CHAPTER 1
PIER 12. Ito ang pier kung saan naroroon ang Monteverde Shipping Lines.
May kanya-kanyang schedule ng biyahe ang tatlong barko sa loob ng isang Linggo..
Katulad ngayon, araw ng Miyerkules. Biyahe ngayon ng M/V Princess Monica. Tanghali pa lamang ay marami nang umaakyat na pasahero sa barko. Dahil alas singko ang biyahe ng barko kailangan na bago sumagot ang oras na iyon ay nakasakay na ang lahat at naisaayos na ang lahat ng mga bagaheng dala ng mga pasahero.
Dalawang lugar ang destinasyon ng barko. Manila patungong Bohol. Pagdaong sa Bohol ay magbababa ng mga pasahero at muling bibiyahe patungong Davao.
Nasa third floor ng building sa Pier 12 ang opisinang kinaroroonan ng tatlong magkakapatid na lalaki na si Edward, Meynard at Justin. Bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan dahil sa nakikitang patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa tatlong barko. Milyon-milyong piso ang kinikita ng bawat barko taon-taon.
"Napakasuwerte talaga ng negosyo natin," natutuwang wika ni Meynard.
"Iisa lang naman ang malas sa pamilya ng Monteverde," sabi ng isang tinig buhat sa pinto.
Halos panabay na lumingon sa pinanggalingan ng tinig ang tatlong magkakapatid.
"Melanie!" Bulalas ni Edward kasabay ng pagkunot ng noo dahil sa sinabi ng asawa.
"Nakakagulat ba ang sinabi ko, Edward? Totoo naman, hindi ba? Matagumpay nga ang mga negosyo ng Monteverde ngunit hindi maikakaila ang nag-iisang malas. At iyon ay walang iba kundi si Monica."
Napatiim-bagang sina Meynard at Justin.
Nakaramdam naman ng pagkapahiya si Edward sa dalawang kapatid dahil sa mga sinabi ng asawa.
Minabuti nina Meynard at Justin na iwanan muna ang mag-asawa upang makapag-usap.
"What the hell are you doing, Melanie? Baka nakakalimutan mo na kapatid ko ang tinutukoy mo na malas? At kahit pa ano ang nangyari sa kapatid ko, hindi malas si Monica!" Hindi niya mapigilan ang boses na mapalakas nang harapin ang asawa at silang dalawa na lamang ang naiwanan sa loob ng opisina.
Masamang-masama ang tabas ng mukha ni Melanie.
"Nasasaktan ka ba sa sinabi ko? Mas mahalaga pa ba sa siya sa iyo kasya sa akin na katuwang mo din naman sa pagpapatakbo ng negosyo? O baka naman nagbubulag-bulagan ka lang?"
"Kapatid ko si Monica, Melanie. At kung anuman ang nagawa ng kapatid ko noon ay hindi iyon matatawag na kasalanan!"
"So ikinararangal mo pa?"
Mangani-ngani nang sampalin niya ang asawa.
"Better if you go home, Melanie. May pag-uusapan pa kami ng mga kapatid ko." Aniya na ang tinutukoy ay sina Meynard at Justin.
Hindi maipinta ang mukhang nilisan ng asawa ang opisina. Naiwan naman siyang iiling-iling.
Sadyang mataray si Melanie at diretso ang bibig kung magsalita. Walang pakialam kung nakakasakit na ba ng damdamin ng kapwa.
Sa simula pa lang naman talaga ay hindi na magkasundo sina Monica at Melanie. Aminado naman siya sa sarili niya na naiinggit siya noon kay Monica dahil sa labis na pagmamahal dito ng kanilang mga magulang. At sa labis na pagmamahal, ipinangalan sa bunso nilang kapatid ang barko at iyon na nga ang M/V Princess Monica.
Hindi sakim si Edward. Batid naman niya na iyon ang ipinangako ng kanilang mga magulang nang makaligtas sa malubhang sakit ang bunso nilang kapatid noong ito ay dalawang taon pa lamang. Kaya maliit na bata pa lamang ito ay milyunarya na.
Dalawa na ang anak nila ni Melanie. Si Ariston at Cynthia. Palibhasa ay anak mayaman kung kaya sunod sa layaw at kinukunsinti ng ina ang kalokohan ng mga ito.
Iba naman ang ginagawa niya sa mga anak. Kahit abala siya sa negosyo ay may panahon pa rin siya para turuan ng mabuting asal ang mga anak. Subalit sadyang talagang matigas ang ulo ng dalawang bata.
Nakailang palit na ba sila ng tagapag-alaga ng kanilang mga anak dahil hindi nakakayanan ang katigasan ng ulo at kapilyuhan.
"UWI pa ba ito ng matinong babae, Melanie?" Nagtatangis ang mga bagang na sita ni Edward sa asawa.
"Bakit anong oras na ba?" Sarkastikong tanong nito.
"Three 'o clock in the morning na, Melanie! I asked you to go home kanina at hindi ko sinabi na umuwi ka ng umaga! Saan ka ba nanggaling?"
"Sa bahay nina Menchu. Nagkaraoon ng konteng kasayahan so ayon, inabot ako ng ganitong oras." Tila balewalang tugon nito kasabay ng paghikab. "Madilim pa naman so I still have more time to sleep,"
Akto itong tatalikod sa kanya pero maagap niyang nahawakan sa braso.
"Huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausao kita, Melanie."
"What's wrong with you, Edward? Hindi pa ba sapat na andito na ako sa bahay? Baka naman gusto mong pagpahingahin muna ako?"
Subalit hindi niya ito binitiwan.
"Habang tumatagal ay lalong sumasama ang pag-uugali mo, Melanie. Hindi ka pa ba masaya sa buhay mo ngayon?"
"Hangga't hindi nalilipat sa pangalan mo ang isang barko ay hindi ako magiging masaya!"
"Your unbelievable! Alam mong imposibleng mangyari ang gusto. Bakit ba ang kulit mo?"
"Hindi kasi fair ang ginagawa ng mga magulang mo. Panganay ka, dapat mas higit ang parte mu kumpara sa mga nakababata mong kapatid. Bakit hindi mo pa pilitin ang mga magulang mo na ilipat sa iyo ang pangalan ng barko? Bakit kailangang si Monica pa rin? Puro kahihiyan na nga ang ibinibigay sa inyo ng babaeng iyon."
"Pagtatalunan na naman ba natin 'yan? May takdang panahon para sa mga bagay na gusto mo. At ang gusto ko lang sa ngayon ay tigilan mo ang kababanggit sa pangalan ni Monica at ang pag-uwi mo ng madaling araw!"
"At kung hindi?"
Kumuyom ang kanyang kamao.
"Masasaktan ka," iyon lamang at padaskol niyang binitawan ang asawa saka tumalikod.
Pinagsisisihan ni Edward na sinunod niya ang kanyang mga magulang na pakasalan ang asawa. Hindi naman niya ito lubusang kilala pero dahil sa tradisyon ng kanilang pamilya na arranged marriage. Ang natatandaan niya pagkatapos ng usapan itinakda na ang kanilang kasal.
"HINDI ka ba natatakot sa ginagawa mo, Melanie?"
"Matatakot, saan?" Balik tanong ni Melanie sa kaibigang si Kate na noon ay kasama niyang kumakain sa isang restaurant.
"Sa asawa mo. Kay Edward. Baka nakakalimutan mo may asawa at mga anak ka. Paano na lamang kapag nalaman ni Edward na may iba ka pang---"
Isang malutong na halakhak ang ipinutol niya sa pagsasalita ng kaibigan.
"May nakakatawa ba sa sinasabi ko?"
"I'm not a kid, Kate. Hindi naman ako puwedeng maglaro ng nakalantad kung alam kong bawal, hindi ba?"
Napailing-iling ito.
"Hindi ka natatakot?"
"Of course not!" Mariing tugon niya. "Hindi ko mahal si Edward at huwag mong kakalimutan na nagsasama lang kaming dalawa dahil sa iyon ang gusto ng mga magulang namin at dahil na rin sa mga bata."
"Then why don't you leave him? Bakit kailangang umabot pa kayo sa ganya?"
"Dahil sa pera," nakangiting tugon niya.
"What?"
"Puwede ba, Kate? Kumain na lamang tayo at baka lumamig ang inorder natin. Sayang naman ibinayad natin dito,"
Kibit-balikat na ibinaling niya ang kanyang pansin sa kinakain.
SUBSOB sa trabaho si Monica dahil sa kagustuhan niyang makabawi at makapag-ipon para sa kanyang anak at sa kalayan ni Regor sa ibang bansa.
Mahigpit ang kasunduan nila ng kanyang Ate Clarisse na itago at huwag ilantad ang kahit na anong katotohanan hinggil sa kanyang tunay na pagkatao maliban na lamang sa matalik nitong kaibigan kung saan siya nagtatrabaho.
Pero dahil bata at maganda, hindi pa din maiiwasan na maraming manligaw kay Monica. Bagay na ipinagkikibit-balikat lamang niya at hindi pinapansin. Wala naman siyag plano na makipagharutan sa ibang lalaki.
"Bakit mo naman tinanggihan ang alok na lunch ni Sir Paolo, Monica?"
Gulat na napalingon siya sa kaopisinang si Meldy na bigla na lamang nagsalita sa kanyang likuran.
"Napaka-tsismosa mo talaga." Iiling-iling niyang wika habang inaayos ang mga gamit niya sa lamesa para maghanda sa tanghalian. Lumapit kasi sa table niya si Paolo ang kanilang Marketing Manager upang ayain siyang kumain sa labas. Pero kagaya ng nakagawian, muli niyang tinanggihan ang binata.
"Nakalimutan mo na magkatabi lang ang table natin?" Tatawang sagot pa nito. "Kaya narinig ko na tinanggihan mo na naman ang alok ni Sir Paolo. Naku! Kung ako aayain ni Sir ay hindi na ako mag-aatubiling pumayag. Go agad!"
"Loka-loka! Hayaan mo at sasabihin ko na ikaw ang ayain." Biro niya.
Pero agad ding napawi ang mga ngiti niya sa labi ng maalala si Angelica. Ngayong Linggo ay hindi muna siya makakauwi sa Pangasinan dahil nagtitipid siya sa pamasahe. Gayunpaman palagi niyang kinukumusta sa dalawang matanda ang kanyang anak.
Pero siyempre, hindi naman maiiwasan na makadama siya ng lungkot dahil ina siya na nawalay sa nag-iisang anak.
Mas lalo siyang nalungkot nang maalala si Regor. Kumusta na kaya ang nobyo sa ibang bansa? Ang huling balita sa kanya ni Shane ay may gagawin uli na pandinig sa kaso nito.
TULUYAN na yatang nawala ang katinuan ng isip ni Melanie. Dahil ipinagpatuloy niya ang pakikipagmabutihan sa ibang lalaki na kagaya din niya ay may pamilya.
"Hindi mo ba pinagsisisihan ang ginawa mong pagsama sa akin dito sa hotel, Melanie?" Tanong ni Bert habang gumagapang ang kamay niyo sa kanyang katawan.
"At bakit ko naman pagsisisihan? Ginusto ko ito,"
Napangisi ito sabay hila sa kanya sa loob ng banyo upang sabay silang maligo. Animo sila mga binata at dalaga na ngayon lamang makakasubok ng ganito. Kapwa sila sakbibi ng matinding pananabik sa isa't isa.
Kapwa nag-iinit ang kanilang mga katawan kung kaya ang lamig ng tubig galing sa agos ng dutsa ay balewala lamang sa kanila.
"Mahal kita, Melanie. At handa kong iwanan ang pamilya ko para sa iyo," paos ang tinig na wika ni Bert.
Oo nakikipagflirt siya sa ibang mga lalaki pero ngayon lamang nangyari na pumayag siyang pumasok sa hotel at hayaan na may mangyari sa kanila.
Hindi siya umimik. Hinayaan lamang niya na maglandas ang mga labi nito sa kanyang leeg. Ilang sandali pa ay ganap na siyang nagpaubaya at nagmistula na silang sila Eba at Adan sa isang paraiso.