"CAN I JOIN—" "No," agap agad ni Dawn, hindi nag-angat ng tingin kay Thor na naramdaman niyang palapit sa sala. Kung nasa bahay ang iba pang kasama nila, hindi napansin ni Dawn. Walang tao sa sala kaya doon muna siya nag-stay. May kanya-kanyang ginagawa ang mga kasama. Kung ang assignment nila o may iba pa, hindi na nagtanong si Dawn. Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone—eight thirty na. Nagche-check si Dawn ng pictures sa kanyang phone nang lumapit si Thor. Balak na naman yatang mang-asar. "No agad?" balik nito, magaan ang tono. "Hindi man lang nag-isip?" naupo ito sa tapat niya. Hindi na sumagot si Dawn. Kung kahapon nito ginawa iyon, makikipag-argue na naman siya. Hindi na ngayon. Nakatulog na siya at nakasagap na rin ng hangin. Okay na ang pakiramdam ng dalaga. Hindi na mainit

