pagkain, nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang may umupo sa tapat ko. "Can I share with you?" tanong niya. Inangat ko ang mukha ko at nagtama ang mata namin ng lalaking nakabangga ko kahapon, si Traze. "S-sure, malapit na rin naman ako matapos," sabi ko sa kaniya. "Thank you," sabi niya. Inubos ko na ang pagkain ko at ininom ang kape ko. "Ano nga pala ang kurso mo?" tanong niya. "Business Management," sagot ko. "Ohw, magkaklase pala tayo kung gano'n," sabi niya. "Gano'n ba?" tanong ko. "Yup, sabay na tayong pumunta sa klase, I guest hindi mo pa alam ang room natin," sabi niya. "P-puwede naman," sagot ko. Ngumiti siya at inubos ang kaniyang pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay sabay kaming lumabas ng cafeteria. Habang naglalakad kami ay may grupo ng mga babae na humarang sa amin. "Traze, is this a woman na ipinalit mo sa akin?" tanong ng babae na napuno ng crayola ang mukha. Anong pinagsasabi ng coloring book na 'to? "Ashley, can you please don't make a scene. It's too early para manggulo ka and she is a transferree, isasabay ko lang siya dahil hindi pa niya alam ang room namin," sabi sa kaniya ni Traze. "Oh? Really? Hey you? Don't you ever flirt my boyfriend, or else..." "Or else what?" putol ko sa kaniyang sasabihin. "Or else? I will make your life uneasy inside this school!" madiin niyang sabi. Peke akong tumawa at tumikhim. "Hinay-hinay lang sa mga pinagsasabi mo miss, hindi mo 'ko kilala. Baka kapag hinahamon mo 'ko ay matameme ka," taas kilay kong sabi. "Palaban, ang tapang mo naman yata. Baguhan ka pa lang right? H'wag kang magpakatapang, hindi mo rin kami kilala," sabi niya. Napangiti ako at tumingin ng deritso sa kaniyang mga mata. "As I've said, h'wag mo akong hamunin. You have no idea of what I'm capable off, kaya mamili ka ng kakalabanin mo!" madiin kong sabi sa kaniya. Naglakad na ako at sinadya ko siyang sagiin na ikinawala ng balanse niya. "Ops, sorry," maarte kong sabi. Unang araw pa lang may nakalaban na ako, well sorry na lang. Sanay akong makipag-away, 'wag lang niya akong subukang saktan physically dahil sisiguraduhin kong mawawalan siya ng ngipin. Nahanap ko na ang magiging room ko, kumatok muna ako bago pumasok. "Come in," sabi ng Professor. "Good morning Ma'am," bati ko. "You are the transferree right?" tanong niya. "Yes, Ma'am," sagot ko. "Okay, please introduce yourself in front," utos niya. Pumuwesto ako sa harap at tumingin sa mga kaklase ko. "Good morning. I am, Charm Sison Cruz, 24 years old. I am a transferree student," maikli kong pakilala. "Okay, thank you, Miss Cruz, you may take your seat," sabi ng Prof. namin. Umupo ako bakanteng upuan na malapit sa bintana, may isa pang bakante at hindi ko alam kung kanino ito. Nagpatuloy naman ang professor namin sa kaniyang discussion at nakatuon ang atensyon ko sa kaniya. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Traze na magulo ang buhok. Saan kaya ito galing? Kanina ay maayos naman ang itsura niya. "Mr. Dela Rama, you are late again!" mataas na tonong sabi ng lecturer namin. "I'm sorry, Miss Brenda," sabi niya. "Go to your seat, mamaya mag-uusap tayo sa guidance," sabi nito sa kaniya. Papalapit siya sa akin at naupo sa tabi ko, pawis na pawis siya at may pula na marka sa leeg. Hindi ko na iyon pinansin at itinuon ko sa lecturer namin ang atensyon ko. Natapos ang unang klase at nakaupo lang ako habang binabasa ang book ko. May dalawang babae na lumapit sa akin at nakipagkilala. "Hi, puwedeng makipagkaibigan?" tanong no'ng isa. "Yeah, sure," nakangiti kong sagot. "My name is Mariz," pakilala niya. "Ako naman si Loisa," pakilala ng isa. "Charm," pakilala ko rin sa kanila. "Ang ganda ng name mo, parang ikaw. Charming ng face mo, modelo ka ba?" tanong ni Loisa. "Ha? Hindi," sagot ko. "Akala namin modelo ka, ang tangkad mo kasi at sexy pa," sabi niya. Natawa na lang ako at binalik sa libro ang atensyon ko. Dumating naman ang sumunod na lecturer namin at nag-discussion na kami. Hindi na nakabalik si Traze, siguro hindi pa sila tapos ni Miss Brenda mag-usap sa guidance. E, bakit ko siya iisipin? Itinuon ko na lang sa klase ang isip ko at nakinig ng maigi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD