SAVING TRAZE

2122 Words
CHARM Ala singko pa lang ay naghahanda na kaming tatlo nila Mariz para sa party. Nakapagbihis na kami at kasalukuyan kaming nagmi-make up. Habang abala kami sa aming mga sarili sa pag-aayos ay napag-usapan namin ang nangyari kahapon. "Ano nga pala ang nangyari sis? Saan ka dinala ng manliligaw mo?" tanong ni Loisa. "Sa bahay niya," maikling sagot ko. "Tapos? Anong nangyari? Nag-away kayo?" tanong naman ni Mariz. "Oo nga. Grabe, nakakatakot magalit ang manliligaw mo sis. Pero in fairness, ang pogi niya ha. Tapos, my gosh! Umiigting ang panga dahil sa selos," natatawang aniya ni Loisa. "Kung alam niyo lang. Pati ang katapangan ko ay nawala, kinabahan ako ng sobra. Sa daan pa lang ang bilis ng kaniyang pagmamaneho, tapos tinataasan ako ng boses. Noon ko lang siya nakita na gano'n magalit, nagseselos lang pala. Loko rin kasi itong si Traze e, isa pang sira ulo!" sabi ko sa kanila. "Pero, tingin mo sis... Seryoso ba si Traze sa sinabi niya na liligawan ka?" tanong ng Mariz sa akin. "Nako! H'wag na siya mag-aksaya ng oras. Hindi rin siya papasa sa standards ko, ayoko sa f*ckboy at playboy!" "Wala rin siya sa kalingkingan ng manliligaw mo 'no. Guwapo, macho, medyo seloso pero keri lang 'yon. At saka halata namang mabait siya e, samantalang si Traze? Dios ko, maraming babae, kaliwa't kanan, tapos kung saan-saan nire-release ang sperm." Humagalpak ng tawa si Loisa matapos sabihin ni Mariz ang mga katagang iyon. Pati ako ay natawa na rin, baliw talaga. "Ayan! Ang gaganda na nating tatlo! Pak! The beauty Queens," ani Mariz na nakapang-modelo ang porma. "Tara na, baka tayo na lang ang wala roon." "Mauna na kayo sa labas, cr lang ako," sabi ko sa kanila. "Sige, sis," sagot nila at nauna ng lumabas. Nagmadali naman akong pumunta sa closet ko at kinuha ang baril ko. Nilagyan ko na ito ng bala at isiniksik sa hita ko para hindi mahalata ng iba. Kinuha ko na ang pouch ko at phone bago lumabas. "Let's go," sabi ki sa kanila matapos kong i-lock ang pinto ng aking kuwarto. Naglalakad na kami papuntang music hall kung saan ang venue ng party. Malaki kasi ito at maluwag, marami-rami na rin ang mga istudiyante na nasa loob pagpunta namin. Medyo maingay na rin at may kumakanta na sa loob. Hindi na kami nagtagal pa sa labas at pumasok na, mabuti na lang walang guards na nagbabantay. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng iba naming kaklase at sinama sa table nila. Nakita ko rin ang grupo nila Traze na nakapansin rin sa amin. Papalapit sila rito sa aming puwesto, si Traze naman ay natitig lang sa akin. May atrso pa pala 'to sa akin ang lalaking 'to. "Hello! Beautiful ladies," bati nila sa amin. "Charm, can we talk?" tanong ni Traze sa akin. "Kung tungkol sa nangyari kahapon ang nais mong pag-usapan natin, 'wag na," deritso kong sabi sa kaniya. "Look, I just want to say sorry..." "No need, Traze. Kung ayaw mong magalit ako sa'yo lalo, can you please...stay away from me. Kahit ngayon lang," sabi ko sa kaniya. "But, Charm..." "Don't you understand? Traze, alam mo ba ang ginawa mo kahapon?" "Wala namang masama sa sinabi ko, I'm just telling the truth." "Ang alin? Ang liligawan mo'ko? Nahihibang ka ba? To tell you this, Traze. Hindi ako kagaya sa ibang babae na nagpapaligaw sa kung sino-sino. So please, leave me alone. Ayaw muna kitang makausap, at kalimutan mo rin 'yang binabalak mo dahil sinasabi ko sa'yo, wala kang mapapala sa akin." "No. I'm serious and I mean it. I will court you, hindi mo pa naman boyfriend iyong lalaking 'yon 'di ba?" "You're crazy! Ngayon pa lang basted ka na, kaya 'wag ka ng mag-aksaya ng panahon." Tinalikuran ko siya at naghanap ng mauupuan, wala pang isang oras na suot ko ang sapatos ay sumasakit na ang binti ko. 'Pagtitiisan kitang lapitan dahil may responsibilidad ako sa'yo, Traze. Wala ng mas hihigit pa roon.' Bago nagsimula ang party ay kumain muna ang lahat habang may nagpapatugtog. Ini-enjoy naman namin ang masasarap na pagkain at kuwentohan. Malapit lang rin sa puwesto namin sila Traze kaya nakikita ko siya. Naglilikot rin ang mga mata ko at baka may mga hindi inaasahang bisita na nakapasok. Mayamaya lang ay may grupo ng mga babae ang nasa stage, siguro ay kakanta sila o sasayaw. Habang kumakanta sila at aliw na aliw ang mga nanunuod ay may mga lalaki akong napansin sa bandang sulok. Hindi sila pamilyar, pero halatang imbitado sila sa party na ito. Pero bawal ang outsider sa school na ito. Kinalma ko muna ang sarili ko, nilapitan ko sila Traze sa puwesto nila at naki-upo. "Ehemm, puwedeng makiupo?" tanong ko sa kanila. "Charm, ikaw pala. Oo naman." Tumayo siya at pinaghila ako ng upuan. Tiningnan ko ulit ang mga lalaki sa kanilang puwesto, naroon pa rin sila. Habang nagsasaya ang lahat ay nakaramdam naman ako ng pagka-ihi. Nagpaalam muna ako na magpunta sa washroom. Matapos kong makaihi ay lumabas na ako at pabalik na sa puwesto nila Traze. Nagpalingon-lingon ako at hinahanap ang mga lalaki pero wala na sila. Bigla ay namatay ang mga ilaw at tugtog, naghiyawan naman ang lahat ng naroon lalo na ang mga kababaihan. Mabilis akong naglakad at hinanap si Traze, pero dahil madilim ang natagalan akong makabalik sa puwesto nila. Nahirapan rin ako dahil nagkagulo ang mga tao at hawak ko rin ang gown ko. Ginamit ko ang flashlight ng phone ko at hinanap sila. "Charm, nandito kami!" tawag ni Loisa. Agad akong lumapit sa kanila nang makita ko sila. "Si Traze?" tanong ko sa kanila. "Ha? Hindi kayo nagkita? Sinundan ka niya no'ng namatay ang ilaw!" sagot ni Mariz. "Sh*t! Hahanapin ko lang siya," sabi ko sa kanila. Sigurado akong ang mga lalaking iyon ang may pakana ng pagkamatay ng mga ilaw. Si Traze, na saan na kaya 'yon? Mayamaya ay bumukas ulit ang mga ilaw at sound system. Nakahinga ako ng maluwag kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras, hinanap ko si Traze sa loob pero wala siya. Nilibot ko pa ang paligid at nagpalinga-linga pero wala talaga siya. Nagsimula na akong kabahan at mag-alala, lumabas ako ng music hall at hinanap siya sa labas. "Traze?!" tawag ko sa kaniya. "Traze?! Na saan ka?!" Nagpalinga-linga ako at hinanap siya sa labas pero wala talaga siya. Nagpunta ako sa guard house at nagtanong kung may napansin silang mga lalaki na lumabas galing sa loob. "Kuya, may mga lalaki po bang lumabas rito? No'ng nawalan ng ilaw ang buong campus." "Maam, pasensya na po pero hindi po namin napansin e. Nagpunta kasi kami sa system ng kuryente at inayos ito, kaya hindi po namin napansin." Nanlumo ako, paano kong may nangyari ng masama sa lalaking 'yon? "Puwede po bang lumabas lang ako? Hinahanap ko kasi si Traze Dela Rama, nagkasalisi po kami pagkawala ng ilaw," paalam ko sa kanila. "Sige po, maam. Hahanapin na rin po namin siya rito, baka nasa mga classroom lang iyon." "Sige, maraming salamat po." Mabilis akong naglakad palabas at tumingin sa paligid. Naglakad-lakad rin ako baka sakaling makita ko si Traze. "Bitawan niyo ko?!" rinig kong sigaw ni Traze. Agad kong hinahanap kung na saan siya. "What do you want from me? Who are you?!" tanong niya sa mga ito. "Napag-utusan lang bata," sagot nito sa kaniya. "Pasensya na, pero malaking pera ang nakapatong sa ulo mo. Pasensya na rin kung hanggang dito na lang ang buhay mo..." "Bitawan niyo siya!" sigaw ko sa kanila. "Oyy, ang gandang babae naman nito mga pre! Ang sexy at mukhang masarap." Nagtawanan silang nakatingin sa akin. "Charm, what are you doing here? Umalis ka na rito, mapapahamak ka lang," sabi ni Traze sa akin. "Hindi maari, Traze. Responsibilidad kita, kaya hindi ako aalis na hindi ka kasama." Kinakabahan man ay nilalakasan ko ang aking loob. Sh*t bakit kasi ngayon pa? Naka-gown lang ako! "Ano mga pre? Sinong mauuna sa atin?" Akala siguro ng mga ito ay natatakot ako sa kanila. Subukan niyo lang lumapit, makikita niyo ang hinahanap ninyo. "Ako na. Matagal-tagal na rin akong hindi nakatikim ng laman. s**o-s**o na itong nasa loob ko." anang lalaki na may balbas. "Nakakadiri kayo! Tingin niyo naman masarap kayo? Mukha nga kayong hindi naliligo!" sigaw ko sa kanila. "Aba't! Humanda ka," sabi niya at lalapitan na sana ako pero inunahan ko siya ng sipa. Tumilapon siya sa pader at namimilipit sa sakit. Malaking tulong ang takong ng sapatos ko. "Lapit!" utos ko sa kanila. Lumapit naman ang isa sa akin at susuntokin na sana ako pero nasalo ko ang kamay niya tinuhod siya ng tatlong beses. "Charm mag-iingat ka! May kutsilyo sila!" sigaw ni Traze. Sasaksakin na sana ako ng isa pero nasipa ko na siya. "Ahhgg!" impit ko nang madaplisan ako sa braso. "Sh*t! Charm, are you okay?" "Okay lang, daplis lang 'to... Traze yuko!" sigaw ko at tinulak siya dahilan para gumulong siya. Nasalo ko naman ang dos por dos na ipapalo sana ng lalaki kay Traze. Sinutok niya ako at natamaan ako sa sikmura. Agad namang sinipa ni Traze ang lalaki at sila ngayon ang nagsuntokan. Ngayon apat sila na kaharap namin ni Traze. "Kaya mo bang makipagsuntokan?" tanong ko kay Traze. "Oo naman, mukha ba akong hindi marunong?" tanong niya. "Good. Mapapalaban tayo." Sabay na sumugod ang apat na lalaki at tig-dalawa kami ng kinalaban ni Traze. Sipa, tadyak at suntok, natadyakan ko ang isa at nawalan ito ng malay. "Charm, baril!" sigaw ni Traze. Sinipa ko ang kamay ng lalaki na may hawak na baril. Dinukot ko ang baril ko sa hita at kinabit ang silencer nito. Binaril ko silang apat sa binti dahilan para hindi sila makatakbo. Lumapit ako sa isa at inapakan siya sa dibdib sabay tutok ng baril. "Mamili ka! Surrender or die?" "P-patayin mo na lang ako!" singhal niya. Pinutok ko ang baril sa semento at hinampas siya sa ulo. Mayamaya ay dumating sila Franco na tinext ko. "Miss Cruz, anong nangyari?" agad nitong tanong. "Dalhin niyo sa presinto ang mga 'yan. Pupunta na lang ako bukas," utos ko sa kaniya. "Sige, pero paano ka? Sugatan ang braso mo," nag-aalalang tanong niya. "Okay lang ako, 'wag kayong mag-alala..." "Charm! God, thanks you are safe," nag-aalalang sabi ni Conrad at niyakap ako ng mahigpit. "I'm fine. I'm fine, paano mo nalaman..." "Ako po ang nagsabi, Miss Cruz," singit ni Franco. Napapikit ako at bumuga ng hangin. Sandamakmak na naman ang sermon na aabutin ko nito. Isinakay na ang mga lalaki sa patrol car at dinala sa presinto. "Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" tanong ni Conrad sa akin. "No need, hindi naman masakit at saka daplis lang ito," sabi ko sa kaniya. "Traze, okay ka lang ba?" tanong ko kay Traze na nakatulala. "H-ha? Ahm, o-okay lang ako. Salamat sa tulong mo, maraming salamat," sabi niya sa akin. "Okay lang, responsibilidad kita kaya gagawin ko kung ano ang tungkulin ko," sabi ko sa kaniya. "Pumasok na tayo sa campus," sabi ko. "Conrad, puntahan mo si Franco sa presinto. Bukas sunduin mo 'ko rito, salamat dahil dumating ka. Nabawasan ang kaba ko," sabi ko sa kaniya. Niyakap niya lang ako at hinalikan sa noo. "Take care, aagahan ko bukas. Tara ihatid ko na kayo sa gate, bago ako bumalik roon," sabi niya. "Pre, kaya mo bang maglakad?" tanong niya kay Traze. "O-oo, 'wag mo na akong alalahanin. Salamat," sagot ni Traze at naunang naglakad sa amin. Pagdating namin sa gate ay nagpaalam na sa akin si Conrad. Pumasok na rin ako sa loob at umalis na siya. Sinamahan naman ako ni Traze sa aking kuwarto at ginamot ang sugat ko sa braso. "Salamat. Pumunta ka na sa kuwarto mo, okay na ako rito," sabi ko sa kaniya matapos gamotin ang sugat ko. "Salamat ulit. Marami ka ng naitulong sa akin, at hindi ko alam kung bakit. Anong responsibikidad ang sinasabi mo?" Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa kaniyang tanong. "Malalaman mo rin, Traze. Sa ngayon, magpahinga ka na, inaantok na rin ako," sabi ko sa kaniya. Bumuga siya ng hangin at tumayo. "Sige, g-goodnight. Salamat ulit," sabi niya at lumabas na ng kuwarto ko. Agad ko namang ni-lock iyon at nagtungo sa banyo para maligo. Pinatuyo ko muna ang buhok ko at nagbihis. Bumuntong hininga ako nang makahiga na ako sa kama ko. Grabe ang nangyari ngayon, nakipag-away ako na naka-gown. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pilit na matulog, bukas ay maaga pa akong gigising para pumunta sa presinto. Salamat na lang at walang nangyaring masama sa aming dalawa ni Traze. Nadaplisan man ako, at least hindi ko siya napabayaan. Kahit naman na naiinis ako sa kaniya ay may tungkulin pa rin ako sa kaniya. At iyon ay ang protektahan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD