CHAPTER 2

2203 Words
ILANG araw pagkatapos ng pangyayaring iyon sa hotel ay naging tahimik si Melanie. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili ngayon kung bakit may nadarama siyang konsensya sa kanyang ginawa. Hindi nga ba at ang lakas ng loob niyang sabihin ng gabing iyon kay Bert na hindi niya pinagsisisihan ang pagsama rito? Pero nang makauwi siya sa bahay nilang mag-asawa at makita ang dalawa nilang anak ni Edward ay may kung anong nasaling sa kanyang puso. Hindi rin niya magawang tumingin ng tuwid sa asawa. Iniwasan niya ito. Maging sa opisina, kapansin-pansin ang kanyang pananahimik. Bagay na ipinagtataka ng mga empleyado doon. Akala ko ba matapang ka, Melanie? Bakit ngayon bigla ka yatang naduduwag? Bulong niya sa sarili. HINDI nakaligtas kay Edward ang kakaibang ikinikilos ng kanyang asawa nitong mga nakaraang araw. Tahimik ito kaysa dati na walang tigil ang bunganga sa kakaputak lalo na kapag nasa opisina. Napansin din niya na hindi na ito inaabot ng madaling-araw sa labas. May mga araw pa nga na naaabutan niya itong nasa bahay na at inaasikaso ang kanilang mga anak. "Kuya Edward, what happened to Melanie?" Isang tanghaling tanong ni Justin sa kanya habang nagmamaneho ito ng kotse. Lumabas silang tatlong magkakapatid upang makipagmeet sa isang kliyente at supplier and they decided to used Justin car instead na magkanya-kanya pa sila ng dalang kotse. "Oo, nga." Sang-ayon naman ni Meynard na nakaupo sa tabi ng driver seat. "Naihipan ba ng mabuting hangin ang asawa mo at napakatahimik ata? Nakakapanibago, Kuya." "I don't know. Maybe she's just trying to be nice or good." Kahit siya hindi niya alam kung ano ang nangyayari. "Malabo naman yatang mangyari iyon, Kuya." Ani ni Meynard. "Unless may ginawa ang asawa mong malaking kasalanan." Dugtong ni Justin. "What do you mean?" Kunot-noong tanong niya. Nagkibit-balikat si Justin. "Just my opinion, don't mind it." "BERT, nakikiusap ako. Maybe this is the time for us to end this." halos pabulong na wika ni Melanie sa lalaking minsan niyang pinagkalooban ng kanyang sarili. "Bumalik ka na sa pamilya mo. H-Hindi pala kaya ng konsensya ko na habang-buhay lokohin ang asawa ko..." Ilang segundo din siyang hindi nakaimik habang pinakikinggan ang sinasabi ni Bert sa kanilang linya. "Hindi ko rin magagawang iwanan ang pamilya ko kaya tama lamang ang pasya mo na tapusin natin ang lahat ng namagitan sa atin, Melanie." Napaluha siya sa narinig. Buong akala niya ay mahihirapan siya sa pagkikipagkalas sa lalaki. "Thank you so much, Bert! I wish you all the best." "Same to you, Melanie." "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Bert..." "Who's Bert?" Pakiramdam ni Melanie ay pinanlamigan siya ng buong katawan nang marinig ang matigas na boses ng kanyang asawa buhat sa kanyang likuran.  Palihim niyang pinahid ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng mabilis na pagputol ng linya sa kausap. "Edward!" Kabadong lumingon siya sa asawa . "K-Kanina ka pa ba diyan? Hindi ko napansin ang pagpasok mo dito sa kuwarto." Madilim ang mukha nito habang titig na titig sa kanya. "I am asking you, Melanie." May diing muling tanong nito. "Sino si Bert?" "H-He's my friend. Yes! My friend..." kandautal . "Don't fool me!" Kitang-kita sa mga mata nito ang galit sabay hila sa kanyang braso. "Huwag na huwag kang magkakamali na dumihan ang relasyon natin, Melanie. Dahil kahit hindi natin minahal ang isa't isa may respeto ako sa pamilyang ito. At sa oras na mapatunayan kong may ibang lalaki kang kinahuhumalingan, kakaladkari kita palabas sa pamamahay ko." Pagkasabi niyon ay patulak siyang binitiwan na halos ikasadsad niya sa sahig.  Hindi na niya nagawang makapagsalita dahil agaran din itong lumakod at lumabas ng silid nilang mag-asawa. Sa tindi ng lakas ng pagkakasara nito sa dahon ng pinto ay halos ikayanig ng buong silid. NAGTAGAL ng dalawang linggo sa Cebu si Edward. Nagkaroon kasi ng problema ang barkong M/V Donya Consuelo sa pier doon at kinakailangan niyang makausap ng personal ang pamunuan ng nasabing daungan. Habang naroon ay naimbitahan naman siya ng kapitan ng barko na dumalo sa kasal ng ng kapatid sa Camotes Island na kanya namang pinaunlakan. Pero kinaumagahan din ay inihatid siya ng kapitan sa sakayan ng maliit na barkong maghahatid palabas sa island. "O, paano. I need to go back sa Manila." Aniya sa Kapitan ng kanilang barko. "Maraming salamat sa pagpapaunlak sa imbitasyon ko, Sir Edward. Mag-iingat po kayo." Matapos magpaalam sa tauhan ay agad na siyang pumasok sa loob ng pantalan kung saan naroon ang isang maliit na barkong na maghahatid sa mga pasahero patungong Cebu "Ilan po, Sir?" Tanong ng kahera sa kanya nang tumutubos siya ng ticket. "Isa lang," Pagkabigay ng ticket ay pumila naman siya papasok sa loob ng sasakyan. Nagkataon naman na maganda noon ang panahon at maaliwalas ang kapaligiran. Nakabuti naman sa kanya ang pagpunta dito sa Cebu dahil kahit pansamantala ay nakalimutan niya ang problema nakapagitna sa kanilang mag-asawa. Ayon kasi sa secret agent na kinuha niya upang mag-imbistiga para sa kanyang asawa, kompirmadong may kinalolokohan itong lalaki. Hawak din niya ang ilang ebidensya na magpapatunay na nakikipagkita ito sa lalaking nag-ngangalang Bert. Nang araw na mahuli niyang may kausap na ibang lalaki ang asawa sa telepono ay agad siyang kumilos upang alamin ang katotohanan. Lihim niya itong pinamatyagan sa secret agent na kinuha niya. At ilang araw lamang, lumabas ang resulta. Niloloko siya ng asawa niya! Pero hindi niya ito sinumbatan. Hindi niya inungkat rito ang tungkol sa kanyang natuklasan. MEDYO maalon na ang dagat nung magsimulang maglayag ang sinasakyan niyang ferryboat. Nagulat na lamang si Edward nang bigla na lamang may babaeng napasandal sa kanya dahil sa biglaang malakas na paghampas ng alon sa dingding ng barko. "Oh, my God!" Impit na tili ng babae. Naging maagap naman siya sa pag-alalay sa babae. Nahawakan niya ito sa braso. Nagulat man pero nakangiti nang tumingin sa kanya saka mabilis na dumistansya sa kanya. "I'm sorry," anito. "No problem. Sadyang malakas lang ang alon." Aniya nang nakangiti din. Saglit silang nagkatitigan ng babae. Unang nakaagaw ng pansin niya bukod sa dimple nito ay ang pantay-pantay nitong mga ngipin na lalong nagpaganda sa hugis ng mukha nito. Nang mahinang tumikhim ang babae ay saka lamang siya parang natauhan at nakadama ng bahagyang pagkapahiya. "I'm sorry," maikling wika niya na ang tinutukoy ay ang ginawa niyang pagtitig ng matagal sa mukha nito. "By the way, I'm Edward Monteverde." Aniya sabay lahad ng kanyang palad para sa pagpapakilala. Lalo naman yatang lumuwang ang pagkakangiti nito pero walang pag-aatubiling tinanggap ang kanyang pakikipagkamay. "And I'm Odeza Arquibel. Odeth for short." Anito sabay kindat sa kanya. At sa mahigit isang oras na pagkakasama nila sa loob ng barko, agad naman nilang nakagaan ng loob ang isa't isa. Hindi naman mahirap pakisamahan si Odeza dahil magaan itong kausap. Alista sa lahat ng mga sinasabi niya at kinukuwento. Sa kanilang mga naging pag-uusap ay napag-alaman niyang dalaga pa ito. At kaya lamang ito nasa Camotes Island ay para magbakasyon. "CAREFUL." Paalala ni Edward kay Odeza habang inaalalayan ito na makababa ng barko. "Baka mamaya diyan ka sa dagat malaglag." Biro pa niya. "If that happened, sabay tayo dahil nakahawak ako sa iyo." Tatawang tugon nito sa pagbibiro niya. "If you want, sumabay ka na sa akin papuntang Airport since same lang naman ang oras ng flight natin." Alok niya sa dalaga nang makababa siya ng barko. Sa dami ng napag-usapan nila kanina, nalaman niya na parehong five 'o clock ang oras ng flight nila at iisa ang eroplanong kanilang sasakyan.  What a coinsidence!   "Yah, sure! Bakit ko naman tatanggihan eh ikaw na ang nag-alok." Natawa nalang uli siya. Naroon na kanyang driver nang mga sandaling iyon at naghihintay. Pagkakita sa kanila ay agad na kinuha ang kanilang mga dala-dala upang ilagay sa compartment ng sasakyan. "Mang Dencio, sa airport na po tayo," aniya sa driver. Asawa ito ng kanyang Yaya Rita at sa tuwing pumupunta siya dito sa Cebu, ito na ang kinukuha niyang personal na driver. SA backseat ng sasakyan, tahimik na magkatabi sina Edward at Odeza.  Tila naubusan na sila ng pag-uusapan o napagod na mga bibig nila sa kakadaldal dahil mula pa kanina sila walang patid sa pag-uusap. Ilang oras pa lamang niyang nakikilala ang dalaga. Pero aminado siya na magaan ang loob niya rito. Siguro ay dahil mabait ito at madaling makapalagayan ng loob. Idagdag pa na mabilis itong sumakay sa kahit na anong klase ng pagbibiro niya. Mayaman siya. Maraming pera. Pero hindi lahat ay kayang bilhin ng salapi. At may kasabihan na hindi lahat ng grasya sa mundo ay ibibigay ng Diyos sa iisang tao. Kahit nasa iyo na ang lahat ng bagay, mayroon at mayroon pa ring kulang. May mga bagay ka pa din na hinahanap na pakiwari mo ay napakiharap makamit. Tulad na lamang ng pagnanais niya noon na makahanap man lamang ng babaeng mamahalin. Isang babaeng hindi ididikta ng kanyang mga magulang para ibigin at pakasalan.  Si Melanie, mula naman ng ikasal sila ay hindi na nagbago ang pag-uugali. Biniyayaan sila ng anak. Pero wala pa din nagbago. Sa halip, naghanap pa ito ng ibang lalaki bagay na hindi niya matanggap. Ipokrito siya kung hindi niya aaminin sa sarili na hindi siya nasaktan. Asawa niya at ina pa rin ito ng kanyang mga anak. At kahit baliktarin man ang mundo, kasal sila sa mata ng Diyos at ng mga tao. Bahagya niyang sinulyapan si Odeza na tahimik na nakaupo sa kanyang tabi habang nakatingin sa labas ng bintana. Animo may malali itong iniisip. "Hey, malalim na yata ang iniisip mo?" Patay-malisyang puna niya. "W-Wala. May naalala lang ako," anito na hindi siya nililingon. Minabuti na lamang niya na hayaan ito sa pananahimik. SA hindi inaasahang pangyayari, pagdating nila sa airport ay kinansela ang flight ng araw na iyon gawa ng biglaang pagsusungit ng panahon at sa ibinalitang bagyo na paparating. "So, stranded tayo?" Tila may lungkot na mababakas sa mukha ng dalaga nang marinig ang sinabi ng flight attendant. "Yah and we have no choice but to find hotel near the airport." Tugon niya. "Kailan naman kaya tayo makakabalik ng Manila nito?" "Let's find out tomorrow." Iiling-iling ito.  "Ang mabuti pa maghanap na tayo ng hotel na puwede natin matuluyan bago sumapit ang dilim." Napatitig ito sa kanya at nahulaan naman niya agad ang nasa isip nito. "Don't worry, magkaibang kuwarto naman kukunin natin." Nakita niyang bahagya itong pinamulahan ng mukha pero makalipas lamang ang ilang sandali ay agad din namang ngumiti. "Pero  magkatabing kuwarto lang para naman mabantayan kita." "H-Ha?" Muli itong nagulat. "Babae ka pa rin naman, Odeza. Hindi naman porke hindi pa tayo lubasang magkakilala ay hahayaan ko na lamang na may mangyaring masama sayo." Totoo sa loob na sabi niya. Nagkibit-balikat ito. "O, sya. Ikaw ang bahala." KAGAYA ng napag-usapan, magkatabi lamang ang silid na kinuha nina Edward at Odeza. Pero dahil kapwa hindi pa inaatok they decided to go sa isang maliit na bar na nasa loob lamang ng Hotel na tinutuluyan nila. "Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa kita natatanong kung kumusta ang buhay may-asawa?" Napatingin si Edward sa mukha ni Odeza na nakangiting nakatingin sa kanya matapos sumimsim ng alak sa hawal nitong kopita. "Monteverde is a well-known family. In all over the magazines and newspapers, kayo ang nasa unang pahayagan." Pagpapatuloy nito. "How's life of a being so called multimillionaire?" Isang palihim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumagot sa tanong ng dalaga. "Well, as you mentioned na palaging laman ng pahayagan ang pamilya namin it only means wala kaming privacy. Kagustuhan naman ng mga parents namin ang lahat ng publication sa media. Even all TV interviews, they decided for us." "Pati na ang pagpili ng mga mapapangasawa ninyo, right?" Maikli siyang natawa. "Yes," "So, how's the feeling? I mean kumusta kayo?" "Are you a secret agent or reporter?" Natatawang biro niya. Natawa na rin ito. "No. I'm just curious." "Kung sasabihin ko ba na hindi masaya ang arranged marriage maniniwala ka?" "Of course! Obvious naman." Anito na muling sumimsim ng alak sa hawak nitong kopita. "Meaning?"  "Hindi nauutusan ang puso kung sino ang dapat mahalin dahil kusang nararamdaman iyon. But in time, matututunan din nating silang mahalin. It's just a matter of time and patience." Hindi siya umimik sa sinabi nito. Sa halip nilagok niyang diretso ang laman ng basong hawak niya. "BAKIT ba kasi nagpakalango ka sa alak, Odeza?" Gustong pagalitan ni Edward ang dalaga habang inaalalayan ito sa braso sa paglalakad sa pasilyo ng Hotel pabalik sa kani-kanilang mga inupahang silid.  Gumigewang-gewang na sa paglalakad ang dalaga dahil napadami ang inom nito at hindi niya nagawang pigilan dahil sadyang matigas ang ulo at ayaw makinig. "At sino ba ang may sabi na lasing ako?" Namumungay ang mga matang saglit itong sumulyap sa kanya. Napailing siya. "Hindi ka pa ba lasing sa lagay na 'yan? Halos hindi ka na makalakad." Kumawala ito mula sa pagkakahawak niya. "I can walk. "  Mabilis itong naglakad pero pasuray-suray. Maagap naman siyang umagapay sa pangambang bigla na lamang itong bumagsak. Pagdating sa tapat ng silid nito, agad nitong sinubukang buksan ang pinto. Pero dahil nga lasing bumagsak ang access card nito sa sahig. "Ako na," aniya sabay dampot sa access card at swipe para mabuksan ang pinto.  Natawa ito nang buksan niya ng maluwang ang pinto saka humakbang papasok. Pero bago pa man ito makapasok natalisod na ito ng sariling paa. Mabuti na lamang at maagap niyang nahapit sa baywang kung hindi subsob ang magandang mukha nito sa flooring ng kuwarto. "You should be careful," mahinang paalala niya. "Alam ko naman na nariyan ka," Noon lamang niya napagtanto ang ayos nilang dalawa. Nakahapit siya sa baywang nito habang ang dalawang braso naman nito ay nakapulupot sa kanyang leeg gawa ng kabiglaan nito nang muntikan nang bumagsak sa sahig. Dinig na dinig niya ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.  "Odeza, i think---" "Please don't leave..." anito sabay yapos lalo ng mahigpit sa kanyang leeg na ang mga mata ay namumungay sa kalasingan. "I don't want to be alone..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD