CHAPTER 3

1229 Words
NANG humilig sa  balikat ni Edward si Odeza, kumilos ang kanyang kamay upang isara ang pinto. Ang plano niya ay ipasok ng maayos sa loob ang dalaga at kapag natiyak na niya na nasa maayos ito, saka na siya papasok sa sarili naman niyang silid.  Ngunit animo mapanukso ang pagkakataong iyon. Sapagkat mula sa pagkakahilig ng dalaga sa kanyang balikat ay lalo niyang nasamyo ang mabango nitong buhok. At wala siyang lakas upang labanan ang tuksong iyon. "Will you please stay, Edward?" Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. Matagal na naghinang ang kanilang mga mata. May mga mensaheng nais iparating sa isa't isa na hindi kayang sambitin ng kanilang mga labi.  At bago pa siya nakapagpigil, dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ni Odeza. MARAHANG napapikit si Odeza nang maramdaman ang mainit na mga labi ni Edward sa kanyang mga labi. Hindi man lamang siya nakadama ng kahit na anong pagtutol sa ginawa ng lalaki. Bagkos ay gusto niya ang ginagawa nito.  "Odeza..." Sa mahilo-hilo niyang diwa animo musika ang pagkakatawag na iyon ni Edward sa kanyang pangalan.  Maalab ang mga halik na iyon. Malalim hanggang sa naging mapusok.  Hindi naging sapat ang malakas na buhos ng ulan at hangin sa labas upang mapawi ang nag-aalimpuyo nilang init na nararamdaman sa katawan. Maging ang lamig na dulot ng aircon sa loob ng silid ay kulang para maampat ang makamundong pagnanasa sa isa't isa. Nagpaubaya si Odeza. Hinayaan niya itong ikulong siya ng mahigpit  sa matitipuno nitong mga bisig. Ng mga oras na iyon, handa siyang magpaalipin at maging sunod-sunuran sa mga naisin ng lalaki sa kabila ng katotohanang ito ay malaking pagkakamali.  Gusto niyang kahit saglit ay makalimutan ang maging malungkot dahil sa pagtataksil na ginawa ng kanyang dating nobyo. Pagtataksil na nagtulak sa kanya upang pumunta dito sa Cebu sa pagbabakasaling kahit paano ay makabawas ng sakit na kanyang nararamdaman.  At eto nga, dumating ng hindi sinasadya si Edward. Bagamat may asawa pero hindi naman niya maikakaila sa sariling attractive siya sa lalaki. Kahit na alam niyang kasalanan hindi niya magawang tumanggi. Parehong naging malikot ang mga labi at kamay ni Edward. Hanggang sa namalayan na lamang niya na unti-unting tinatanggal nito ang lahat ng saplot na kanyang suot.  Ilang sandali pa, kapwa na nila pinalaya ang nag-aalimpuyong init ng kanilang mga damdamin. Dahan-dahan siya nitong binuhat upang ihiga sa malawak na kamang naghihintay sa kanilang dalawa.  Kapwa umiikot ang kanilang mundo at kanilang mundo at kailangan pa nilang kumapit sa isa't isa habang pumapaimbulog sila pataas tungo sa kalangitan. Hanggang sa sabay nilang maabot ang rurok ng kaligayahan. "ODEZA, about what happened---" "I'm okay." Nakangiting putol ni Odeza sa iba pa sana niyang sasabihin.  Walang pag-aatubili itong nagbibihis sa kanyang harapan na animo ay walang nangyari sa kanila. Maraming beses na may naganap sa kanila kagabi. Makailang ulit nitong ipinaubaya ang sarili sa kanya.  At habang magkatabi silang nakahiga sa malawak na kama sa loob ng inuupahan nitong silid at nakatapos ang kamay nito sa kanyang dibdib, hindi niya lubos maisip na narito siya sa sitwasyon kung saan pinagtaksilan niya ang kanyang sariling asawa.  Magkahalong damdamin ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Guilt at saya.  Guilt kasi walang kamalay-malay ang kanyang asawa na may ibang babae siyang pinagkakaabalahan dito sa Cebu. Hindi lang basta may pinagkakaabalahan dahil may nangyari sa kanila ni Odeza.  Hindi siya masamang lalaki. Alam naman niya ang tama ang mali. Pero hindi niya matanggihan ang nakahaing tukso sa kanyang harapan at aminin man niya o hindi talagang gusto niya si Odeza.  Saya kasi ganito pala ang pakiramdam ng isang malaya at higit sa lahat, masaya siya na kasama niya si Odeza at nakilala ito.  "Hindi ka ba nagsisisi, Odeza?" "Bakit naman ako magsisisi? Ginusto ko din naman ang nangyari sa atin." Anito na noon ay lubusan nang nakapagbihis. "Ikaw, nagsisisi ka ba? Alam ko naman na may asawa at mga anak ka. Puwede naman nating isipin na walang nangyari sa atin. Puwede nating kalimutan ang lahat." "No." Maikling katagang mabilis na lumabas sa kanyang bibig na kahit siya ay ikinagulat niya.  Lumapit ito sa kanya at sa kanyang pagkagulat bigla siyang siniil ng halik sa mga labi. Mabilis lamang ang halik na iyon pero iba ang hatid na saya sa pagkatao niya. " I treasure this moment, Edward. And I just want you to know that I am happy with you." KAPWA payapa ang dibdib nila Edward at Odeza nang lumabas silasa hotel na tinutuluyan. Pabalik na sila ng Maynila at doon ipagpapatuloy ang lihim nilang relasyon. Hanggang sa pagsakay sa eroplano ay nakapaskil sa kanilang mga labi ang masasayang ngiti.  Pagdating sa Maynila ay agad silang naghiwalay. Si Odeza ay pauwi sa sarili nitong bahay at siya naman ay dumiretso ng uwi sa kanilang mansyon.  "Welcome home, Edward!" Masaya siyang sinalubong ni Melanie. Saglit siyang napatitig sa asawa. Ewan niya pero may naramdaman siyang kudlit ng konsensya sa kanyang dibdib. "I miss you," wika ng asawa sabay yakap at halik sa kanyang labi.  Pero agad din naman siyang kumawala mula sa pagkakayakap ni Melanie. Hindi niya sinagot ang sinabi nito. Bagkos ay nagtuloy-tuloy siya sa loob ng bahay. "Daddy!" Tumatakbong sumalubong naman sa kanya ang panganay na anak na si Ariston na kasunod sa likuran ang bunsong anak na si Cynthia. Saka lang sumaya ang mukha ni Edward pagkakita sa dalawang anak na mabilis niyang niyakap. HINDI naman nakaligtas kay Melanie ang nakitang pagbabago kay Edward simula ng dumating buhat sa Cebu.  Dati-rati naman ay nakikipag-usap pa ito sa kanya. Kinakikitaan pa niya ito ng pag-aalala sa kanya noon kahit pa na batid nilang hindi nila mahal ang isa't isa.  Aminado naman siya sa mga naging kasalanan niya. Naging pabaya siyang asawa at ina sa kanilang mga anak. Dumating pa siya sa puntong naging sakim siya. At ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya ay ang yurakan niya ang pangalan at dangal ng asawa dahil lamang sa ibang lalaki. Pero pinagsisisihan na niya ang lahat ng iyon. Unti-unti na siyang nagbabago.  "H-Hindi mo man lamang ba tatapusin ang pagkain mo, Edward?" Nagtatakang tanong niya sa asawa ng isang umaga ay nagmamadali itong tumayo mula sa hapag-kainan na hindi man lamang nauubos ang inihain niyang pagkain para rito.  "Tatanghaliin ako. I need to go to office for a meeting,"  Wala siyang nagawa kundi sundan na lamang ito ng tingin papalayo.  Hindi mo ba ako magagawang patawarin talaga, Edward? ILANG araw pa lamang ang nakakalipas buhat nang dumating si Edward mula sa Cebu. Pero pakiramdam niya ilang linggo na ang nakakalipas.  Nang gabing iyon ay hindi siya makatulog. Laman ng kanyang isipan si Odeza. Maging sa kanyang pagtatrabaho, si Odeza ang kanyang naiisip.  Bakit ganito ang nararamdaman ko? Umiibig na ba ako kay Odeza? Piping tanong niya sa kanyang sarili.  Noong una batid niya na talagang attracted siya sa dalaga. Bagay na hindi naman niya maikakaila.  Ibang iba si Odeza kumpara kay Melanie. Sa isang buong araw at gabi na nakasama niya ang dalaga, pakiramdam niya kilalang kilala na niya ito kahit noon lamang sila nagkita at nagkakilala. Higit sa lahat, hinangaan niya ang tapang nito na tanggapin at harapin ang anumang nangyari sa kanila sa kabila ng katotohanang may asawa at mga anak na siya.  Pero tama ba ang desisyon niya na ipagpatuloy ang kanilang lihim na relasyon ni Odeza? Tama lang ba na ang naging pagkakamali sa kanya ni Melanie noon ay gagantihan din niya ng isa pang pagkakamali? Paano na lamang ang kanilang mga anak? Bumangon siya mula sa kinahihigaan. Kumuha ng stick ng sigarilyo at sinindihan pagkatapos ay dumungaw sa labas ng nakabukas na bintana ng silid nilang mag-asawa. Alam niyang nakamasid sa kanya si Melanie pero pinili niya na huwag itong pansinin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD