CHAPTER 4

1040 Words
ANG tukso ay tukso at nasa tao na lamang kung paano iiwasan.  At sa kaso ni Edward at Odeza, pinili nilang ipagpatuloy at palawigin ang kanilang lihim at bawal na relasyon. Hanggang sa dumating na si Edward sa puntong ipinasok niya sa kanilang kompanya bilang Marketing Manager si Odeza. Naging madalas na rin hindi niya pag-uwi sa bahay nilang mag-asawa dahil sa bahay ni Odeza siya tumutuloy. At kung minsan pa nga ay tatlong araw bago siya umuwi bagay na alam niyang ipinagtataka ni Melanie.  "Hindi ka na naman ba uuwi ng bahay, Edward?" Mahinahong tanong ni Melanie sa kanya isang araw nang tumawag ito sa kanya sa telepono. "Maghapon kang walang sa opisina. Even your secretary, hindi alam kung saan ka nagpunta. Where are you?" "I have a client meeting outside the office, Melanie. Hindi ka pa ba nasasanay na kahit noon pa man ay lumalabas na ako?" Pagdadahilan niya pero ang totoo ng mga sandaling iyon ay naroon siya sa bahay ni Odeza. "Sanay ako na may client meeting ka sa labas. Pero hindi ko kinasanayan na hindi ka umuuwi sa bahay ng halos ilang araw."  Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. "What's wrong with you? Gumaganti ka ba sa akin, Edward?" "Look, Melanie." Aniya. "Kung aawayin mo lamang ako ay mas makakabubuti pa na saka na tayo mag-usap." "Alam ko marami akong pagkakasala sa iyo, pero kung parte ng paghihiganti mo ang ginagawa mo na 'yan, kahit isipin mo na lamang magiging damdamin ng mga bata, Edward. Kahit huwag na ang damdamin ko..." "Sana naisip mo 'yan bago mo ko pinagtaksilan noon, Melanie." Ito naman ang halatang natigilan sa kanyang sinabi. "Gusto mong malaman kung bakit halos hindi ako umuuwi sa bahay? Dahil ayokong makita ka. Ayokong makita ang babaeng pinagkatiwalaan ko ng buong-buo pero nagawa akong lokohin at ipagpalit sa ibang lalaki!" "E-Edward..." "Don't explain, Melanie." Putol niya sa pagsasalita ng asawa. "Alam ko lahat ng nangyayari." Hindi na niya hinintay na makapagsalita ang asawa, pinutol na niya ang linya ng telepono.  TULALA si Melanie pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ng asawa. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa ng mga sandaling iyon. Wala na siyang dapat pakaingatang lihim dahil batid na pala ni Edward ang buong katotohan. Kung paano nito nalaman ay hindi niya alam. Sa laki ng naging kasalanan niya sa kanyang asawa maging sa kanilang mga anak, maiintindihan niya kung hindi man siya nito agad mapatawad. Pinagsisisihan naman niya ang lahat ng kanyang ginawa at unti-unting binabago ang sarili. Lahat puwede niyang tanggapin maging ang pag-iwas sa kanya ng asawa maliban sa isang bagay.  Ang gantihan siya nito sa paraang kagaya ng ginawa niya noon. May kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Gusto niyang maiyak ng mga sandaling iyon pero pinigil niya ang sarili. Malakas ang kanyang kutob na hindi totoong may client meeting si Edward. Iba ang kanyang pakiramdam. At hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman ang buong katotohanan. Kung sakali man na mayroon itong babae, gagawin niya ang lahat upang bawiin ang asawa at ipaglaban ang karapatan niya at ng kanilang mga anak. Oo at nagkamali siya noon, pero tinapos na niya iyon at nagbagong-buhay. Kaya hindi siya makapapayag na may ibang babaeng sisira sa pamilyang binubuo niya ngayon. MAAGANG pumasok ng opisina si Melanie ng araw na iyon upang asikasuhin month end report ng Accounting. Siya ang may hawak sa buong Accounting Department at Marketing. At kapag ganitong month end, tambak ang mga papeles sa kanyang lamesa for review and approval. Nakatuon ang atensyon niya sa binabasang papel nang makarinig ng mahihinang katok buhat sa labas ng pinto ng kanyang opisina. "Come in," aniya na hindi inaalis ang tingin sa binabasa. Narinig niya ang pagbukas dahan-dahan ng pinto at kasunod ay nalanghap niya ang mabangong amoy ng isang babae. "Good morning, Mam Melanie. Saka lamang siya nag-angat ng mukha upang tingnan ang nagmamay-ari ng tinig. "Yes?" Kunot-noong tanong niya sa babaeng nakatayo sa bungad ng pinto ng kanyang opisina. Hindi niya kilala ang babae at ngayon lamang niya ito nakita. Wala naman nababanggit sa kanya ang asawa na may bagong hired na employee. "Pasensya na po, Mam, kung nakaabala ako." Nakangiting wika nito. "But I have to bring this papers to you for your review and approval." Napatingin siya sa hawak nitong mga folders. Pagtapos ay ibinalik niya ang tingin sa mukha ng babae. "From what department ka?" Kunot-noong tanong niya. "Oh, I'm sorry, Melanie if I forgot to introduce myself." Anito na nakangiti pa din at nananatiling nakatayo sa bungad ng pinto. "I'm Odeza Arquibel. Newly hired Marketing Manager here, Mam." Lalong kumunot ang kanyang noo. Wala siyang natatandaan na nag-open sila ng hiring. Higit sa lahat, hindi ito dumaan sa kanya for interview. Hindi niya napigilan ang sariling tingnan ito mula ulo hanggang paa. Matangkad si Odeza. Balingkinitan ang katawan at morena. Mahaba ang itim na itim nitong mga buhok na halos umabot sa baywang nito. Maganda. A typical Filipina beauty. At nagpadagdag dito ng ganda ay ang maliit nitong dimple sa pisngi na sa tuwing ngumingiti ay kitang-kita. "Who hired you?" Aniya makalipas ang ilang segundong pananahimik. "Si Sir Edward po Monteverde po," Muli, saglit siyang hindi nakapagsalita.  "Akin na 'yang mga folders." She said after a seconds.  Nakangiti pa din ito nang lumapit sa kanya. At nang magpaalam itong lalabas na ng kanyang silid ay hindi niya maiwasang palihim itong sundan ng tingin.  Kailan pa naghire ng tauhan si Edward ng hindi niya nalalaman lalo pa at nasa ilalim ng Departamento niya? "I really have no idea about it, Ate Melanie. Nagulat na lang ako pagpasok ko may Marketing Manager na." Kunot ang noong pinagmamasdan niyang mabuti ang mukha ni Justin nang komprontahin niya kung may alam ito sa pagpasok ni Odeza. Nasa mukha naman nito n nagsasabi ito bg totoo. "Hindi man lamang ba nabanggit sa iyo ni Kuya Edward na naghahanap siya ng Marketing Manager?" "No. Or maybe nakalimutan ko lang," aniya upang hindi na ito mag-usisa. "Okay lang ba kayo ng kapatid ko?" "Oo naman! Ano bang klaseng tanong 'yan?" Pinilit niyang patawanin ang sarili. "Hindi ko alam kung busy lang ba ako at hindi ko na kayo napapansin na nag-uusap ni kuya dito sa opisina o sadyang talagang hindi kayo nag-uusap." Palihim siyang humugot ng buntong-hininga. "I guess, busy ka lang." Aniya. "By the way, I have to go now. Kapag dumating ang kuya mo please inform him susunduin ko ang mga bata sa school." "Okay, sure." Isang ngiti lamang ang itinugon niya kay  Justin saka walang imik na lumabas ng pinto ng opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD