NAGULAT si Edward nang pagbungad niya sa kusina ay nakangiting mukha ni Melanie ang bumungad sa kanya. Sa hapag-kainana ay nakahain ang inihanda nitong almusal nila."
"Bakit ang aga mong magising, wala namang pasok ang mga bata today."
"Dahil alam ko na maaga kang aalis at kailangan kitang paghandaan ng makakain." Anito ng nakangiti pa din. "By the way, it's Saturday today so please have a seat and eat your breakfast before you go."
"But---"
"No more buts, Edward. I woke up early to prepared this at sayang naman kung hindi mo papansinin,"
Wala siyang nagawa kundi pagbigyan ang hiling ng asawa. Nakabihis na siya ng mga oras na iyon para pumasok sa opisina.
Walang kibo niyang ipinatong sa ibabaw ng lamesa ang cellphone at susi ng kotse. Saka siya naupo sa harap ng hapag-kainan.
"I'll go and get you hot coffee."
Bago pa siya nakapagsalita ay nakatalikod na ito upang ipagtimpla siya ng kape. Ilang sandali pa, biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"Odeza?"
Bigla ang kabog ng kanyang dibdib ng walang kaabog-abog na nagsalita ang asawa buhat sa kanyang likuran. Hindi niya ngayon malaman kung sasagutin o hahayaang tumunog ang kanyang cellphone.
"Bakit hindi mo sagutin?" Anito na inilapag sa harap niya ang mainit na kape. "Baka emergency."
Ramdam niya ang diin sa pagkakabigkas nito sa emergency.
"Don't mind her. Baka tungkol sa trabaho pero makakapaghintay naman." Aniya upang ikampante ang nararamdaman nito.
Umibis ito patungo sa kabilang panig ng mesa at saka naupo sa kanyang harapan. Kinuha ang bandehado ng sinangag na kanin at saka siya nilagyan sa kanyang pinggan.
"I'm just wondering why Odeza keep on calling you when regards to work. Wherein I'm her superior."
Muntik na niyang mabitawan ang tasa ng mainit na kape nang marinig ang tanong nito.
Napatitig siya sa mukha ni Odeza. Sa pagkakangiti nito, hindi niya mabasa ang totoong nararamdaman nito.
May alam na ba ang asawa niya tungkol sa kanila ni Odeza? O kinukutuban na ito sa kanilang dalawa?
Kilala niya ito. Hindi ito ang tipo ng babae na basta na lamang sumusuko ng hindi lumalaban. At hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang malaking pagbabago nito. Ibang-iba na ito sa dating Melanie na nakilala niya at nakasama ng ilang taon.
"Never mind my question, Edward. Just eat your breakfast." Nakangiting wika nito sa kanya.
ALAM ni Melanie na may itinatagong lihim sa kanya ang asawang si Edward. Malakas ang kutob niyang may ibang babae ito. Kailangan lamang niyang makakuha ng matibay na ebidensyang magpapatunay sa lahat ng kanyang kutob.
Nang araw na maganap ang pagsugod nito kay Odeza sa ospital, hindi niya ito kinumpronta o kahit tinanong man lamang kahit pa sa dibdib niya ay nabubuo na ang isang malaking hinala at pagdududa. Isang malaking katanungan sa kanya ang nasaksihan niya ng araw na iyon.
Punong-puno ito ng pag-aalala ng saklolohan ang nakahandusay na si Odeza. At nakita na niya ang ganoong klase ng emosyon nang maaksidente siya at muntikan nang malaglag sa kanyang sinapupunan ang anak nilang si Ariston.
Buong araw niyang tinatawagan sa cellphone nang araw na iyon ang asawa upang alamin kung ano ang nangyari dahil ito ang sumama sa ambulansya na maghahatid kay Odeza sa ospital. Oo at mabait na tao ang asawa niya at likas ang pagiging matulungin. Pero may mali sa ikinilos nito nang araw na iyon.
Lahat ng empleyado na nakasaksi sa pangyayaring iyon ay napatingin lamang sa kanya na hindi makakilos sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang papalayong ambulansya. Puno ng pagtatanong ang mga mata pero takot magsalita kaya minabuting manahimik.
Kahit isa sa mga tawag niya sa asawa ay hindi nito sinagot. Pero hinayaan niya kahit pa gustong sumabog ng kanyang dibdib sa matinding galit at selos.
Nang minsang palihim niyang pakialaman ang cellphone nito, nagulat siya dahil sa password. Bagay na ipinagtaka niya dahil sa tagal ng kanilang pagsasama aware siya na hindi ito naglalagay ng anumang safe code sa gamit nito.
Ngayon, hindi puwedeng ipagsawalang-bahala niya ang nararamdaman. Kailangang mahanapan niya ng sagot ang lahat ng katanungang gumugulo sa kanyang isipan.
NASA bungad pa lamang pinto ng opisina si Odeza ay dinig na niya ang malakas na pag-uusap ng kanilang mga tauhan. Minabuti niyang huminto at magkubli sa likod ng bahagyang nakaawang na dahon ng pinto.
"Buntis pala kaya naman madalas na nahihilo." Narinig niyang wika ng kanilang purchasing staff na si Olive.
By cubicle ang puwesto ng kanilang mga staff kaya kung may tsismis, maliit lang ang iikutan at mabilis lamang na kakalat.
"At ang balita ko pa sa HR ay absent ngayon dahil magpapa-check up." Wika naman ni Greg ang bakla nilang Sales Executive.
Buntis? Check-up? Si Odeza ba ang tinutukoy ng kanilang mga tauhan? Piping tanong ni Melanie sa sarili.
"Pero alam ninyo ang ipinagtataka ko lamang ay wala naman naikukuwentong boyfriend 'yan si Odeza. Tapos ngayon buntis. Sino ang ama?" Mahina man ang pagkakasabi ni Karen na isa rin sa kanilang Sales Executive ay nasagap naman ng buo ng kanyang pandinig.
"Grabe ka naman, Karen. Malay naman natin kung may boyfriend talaga si Odeza tapos ayaw lang magkuwento sa atin." Boses iyon ng skretarya niyang si Dina.
"Eh bakit ganoon na lamang ang pag-aalala ni Sir Edward noong araw na nawalan ng malay si Odeza? Huwag ninyong sabihin sa akin na hindi ninyo napansin iyon at hindi kayo nagtaka?" Tugon muli ni Karen.
Nararamdaman niya ang panlalambot ng kanyang mga tuhod ng mga sandaling iyon habang pinakikinggan ang takbo ng usapan ng kanilang mga tauhan.
"Ay, totoo 'yan!" Ani ng baklang si Greg. "Ang eksenang iyon ay nagmistulang eksena ng isang asawa na hinimatay at ama na labis na nag-aalala."
Naikuyom niya ang kanyang mga kamao sa pagpipigil na sumambulat ang tinitimping galit. Hindi siya sa mga tauhan nila nagagalit kundi sa mga katotohanang halos ihampas na sa kanyang pagmumukha.
Pero hindi siya puwedeng magpadalos-dalos. Kailangan niya ng matibay na ebidensyang magpapatunay ng lahat ng hinala.
Ilang segundo muna niyang pinayapa at inayos ang sarili saka humakbang papasok ng opisina na animo walang narinig.
Bigla naman nagtigil sa pag-uusap ang mga ito at bumalik sa kani-kanilang mga puwesto nang makita siya.
"Good morning, Mam Melanie." Halos sabay-sabay na wika ng mga ito nang dumaan siya subalit hindi siya tumugon at sa halip ay diretsong naglakad papasok sa kanyang opisina.
HALOS manginig ang buong katawan ni Melanie nang malantad sa kanyang mga mata ang iba't ibang klase ng larawan ng kanyang asawa at ni Odeza.
She hired a private investigator para lamang mantyagan ang lahat ng kilos ng kanyang asawa. At sa loob lamang ng limang araw, hawak na niya ang ebidensyang magpapatunay na may relasyon nga ang kanyanga asawa at ang kanilang Marketing Manager na si Odeza.
Pero ang higit na masakit ay ang katotohanang buntis ang babae at ang posibleng ama ay ang kanyang asawa.
Ang mga nasabing larawan ay kuha sa ibang-ibang araw at oras. May litrato ang dalawa na kinunan habang papasok at palabas ng isang maternity clinic ang dalawa. Pawang mga nakangiti at tila hindi alintana ang mga matang puwedeng makakita sa kanila.
Sa ibang larawan, kuha iyon sa labas ng isang malaking bahay na kung saan ay nakayapos si Edward sa baywang ni Odeza habang magkahinang ang mga labi ng dalawa. Ang iba naman ay kuha sa isang restaurant.
Halos lamukusin niya sa galit ang mga larawan habang sa kanyang mga mata ay masagang umaagos ang mainit na mga luha.
"How can you do this to me, Edward?" Paanas niyang wika habang nakatitig sa mga mga nakahambalang na litrato sa kanyang harapan.
Nang mga sandaling iyon ay nasa loob siya ng silid nilang mag-asawa at kagaya ng dapat asahan, gabi na pero hindi pa din ito umuuwi.
Paraan ba ito ng paghihiganti mo para saktan ako? Kailan mo pa ako niloloko? Piping sigaw ng utak niya habang dahan-dahan siyang napaupo sa sahig dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod.
"Kailan pa, Edward? Kailan pa ninyo ako niloloko!" Impit niyang hagulhol.
Parang sasabog ang kanyang dibdib sa magkahalong galit at pagkapoot ng mga sandaling iyon.