HINDI nakasagot si Jerimie. Paano ba niya ipaliliwanag kay Cheska na wala naman siyang intensyong masama sa hindi niya pagsasabi ng tungkol kay Zinnia? Kahit kailan ay hindi niya inaakalang magiging problema si Zinnia sa buhay niya, lalo na sa kanyang buhay pag-ibig. "Ano? Hindi ka makasagot! Kaya pala puro paiwas ang mga sagot mo kapag tinatanong kita ay dahil mayroon ka talagang itinatago na ayaw mong maungkat." Hindi na niya napigilan ang sarili na manumbat. Ang sakit yatang malaman na all the while ay niloloko ka lang pala ng lalaking pinagkakatiwalaan mo. Si Gordon ay tahimik na nakangisi lang at pinanonood ang pagtatalo ng dalawa. Siguro ay nagdiriwang ang kalooban nito dahil nagtagumpay itong guluhin ang relasyon nina Jerimie at Cheska. "I'm sorry. Pero ano ba ang problema? Binat

