"DID you like the food?" tanong ni Jerimie sa kanya pagkatapos nilang kumain.
"Oo, salamat sa treat mo. Paano 'yan? Ang daming natirang pagkain. Sayang naman."
"Wala 'yan. Maliit na bagay. Ipababalot ko na lang mamaya," pormal na sagot nito. "So, ano ang pag-uusapan natin?"
"Ah, gusto ko lang sabihin sa'yo ang mga dos and don'ts sa dummy relationship natin," umpisa niyang sabi. Una, this agreement will last for just a year only. Puwedeng ma-cut short depende sa mga unforeseen circumstances pero hindi puwedeng ma-extend.
"Okay..." pagsang-ayon niya.
"Second, bawal ang public display of affection except when my friends are around. Let us always remember that this is all role playing and we don't need to act when the audience is not around."
"Pero hindi naman bawal maging sweet, 'di ba?"
"When the situation provides, puwede naman. Pero 'yong sweetness na wala namang basehan, bawal."
"Hindi naman kailangan ng reason para maging sweet. There are people who are naturally sweet and expressive of their feelings. So, dapat hindi bawal ang anything that will suppress anyone's freedom of expression," argumento pa nito.
Kokontra pa ba siya? "Okay sige, basta 'wag lang sosobra. We should always know our limitations."
Nakita niyang natatawa si Jerimie.
"Anong nakakatawa?"
"May naisip lang ako sa word na limitations," natatawa pa ring sabi nito.
Napahinga nang malalim si Cheska. "Greenminded," bulong niya.
"Oy, narinig ko 'yon. Hindi ako greenminded, ah."
Next, as my dummy boyfriend you are bound to go with me to every gathering whenever required. Don't worry, kung hindi naman kailangan ang presence mo, hindi naman kita ire-require na pumunta."
"Okay..."
Fourth, you are not allowed to discuss this agreement in part or in full to anyone. This should remain as a confidential matter between you and me only.
"Walang problema. Hindi naman ako tsismoso."
"Lastly, you will receive a fee of fifty thousand pesos for complying to this agreement to be given upon completion of the term."
"Fifty thousand pesos?" Mukhang hindi makapaniwala si Jerimie.
"Naliliitan ka ba?"
"H-hindi... I'm okay with that." Puwede nga kahit libre, gusto niyang sabihin.
"Though isang taon ang itatagal ng agreement natin, hindi naman kita guguluhin nang madalas. Siguro less than ten events lang in a year. Ang importante lang naman talaga ay may maipakilala akong boyfriend sa mga kaibigan ko," paliwanag pa ni Cheska. "Any suggestion or violent reaction? Baka may gusto kang idagdag, let me know."
"Wala naman. I'm good with that. Kapag dinagdagan ko 'yan baka magtalo lang tayo nang walang katapusan so I better agree na lang."
"Kaya nga I'm asking you. Para maidagdag natin sa terms and condition. Ayoko namang lumabas na parang napilitan ka lang na pumayag sa mga gusto ko."
Napangiti si Jerimie.
"What's funny?"
"Wala, masama bang ngumiti? The last time I check wala ka namang sinabi na kailangang limitahan ko ang pagngiti."
"Okay, idagdag natin. Dapat limitado lang ang pagngiti mo," deklara niya.
"No, that's not possible. Rule number 2, bawal ang anything that will suppress anyone's freedom of expression. Walang masama sa pagtawa. Mas okay na iyon kesa maghapon kitang simangutan."
"Go on! Smile and laugh all you want."
"So, kelan mo ako ipakikilalang boyfriend sa mga kaibigan mo?" kaswal nitong tanong; hindi man lang pinansin ang sinabi niya.
"Pagbalik ko na lang galing La Union. Iimbitahan ko sila sa apartment ko at doon kita ipakikilala sa kanila," walang gana niyang sagot. Nakita ni Cheska na nagliwanag ang mukha ng kausap.
"Anong gagawin mo sa La Union?" tanong nito.
"May project ang opisina namin doon. Magtu-tutor kami sa mga bata roon sa tatlong barangay. Aside from that, we will teach and initiate livelihood projects to over 100 parents doon."
"You are working for a Non-Governmental Organization?"
Tumango si Cheska. "Sa iHope uCare Foundation."
"Wow! Nakakabilib ka naman," matapat na komento ni Jerimie. "I always have soft spot to people who show love and care to their brethren."
Napatingin si Cheska sa mukha ng binata. Pangalawang beses niya itong narinig na tila seryoso sa sinasabi. Una ay noong sinabihan siya nito na mag-ingat sa mga lalaking basta na lang nagpapakita ng private part sa ibang tao. Though inisip niya noon na sinabi lang iyon ni Jerimie para i-justify ang pagtanggi nitong ipakita ang sariling pribadong bahagi. Pero ngayon, ibang Jerimie ang naririnig niyang nagsasalita. Wala iyong Jerimie na pilosopo tulad ng unang impression niya rito. Bigla ay parang gusto niya itong yakapin.
"Kung wala na tayong pag-uusapan, puwede na siguro kitang ihatid pauwi." Seryoso ito sa pagkakatingin sa kanya.
"Wala na. By the way, do you want the terms and condition to be in black and white?"
"No need. May tiwala naman ako sa'yo na hindi ka lalagpas sa limitations." Sinabayan nito ng mahinang tawa ang sinabi.
"Jerimie!"
"Saglit lang..." Sinenyasan nito ang waiter na agad namang lumapit sa kanila. "Pakibalot itong tirang food, please."
Kinuha ng waiter ang mga pagkain sa mesa at dinala sa kitchen para balutin. Ilang sandali lang ay bumalik ito dala ang nakabalot na pagkain.
"Let's go," yaya nito sa kanya at inalalayan na siyang tumayo.
"Hindi pa tayo nagbabayad," paalala niya rito.
"Tapos na. Binayaran ko na noong nagpa-reserve ako," nakangiting sagot nito. Ganito ba talaga ang lalaking ito? Hindi nauubusan ng ngiti.
Dinala siya nito sa parking area kung saan naroon ang kotse nitong pulang Ford Focus. Binuksan nito ang pinto at pinasakay siya at saka ito pumunta sa kabila para makasakay rin.
"Saan ka umuuwi?" tanong nito.
"Sa Sta. Mesa. Naku, mapapalayo ka pala masyado. Mas mabuting umuwi ka na. Magta-taxi na lang ako." Nakita niyang tumingin sa kanya ang lalaki. Salubong ang mga kilay nito.
Wala na siyang nagawa nang patakbuhin nito ang kotse papalabas ng parking area at nagsimulang bumiyahe papuntang Sta. Mesa.
Banayad magmaneho ng kotse si Jerimie, napansin niya. Iyong tipong alam mong hindi kayo maaksidente kapag siya ang may hawak ng manibela.
Pagdaan nila sa may ilalim ng tulay ay huminto ang kotse at ibinaba ni Jerimie ang bintana. Tinawag nito ang isang batang lalaki na nagtitinda ng sigarilyo sa kalye, na siguro ay may sampung taong gulang ang edad.
"Biboy!" Agad na tumakbo ang bata papalapit kay Jerimie. Akala niya ay bibili ito ng yosi.
"Sir! Kayo pala," sabi ng bata na abot tenga ang ngiti.
Iniabot dito ni Jerimie ang ipinabalot nitong natira nilang pagkain. "O, iuwi mo ito sa inyo. Umuwi ka na. Gabi na."
"Opo, sir! Maraming salamat po dito, ha? Tamang-tama, hindi pa ako nakakabili ng pagkain namin." Bakas sa mukha nito ang kasiyahan.
"Ingat!"
"Opo! Salamat ulit, sir!" Kumaway pa ang bata nang magsimula na ulit umandar ang kotse.
"Kilala mo?" tanong ni Cheska kay Jerimie.
"Si Biboy? Oo, siya si Biboy."
Gusto niyang batukan ang lalaki. Umandar na naman ang pagkapilosopo nito. "Ang ibig kong sabihin---"
"Madalas ko lang siyang nakikita roon 'pag natatrapik ako, nagtitinda ng sigarilyo. Kapag umuulan naman, naglilinis siya ng windshield ng mga sasakyan," kuwento niya habang ang tingin ay nakatuon lang sa kalsada.
"Ah, akala ko personal mong kilala."
"Personal nga. Bakit, fiction ba siya? Nag-usap pa nga kami, 'di ba?" Sumulyap pa ito sa kanya habang mahinang tumatawa.
"Mr. Manderico, alam mo ang ibig kong sabihin." Pinandilatan niya ito. Kahit kailan yata ay lalabas at lalabas ang pagkapilosopo nito.
"O, chill ka lang. Ang bilis mo namang magalit," sabi nito na natatawa pa rin. "Hindi ka na mabiro."
Hindi na siya sumagot. Hindi na rin nangulit ang lalaki. Itinuon na lang nito ang atensyon sa pagmamaneho. Nagsalita lang ito upang muling magtanong. "Nasa Sta. Mesa na tayo. Saan dito ang bahay mo?"
"Iliko mo sa unang kanto, then turn left sa dulo. Ibaba mo ako sa unang street light, katapat ng convenience store."
Hindi na sumagot ang lalaki pero nakita niyang napapangiti na naman ito.
Ilang sandali lang at huminto na ang sasakyan sa eksaktong lugar na sinabi niya kanina. Bumaba ng kotse si Jerimie para pagbuksan siya ng pinto.
"Thanks for this wonderful night," sabi nito sa baritonong boses. Hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
"Ahm, salamat din. Hindi na kita papapasukin kasi gagabihin ka masyado sa daan. Mag-iingat ka sa pagmamaneho pauwi."
"I will..."
Inihatid pa niya ng tingin ang lalaki nang bumalik ito sa kotse. Nakita niyang kumaway sa kanya si Jerimie pagkatapos ay pinaandar na nito ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.