MAAGANG pumunta si Jerimie sa bahay ni Maddy kinabukasan. Pinagbuksan siya ng gate ni Diday. Pagbaba ng kotse ay kaagad niyang tinanong ang kasambahay, "Nasaan si Zinnia?" "Nasa kuwarto po niya, sir. Kasama po si Nurse Gina," sagot ni Diday. "Si Maddy?" "Tulog pa po. Lasing na naman po kagabi, eh." "Madalas ba siyang umiinom?" "Gabi-gabi, sir. Nakakatakot na nga po si Ma'am 'pag nalalasing. Parang papatay ng tao," sumbong pa nito. "Ha?" Hindi makapaniwala si Jerimie. "Opo, sir. Grabe po si Ma'am kapag nakakainom. Nambabato ng kahit na anong mahawakan niya. Tapos sigaw nang sigaw. Nagkukulong na nga lang po ako sa kuwarto at hindi ako lumalabas kahit tinatawag niya ako. Mabuti na lang, hindi niya naaalalang gamitin ang susi ng kuwarto ko," mahabang kuwento ng kasambahay. "Pupuntahan

