HINDI umaalis si Jerimie sa tabi ni Zinnia. Mula nang dumating siya kanina rito sa ospital hanggang sa ipasok na sa kuwarto ang paslit ay personal niya itong tinutukan. Pinagmasdan niya ang bata. Nakaramdam siya ng habag dito. Kung anu-anong aparato na naman ang nakakabit sa katawan nito. Kung puwede lang mailipat sa kanya ang sakit nito, kinuha na niya sana. Mas makakaya niya ang sakit kumpara sa payat at mahinang katawan ni Zinnia. Pero ang ikinasasama talaga ng loob niya ay wala pa rin si Maddy dito sa ospital gayong tinawagan na ito ni Gina kanina. Anong klaseng ina itong hindi man lang yata nag-aalala para sa may sakit nitong anak? Tinawagan niya sa bahay si Diday. "Hello, Diday. Sir Jerimie mo 'to. Nandiyan na ba ang Ma'am Maddy mo?" "Sir, nandito na po. Nasa kuwarto niya," mahi

