NASA sahig si Dawn at nagsusulat nang mapaigtad siya sa katok. Hindi niya pinansin ang warning knock. Naka-focus siya sa screen ng kanyang laptop, tuloy-tuloy ang galaw ng mga daliri sa mga letra. Hindi gustong sayangin ni Dawn ang nagbabalik na muse. Ang sunod-sunod na tour lang pala ang kailangan niya para gumana ang utak. Kung kailan hindi na niya inisip ang rom-com assignment at balak na lang niyang mag-enjoy ay saka naman dumating ang mga ideas dahil sa suggestion ni Thor. May ilang nabuong scene sa isip niya pero hindi alam ni Dawn kung paano niyang ililipat sa pages ng manuscript. Pagkatapos ng dalawang chapters, nangangapa na naman si Dawn. Naliligaw na uli siya. Hindi niya alam kung paano gagawin nang tama ang comedy sa kuwento. At nakailan na siyang diin sa delete key mula kani

