BAGO pa nagkaroon ng tunog ang pag-ungol ni Dawn sa frustration ay nasa tabi na niya si Thor. Lumuhod ito sa isang tuhod, hawak na ang kaliwang bisig niya. Nagche-check na ang ng mga tuhod niya bago pa na-realize ng dalaga na iyon ang gagawin nito. Parang na-freeze si Dawn, hindi agad nakapag-react nang makitang seryoso ang mukha ni Thor. Tutok ang atensiyon nito sa mga tuhod niya. At napamaang na lang ang dalaga nang maingat na tanggalin ng Toryo ang dumi sa bawat isang kamay niya! "Kung magwa-walk out, mag-iingat," sabi ni Thor, nililinis ang kanang kamay niya. "'Tingin-tingin din sa 'baba. 'Wag laging chin up—aray!" hinampas niya sa balikat ang bruho. Ipinagdiinan pa ang ikalawang failed walk out scene niya? Nagtama ang mga mata nila. Hindi na nakita ni Dawn ang Thor na nagyayabang

