PAGDATING sa bahay ay agad na inilatag agad ni Jerimie ang katawan niya sa kama. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng suot na damit. Noon siya nakadama ng pagod. Habang nakahiga ay naaalala pa niyang muli si Cheska. Ang magandang mukha ni Cheska na napakainosente. Ang kabaitan nito na may itinatago ring katarayan. Katarayang ilang beses na ring ipinakita nito sa kanya. Napangiti si Jerimie. Si Cheska ang nag-iisang babaeng nagpapangiti sa kanya ngayon, maliban siyempre kay Zinnia. "Oww, si Zinnia! I need to call her." Bumalikwas siya nang bangon at dinukot sa bulsa ng suot niyang pantalon ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Gina para makausap si Zinnia. "Gina, gising pa ba si Zinnia?" tanong niya sa babaeng sumagot sa tawag niya. "Tulog na po, sir. Mag-aalas dose na po, eh." Sa

