CHAPTER 6

1397 Words
Hi Jerimie, I am choosing you to be my dummy boyfriend. I need to discuss with you some other things before we can fully start with this, including your fee for acting as my boyfriend. Please inform me when can we talk regarding this matter. Thank you. Cheska Napangiti si Jerimie nang mabasa ang email ni Cheska. Nae-excite ba siya? Hindi niya inaasahang siya ang mapipili dahil puro asaran lang naman ang nangyari sa interview. He thought there would be a much better applicant na papasa sa standard ni Cheska. But he is happy na siya ang napili nito. He may have applied as her dummy boyfriend for a wrong reason but he is willing to play his part well now that the role is given to him. Sinagot niya ang email. Dear Cheska, Wow! This came to me as a big surprise but I want to thank you so much for choosing me. I am a busy person but I will always find time for my girl. So, just tell me when would you like to personally discuss those other things and I'll give you all my time for it. See you soon! Yours, Jerimie Pagkatapos i-send ang email ay napangiti siya. Ewan. Hindi niya maintindihan ang kakaibang damdamin na bigla niyang naramdaman kanina nang mabasa niya ang email ni Cheska. Ang totoo, hindi naman yata kanina lang nagsimula ang nararamdaman niyang ito. Parang nag-umpisa ito noong una niyang makita si Cheska sa skype. Oo, nakita na niya ang dalaga sa profile photo nito sa online dating site kung saan ito nag-post ng "Wanted Boyfriend". Pero iba ang dating nito kapag kausap mo na. Mas maganda ito kapag nagsasalita na at gumagalaw. At mas lalong nagiging cute kapag naiinis o medyo naaasar. Parang ang sarap niyang yakapin. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pinuntahan sa gallery ang screenshot ng mukha ni Cheska habang iniinterbyu siya nito noong nakaraang gabi. Walang kaalam-alam ang dalaga na ilang larawan nito ang naka-save sa phone niya at tinitigan niyang mabuti bago siya natulog kagabi. Ah, excited na siyang makita nang personal si Cheska. "CHESKA! Nasaan ka?" Kausap niya sa cellphone si Kenly. Papalabas na siya ng opisina nang tumawag ang kanyang kaibigan. "Eto pauwi na. Bakit?" "Nandito ako sa Gateway kasama sina Mariel at Portia. Manonood ng sine. Punta ka na rito. Hihintayin ka namin," excited na sabi nito. "Ha? Naku, next time na lang ako sasama. May gagawin pa kasi ako sa bahay. Kailangan kong makauwi agad." sabi niya. Hindi naman palusot iyon. Gusto lang talaga niyang umuwi na dahil inaasahan niyang maka-skype ulit ngayong gabi para sa final interview si Jerimie. "Girl, kahit kelan killjoy ka talaga. Sige na, punta ka na rito. Kakainis naan 'tong babaitang 'to!" "Kayo na lang kasi. Marami pa namang next time. May kailangan lang talaga akong gawin mamaya sa bahay para sa mga kakailanganin ko pagpunta ng La Union." "At ano naman ang gagawin mo sa La Union? Lumalakad ka na nang hindi kami kasama, ha?" "Gaga! May project kami doon. Ako ang ipapadala ng opisina namin. Two weeks lang naman iyon." "O, siya! Dahil diyan hindi na kita pipiliting sumama sa amin tonight. Basta, siguruhin mo na hindi lang trabaho ang gagawin mo sa La Union. Take it a s an opportunity to find love as well. Prove to us na may kamandag din ang ganda mo, teh!" Sabi ko na nga ba at sa pagiging loveless ko na naman mapupunta ag usapan. "Hayaan mo, kapag may nakita akong lalaki doon pipikutin ko na. Para maunahan ko kayong lahat sa pagpapakasal." "Ang taray! Sinabi mo 'yan, ha? Sige na, kakain na muna kami bago magsine. Ingat ka pauwi." "Salamat, Kenly." Nawala na sa kabilang linya ang kausap niya. Pagdating sa bahay ay kaagad na nag-check siya ng email. Hindi siya nagkamali, may sagot na nga si Jerimie. Pero gusto nito na personal nilang pag-usapan ang iba pang detalye. Gusto sana niyang saka na lang sila magkita ni Jerimie kapag pumayag na ito sa terms and conditions niya. Feeling niya kasi, useless na magkita sila tapos hindi rin pala ito papayag sa mga gusto niya. But on the second thought, mas mapag-uusapan nilang mabuti ang mga detalye kung personal niya itong idi-discuss kay Jerimie. Hah! Nanalo na naman itong lalaking ito. Nasunod na naman ang gusto nito. Sumagot siya sa email nito. Let's meet tomorrow sa Trinoma after office hours, around six. Malapit lang sa Trinoma ang opisina nila kaya eksakto lang ang ibinigay niyang oras. Inaasahan niyang sasagot din sa email niya si Jerimie pero wala siyang natanggap na reply. Subalit isang text message ang dumating sa kanyang phone mula sa isang numerong hindi naka-save sa telepono niya. Got your email. See you tomorrow then. -Jerimie Paanong nalaman ng lalaking ito ang cellphone number niya? Hindi pa naman niya ibinibigay dito ang kanyang numero. Gustong-gusto niyang tawagan ang lalaki para masagot nito ang tanong niya pero pinigilan niya ang sarili. Bukas. Malalaman niya bukas ang sagot. EKSAKTONG alas-singko ng hapon ay umalis na sa opisina si Cheska. Hindi naman siya excited. Gusto lang niyang dumating sa Trinoma nang nasa oras. Ayaw niyang ma-late sa usapan dahil unang-una, siya ang nagbigay ng oras na iyon. Nakakahiya naman na siya pa itong male-late. Pagdating niya sa mall ay kaagad niyang tinawagan si Jerimie. Tatlong ring bago may sumagot sa tawag niya. "Hi, Cheska," bungad na bati sa kanya ni Jerimie. "I'm already here. Text mo na lang ako kapag nandito ka na. Six-thirty pa lang naman. Papasok lang ako sandali sa bookstore habang hinihintay kita," sagot niya rito. "No, nandito na rin ako." "Ha? Saan? Pupuntahan kita..." Ang aga namang dumating ng lalaking ito. Mas maaga pa yata sa akin. "Sa puso mo..." Narinig niya ang mahinang tawa nito. "Nagjo-joke ba ako?" Siniguro niyang mahahalata ni Jerimie na hindi siya natatawa joke nito. "Ito naman, hindi na mabiro. Nandito lang ako sa likod mo." Agad siyang lumingon sa kanyang likuran at nakita niya si Jerimie na ilang metro lang ang layo at kumakaway pa habang naglalakad papalapit sa kanya. Napakaguwapo nito sa suot na light pink polo shirt at fit na maong pants. Bagay na bagay ang pagkaka-fit ng polo shirt sa katawan nito. "Doon na lang tayo sa itaas, sa Le Bon Chef. Nagpa-reserve na ako roon," nakangiti nitong sabi. "Ha? Anong nagpa-reserve? "Hindi ko naman papayagan na ang girlfriend ko pa ang gumastos para sa una naming date." Pilyo ang ngiting pinakawalan ni Jerimie. Pakiramdam ni Cheska ay pinamulahan siya ng pisngi dahil sa sinabi nito. "Shall we?" Ini-offer pa ni Jerimie ang kanyang braso para hawakan ng dalaga. Hindi malaman ni Cheska kung aabrisiyete ba sya rito o hindi. Ngunit naisip niyang mukhang awkward naman kung maglalakad sila na parang hindi magkakilala kaya nag-aalangan man ay humawak na irn siya sa braso nito. Isang restaurant sa third floor ng mall ang pinuntahan nila. Kokonti lang ang tao nang dumating sila roon. Agad silang sinalubong ng staff ng restaurant at dinala sa isang naka-reserve na mesa. "Paki-serve na 'yong order ko," narinig niyang sabi ni Jerimie sa staff na magalang na sumagot bago umalis sa table nila. "Okay na ba sa'yo rito?" tanong nito sa kanya. "Parang pinaghandaan mo naman masyado ang pagkikita natin. Hindi naman ito date. Pag-uusapan lang natin ang mga dapat mong gawin bilang dummy boyfriend ko." "No, this is just a normal thing. Nothing special." Wow, Pa-impress lang? Iniba na lang niya ang usapan. "Paano mo nga pala nalaman ang phone number ko?" "Ah, 'yon ba? Nakuha ko sa f*******: mo. Nakalagay doon, eh. Hindi mo yata na-customize ang setting," kaswal nitong tugon. "You stalked me?" Pinandilatan niya ito. "Uy, grabe naman 'yong stalk. Tiningnan ko lang kung may phone number ka roon. Ang weird kasi na sa email tayo nag-uusap. Paano na lang kung hindi ako online? Paano kung next year ko pa mabasa 'yong reply mo? Eh, 'di hindi na tayo nakapag-umpisa?" Pumuntos na naman ang lalaking ito. Napahinto sila sa pag-uusap nang dumating na ang waiter para i-serve ang mga inorder na pagkain ni Jerimie. Mukhang dito na sila magdi-dinner sa dami ng pagkaing nasa mesa. "Kumain na muna tayo bago natin pag-usapan ang mga detalye," anyaya nito sa kanya. "Masamang pinaghihintay ang pagkain sa mesa." Wala siyang nagawa nang lagyan nito ng pagkain ang plato niya. Parang prinsesa siyang pinagsilbihan ng "boyfriend" niya.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD