HER ANSWER

1970 Words
CHARM Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng phone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa ibabaw ng mesa at nakita ko ang pangalan ni Conrad sa screen. Kaagad ko itong sinagot at bumangon sa kama. "Good morning. Did I wake you up?" bungad niya sa akin. Na-imagine ko ang mukha niya ngayon, nakangiti siya habang kausap ako. "Good morning, tama lang ang pagtawag mo, umaga na pala. Nasa labas ka na ba?" tanong ko sa kaniya. "Yup, I'm here. I bring you a coffee, hurry up," utos niya sa akin. Napangiti ako at nagmadaling tumayo. "Sige, sige hintayin mo 'ko mga 15 minutes," sabi ko sa kaniya. Pinatay ko na ang tawag ang patakbong pumasok sa banyo para maghilamos at toothbrush. Nagbihis rin ako at agad na dinampot ang bag ko at phone. Lumabas na ako ng kuwarto ko at ni-lock ang pinto. Malalaki ang mga hakbang ko papalabas ng dorm building at nagmamadaling makarating sa gate. Paglabas ko ay nakita ko na si Conrad na papalapit naman sa akin para ako ay salubongin. "Good morning, how are you? Kumusta ang sugat mo?" tanong niya at sinuri ito. "Okay na, ginamot ko kagabi. Tara na," sabi ko sa kaniya. Nagtungo na kami sa kotse niya at pinagbuksan ako. Sumakay naman siya sa kabila at pinaandar na ito. "Here's your coffee," abot niya sa kape na in-order niya. Amoy na amoy ko pa ang aroma nito, kaagad ay hinigop ko iyon. Napapikit ako nang malasahan ko ang sarap nito. Nagising ang kaugatan ko at sumigla ako bigla. "Ang sarap talaga ng kape, nakakagising ng diwa," usal ko habang humihigop. "About last night, why you didn't text me or call me?" seryosong tanong niya. Patay! Ito na nga ba ang sinasabi ko kagabi. "Hindi na kita natawagan dahil natataranta ako, at usually naman si Franco ang kinokontak ko kapag may emergency," sabi ko sa kaniya. "Kahit na, you should've texted me. I am so worried, paano kong hindi lang daplis ang natamo mo? At nakipag-away ka pa naka-gown," pailing-iling niyang sabi. "I'm sorry, wala na kasi akong time. Alam mo naman na nasa panganib na ang buhay no'ng tao, simula pa lang. Sorry." Bumuntong hininga siya at hindi na nagsalita pa. Hindi na rin ako umimik at humigop na lang ako ng kape. Nakarating na kami sa crime, bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Sabay kaming pumasok sa loob at binati ng mga kasamahan namin. Namimiss ko sila, namimiss ko ang mga bondings namin dati kapag linggo o kahit sa araw ng trabaho. Sabay-sabay kaming kumakain ng lunch, minsan pa ay nagluluto kami. Namimiss ko na ang mga kasamahan ko at teammates ko. "We're here," sabi ni Conrad. Binuksan namin ang pintoan ng opisina ni Captain Lopez. Nandito na pala ang Ama ni Traze. "Good morning, sir," bati ko at sumaludo, ganoon rin si Conrad. "Good morning, Governor Dela Rama," bati ko naman sa gobernador. "Good morning. Have a seat, Miss Cruz and Mr. Jimenez," sabi sa amin. Umupo kami sa dalawang bakanteng upuan. Tinanong nila ako kung ano ang nangyari kagabi kaya sinalaysay ko iyon. "Sa tingin ninyo, iisang tao lang ang may gawa nito?" tanong ni Captain Lopez. "Yes, captain," sagot ko. "Kailangan natin madaliin ang paghuli sa taong iyon. Baka pati mga inosente ay madamay." "Sir, paano po natin malalaman kung saan siya nagtatago kung walang magsasalita?" "Mahihirapan tayong hanapin siya lalo na at magaling siyang magtago. Well, we will try our best para mahuli na ang muslim na iyan. Sa ngayon ay, kailangan ninyong mag-ingat sa loob ng campus, Miss Cruz. Hindi natin alam, baka may mga bata sila sa loob ng university. At panigurado akong kasabwat ang mga 'yon." "Wala po kayong dapat na ipag-aalala, captain. Mag-iingat po ako at kung kaya kong doblehin ang pagbabantay kay Traze, ay gagawin ko po." "Maraming salamat, sa iyo iha. Malaki ang utang na loob ko sa iyo sa pagbabantay mo sa anak ko. Balang araw ay makakabawi rin ako sa iyo," singit ni Governor Dela Rama. "Walang ano man po, governor. Ginagawa ko lamang po ang aking tungkolin, wala po kayong dapat na ipag-aalala dahil hindi ko po pababayaan ang anak ninyo," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Okay, maybe we will talk again another time. May pupuntahan pa kasi ako. Miss Cruz, mag-iingat ka. Maraming salamat." Nakipagkamay sa akin si captain at governor, gano'n rin kay Conrad na kanina pa tahimik. Nagtatampo pa rin ba siya dahil sa hindi ko pagtawag sa kaniya kagabi? Kakausapin ko na lang siya mamaya. Matapos ang usapang iyon ay lumabas na kami at nagtungo sa kaniyang sasakyan. Nang makasakay na kami at umaandar na ito ay hindi ko na napigilang magtanong kung ano ang problema nitong kasama ko. "Conrad, may problema ba?" tanong ko sa kaniya. "Nothing," maikling sagot niya. "Kanina ka pa tahimik, anong iniisip mo?" "Wala." Napabuga ako ng hangin at tumuwid ng upo. "Ihatid mo na lang ako sa apartment ko kung ganiyan mo 'ko pakikitungohan," sabi ko sa kaniya. Bigla naman siyang pumreno dahilan para ako ay mabunggo sa salamin ng kotse. "Ahww!" daing ko na hawak ang aking noo. "I'm sorry. I'm sorry," taranta niyang sabi na hinimas ang aking noo. "Bakit ka pumreno bigla? Kita mong hindi ako naka-set belt e," sabi ko sa kaniya. "I'm sorry, hindi ko napansin." "Kasi tamporurot ka! Hindi ka lang na-text kagabi naggaganiyan ka na ngayon! Hindi mo ba ma-gets na emergency?" "I'm sorry." Hindi ko na siya inimik at salubong ang mga kilay kong nakatingin sa labas ng bintana. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at pinaandar na ang kotse. Mayamaya lang ay nakarating kami sa bahay niya. "Sabi ko sa apartment ko! Bakit dito mo 'ko dinala?" "Ipagluluto kita ng almusal, baka nagugutom na ang mga dragon mo sa tiyan. Mainit na ang ulo mo e," sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto sa kotse. Padabog akong bumaba at pumasok deritso sa bahay niya. Pabato kong nilagay sa sofa ang bag na dala ko at sinalampak ang aking sarili roon. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa paanan ko. "I'm sorry," usal niya. Hawak niya ang mga kamay ko at para siyang bata sa kaniyang inaakto. "Ipagluluto mo 'ko 'di ba? Magluto ka na muna roon, bago kita patawarin," utos ko sa kaniya. Naiinis ako, at ang sakit ng noo ko. "What do you want for breakfast?" tanong niya. "Ikaw na ang bahala," sagot ko sa kaniya. "Okay, misis ko. Ang sungit, mayro'n ka ba ngayon?" pang-aasar niya. "Kung bangasan kaya kita? Umalis ka na sa harapan ko, Jimenez!" taboy ko sa kaniya. "I love you, misis ko." Inirapan ko lang siya at hindi na pinatulan. Tahimik akong binubuksan ang phone ko, ilang araw na ay walang text sila Papa at Kuya. Sana okay lang sila at ligtas. CONRAD POV Nakangiti akong naghahanda ng almusal namin ni Charm. Naalala ko ang nangyari kagabi, nagtatampo ako dahil hindi man lang niya iyon pinaalam sa akin. Pero may point naman siya, hindi ko na dapat bini-big deal iyon dahil emergency. Nag-aalala lang naman ako sa kaniya, kung maari lang palitan ko siya sa kaniyang misyon ay gagawin ko. Sana lang ay matapos na iyon at makabalik na siya sa crime. Inaamin kong natatakot ako na baka magustohan niya si Traze. Lagi silang magkasama at nagkikita, wala akong alam sa mga ginagawa nila dahil nasa loob sila ng campus. I know I'm over reacting, hindi ko ito maiwasan lalo na at may balak na ligawan ng mokong na 'yon si Charm. Nakonsensiya tuloy ako dahil nasaktan ko siya ng hindi sinasadya. Inayos ko na ang mesa at pinuntahan siya sa sala. Nakahiga siya sa sofa at nakatakip ang kanyang braso sa kaniyang mga mata. Minsan talaga parang lalaki ito kumilos, kaya naman minsan ay natatakot ako rito kapag alam kong galit na ito. Kanina ay dinadaan ko na lang sa biro, pero sa kaloob-looban ko kinakabahan na ako. Nilapitan ko siya at ginising para mag-almusal na. "Misis ko, breakfast is ready. Tara na," malambing kong gising sa kaniya. "Anong niluto mo?" tanong niya na hindi pa rin inalis ang kaniyang braso sa mga mata. "Itlog ko, este scrambled eggs and spam. Your favorite sinangag na kanin with ham," nakangiti kong sabi sa kaniya. Bumangon siya at salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan ito. "I'm sorry. I'm really sorry, inaamin kong nagtatampo talaga ako. But, I get it, it's emergency. Hindi ko lang maiwasan na hindi mag-aalala dahil kahit na alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo, babae ka pa rin. May kahinaan ka pa rin, isa pa... I can't imagine na nakipag-away ka na naka-gown lang. I'm too much worried." Humugot siya ng malalim na paghinga bago magsalita. "Okay na, tumayo ka na diyan. Sa susunod kasi 'wag masiyadong mag-over react. I'm just doing my job, tungkolin kong protektahan ang tao dahil nangako ako." "I know, and I'm so sorry, please?" "Oo na, you're forgiven. Kumain na tayo, malamig na iyong niluto mo," sabi niya tumayo na. Nakaakbay ako sa kaniya habang papasok kami sa kusina at pinaghila ng upuan. Nilagyan ko na rin ng pagkain ang kaniyang plato bago ako umupo. Ang sarap siguro sa feeling kung mag-asawa na kami. Lagi ko siyang ipaghahanda ng almusal at may nilalambing ako. "Anong nginingiti mo diyan?" bigla ay tanong niya. "Ahm... Nothing, I'm just thinking, mas masarap siguro sa feeling kung mag-asawa na tayo. Tapos, lagi kitang pinaghahandaan ng almusal at nilalambing sa tuwing nagagalit o naiinis. Kailan mo ba kasi ako sasagotin?" "Hindi ka na ba makapaghintay?" tanong niya sa akin. Napalunok naman ako bigla dahil roon. "Charm, I can wait. Siguro, sabik lang akong marinig mula sa'yo ang katagang mahal mo 'ko..." "Mahal kita. Mahal kita at mahalaga ka sa akin, nag-aalala ako kapag may nagagawa akong hindi mo nagugustohan. Higit sa lahat, ayokong layuan mo 'ko dahil lang may ibang lalaki na lumalapit o kumakausap sa akin." Nakanganga ako dahil sa kaniyang mga sinabi. Nabigla ba ako? Ang tagal nag-sink in sa utak ko. Totoo ba ang mga sinasabi niya? "S-seryoso?" natanong ko. "Kailan ko ba ginawang biro ang mga sinasabi ko, Jimenez?" pabalik niyang tanong. Napatayo ako at nanlaki ang mga mata ko. Totoong sinabi niya na mahal niya 'ko! "M-mahal mo'ko? Ibig sabihin, sinasagot mo na ako?" "Ayaw mo? Sige, sa susunod na lang," sabi niya. "No, no, no. I'm just... can't believe na sinasagot mo na nga ako." "Oo, sinasagot na kita. Para wala ng rason na magselos ka o matakot na baka maagaw ako ng iba. Sinasagot na kita kasi, mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalik-halikan ang kaniyang buhok. Napatayo naman siya para yakapin rin ako. "Thank you, I love you so much, Charm. I promise, babawasan ko na ang pagiging seloso ko." "I love you too. Ayokong mangako ka, Conrad. Gusto ko gawin mo at ipakita mo, alam mo naman ako, 'di ba? Ayoko na mag-aaway tayo dahil lang sa selos mo na wala sa lugar." "I will, don't worry. I love you so much, misis ko," masayang sabi ko sa kaniya at dinampian siya ng halik sa kaniyang labi. "Kumain na tayo, hindi pa ako tapos. Ang sarap ng niluto mo." Naupo na siya at nagpatuloy sa pagkain. Ganado naman akong kumain at sobrang saya ng puso ko. Matapos kaming kumain ay siya na ang nagpresintang maghugas nga pinagkainan namin. Buong araw lang kami sa bahay at walang ginawa kun'di ang mag-movie marathon. Kadalasan namin itong ginagawa dati kapag bumibisita ako sa kaniyang apartment. I finally have her, puwede ko nang ipagsigawan na akin siya at mahal na mahal ko siya. That she is my first and last, that she is the woman I want to spend my life with. She is the woman that I will marry, soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD