Naudlot sa ere ang kutsara na isusubo niya. Nakanganga pa si Dawn nang tumingin kay Thor na nakatitig na naman sa kanya. Nag-react na naman ang heatbeat niya. Ang totoo, pinipilit lang ni Dawn na huwag pansinin iyon. Binubulungan niya lagi ang puso na manahimik. Tagumpay naman ang pagpapanggap niya sa harap ni Thor—na wala lang sa kanya ang presence nito. Na hindi siya affected sa killer smile at sa intentional na pagtitig. Ramdam din ni Dawn na parang gusto na siyang kasama ni Thor. Pero ayaw ni Dawn na bigyan ng false hope ang sarili. Baka mali siya. Ang mag-assume at mag-expect ang pinakahuling bagay na gagawin niya. "Sure ka ba?" si Dawn nang makabawi. "Ako talaga? Bakit ako'ng gusto mong kasama?" "Safe ako," sagot nito, parang kumislap ang mga mata nang ngumisi. "Sa iba, hindi. Uub

