Six

1226 Words
SA EROPLANO pa lang ay antok na antok na si Dawn. Inubos lang naman kasi niya ang oras nang nagdaang gabi sa pagtitig sa dingding at sa kisame. Paulit-ulit lang ang mga kantang naririnig niya mula sa smartphone. Kung dati ay may epekto sa mood ng dalaga ang musika, nang nagdaang gabi ay hindi man lang na-trigger ng love songs ang imahinasyon niya. Wala ni isang eksenang nabuhay sa kanyang isip! Mas dumagdag pa sa stress ni Dawn ang pinagdaanan nila ni Dream bago nila nakuha ang Park Bed and Breakfast. Napamahal na ang bayad nila sa unang taxi, hindi pa nakuha ng driver ang tamang lugar. Wala sa planong pumasok sila sa Sogo. At hayun, sa kamamasid sa tanawin, na-realize ni Dawn na nag-iba na talaga ang mundo. Naging witness pa sila ni Dream ng nag-amok na matrona at binawi ang asawa sa kabit yata na mas bata. Lumabas silang naiwan sa isip ni Dawn ang mga ke babatang guest na gagawa ng kababalaghan. Nasaan na ang konserbatibong kultura ng Pilipinas? Naghihingalo na talaga ang dangal ng Inang Bayan! Juice me! Sasakit na yata ang ulo ni Dawn. Na mas lumala nang sumakay sila ng grab taxi at singilin ng three hundred pesos pagkatapos ng isang liko lang at pasok sa isang maliit na way—Park Bed and Breakfast na pala. Tapos na ang bad hair day? Hindi pa. Nag-padeliver sila ni Dream ng dinner. Nangatog na sila sa gutom ay wala pa rin ang pagkain. Kung hindi pa bumaba si Dream, hindi nila malalaman na nasa baba na ang delivery boy. Naghanda siyang lantakan ang pagkain para malaman lang na walang kasarap sarap iyon. Minarkahan agad niya sa isip ang fast food restaurant na nagdagdag sa stress niya. Masama na ang mood ni Dawn. Dinaan na lang nila sa kuwentuhan ni Dream ang disappointment. Nang makatulog ang kasama, balik si Dawn sa 'tulala' mode. Inumaga na siyang walang tulog. Hikab siya nang hikab habang nasa taxi papunta sa airport. Pagdating sa airport, sa paghihintay pa lang ng oras ng flight ay antok na antok na si Dawn. Pagkapasok sa aircraft, agad niyang ikinabit ang seatbelt at deadma na sa mga nangyayari sa paligid. Okay na sana, maiidlip na si Dawn habang umaangat na sila sa ere—kung hindi lang sa maiingay na boses na nasa unahang upuan na wagas ang kuwentuhan mula sa mga babaeng sexy sa Boracay hanggang sa ganda ng buhangin sa beach sa iba't ibang panig ng mundo. Asar na asar ang naiidlip nang si Dawn. Paki ba niya sa mga sexy sa Bora? Lalong wala siyang paki sa beach sa iba't ibang panig ng mundo dahil wala siyang budget para lumipad sa bawat lugar at i-check iyon. Nagpapansin lang yata sa katabi ang lalaking nagkukuwento kaya sobrang loud. Naiinis na pinilit ni Dawn ang sarili na bumalik sa 'sleepy mode'. Kailangan niyang makatulog para magka-energy. Makakatikim sa kanya ang maiingay na mga lalaki pagdating nila sa Puerto Princesa. KUNG napansin o hindi ng mga kasama ang mabilis na kilos ni Dawn para makababa agad sa plane ay saka na iisipin ni Dawn. Bad mood talaga siya. Sa puyat siguro. Para siyang nakalunok ng something na hindi tanggap ng kanyang tiyan. Hindi ma-digest nang tama kaya kailangang iluwa—saka lang siya makakahinga. At nang sandaling iyon, hindi pagkain ang iluluwa niya kundi ang inis sa mga lalaking nanira ng tulog. Nagpatung-patong na yata ang masamang mood ni Dawn at kawalan ng tamang tulog kaya mainit na talaga ang ulo niya. Idagdag pang gutom na siya. Nilingon niya ang mga kasama—abala pa sa pagkuha sa kanya-kanyang bagahe. Si Dream ang sumulyap sa kanya. Sumenyas siyang mauuna na. Tumango naman ito, naisip yata na kailangan lang niyang mag-banyo uli. Bitbit ang mga bagahe, suot ang dark sunglasses at hat, rumampa siya palabas. Tumaas ang isang kilay ni Dawn nang magtagumpay na masundan ang isa sa mga maiingay na lalaki. Lalo siyang nainis na tahimik na ang mga ito. Bakit kaya hindi mag-ingay ngayong wala nang maiistorbo ang tulog? Kung hindi lang hiyang-hiya ang height at slim niyang katawan sa tangkad ng lalaki na mga five feet eleven inches siguro at sa mga muscles na nasa tamang lugar ay baka sinadya na niyang banggain ang isa sa dalawang lalaki—ang nasa huli. Hindi magawa ni Dawn sa takot na baka siya ang tumalsik. May urge siyang itulak ang lalaki habang pababa sila. Hindi war freak si Dawn, bad mood lang. At ang bad mood kapag sinamahan ng gutom na mga pang two days na, may satisfaction na yata siyang makukuha sa pang-aaway ng taong dahilan kung bakit hindi tahimik ang mundo ng mga inosenteng taong gaya niya na gusto lang naman matulog sa biyahe. Nakababa na sila. Sinamantala ni Dawn ang pagkakataon nang bumagal ang isa sa mga lalaking 'subject' niya. Binilisan ng dalaga ang mga hakbang. Nagtagumpay siyang sabayan ang lalaki. "Next time, Kuya," simula niyang banat sa pantay na tono. "Bawas-bawasan n'yo ang ingay sa plane. 'Bili kayo ng sarili n'yong private plane at doon n'yo pag-usapan ang mga sexy sa Bora at buhangin sa mga beaches around the world. Walang naman kasing may paki, eh. Istorbo lang kayo sa mga taong natutulog at gusto sana ng katahimikan." at nilampasan niyang parang walang anuman ang lalaki. "Dawn!" tawag ng isa sa mga kasama niya, si Victoria yata. Epic fail ang naka-chin up niyang pagrampa palayo sa lalaki. Sayang. Okay na sana ang atake niya. Parang kotse na nag-menor ni Dawn. Baka isipin ng mga kasamang nang-iiwan na lang siya basta. Bumagal ang mga hakbang niya. Mayamaya ay naramdaman ni Dawn na may sumabay sa mga hakbang niya. Tinangay ng hangin sa ilong niya ang mabangong scent. Naudlot ang pagbaling ni Dawn nang marinig niya ang boses-lalaking nagsalita. "Next time, bago ka mag-ala nagging wife na kulang sa kiss, siguraduhin mo munang tamang tao ang nina-nag mo. 'Di hamak na tripleng mas guwapo ako sa mga kaaway mo, Miss-kulang-sa-kiss," kasunod ang magaang tawa bago siya nilampasan nga lalaki. "Aba't—" kusang huminto ang mga paa ni Dawn. Ang lalaki ay mabilis na nakalayo. Mga apat na hakbang ang pagitan nila ay humarap uli sa kanya, nagtanggal ng dark shades at nginisihan siya. Nanlaki ang mga mata ni Dawn nang mamukhaan ang lalaki. Pakiramdam ng dalaga ay biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo niya at sinakop ang utak niya. Nakuyom niya ang palad at nagtagis ang mga ngipin. Kung wala lang sila sa airport, hinubad na niya ang sapatos at ibinato sa weset na super yabang na modelo! Sa lahat naman ng tao sa mundo, oo! Sa sarili ay bulong ni Dawn. Si Thor Valdemor talaga? Ano'ng ginagawa ng mukhang macho dancer na iyon na pinagsawaan ng mga matrona sa Palawan? Miss-Kulang-Sa-Kiss daw siya? Kung hindi ba naman lettuce ang lalaking iyon! Gigil na gigil pa rin si Dawn hanggang naramdaman niyang nasa tabi na ang mga kasama. "Okay ka lang, Dawn?" si Dream ang nagtanong. "Hindi, eh," sagot niya. "Gusto kong mang-hostage ng impaktong nagpapanggap na tao." Hindi na niya pinansin ang naging reaksiyon ng mga kasama. Naglakad na uli siya. Patungo na sila sa waiting area kung saan naghihintay ang service van ng hotel na tutuluyan nila. Ang problema, walang service van na dumating hanggang naging pang one week na ang gutom nilang apat...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD