KA INATO, ang restaurant na solusyon sa pang one week na gutom ng team stress—sina Dawn, Victoria, Belle at Dream. Pare-pareho silang wala na halos energy nang bumaba mula sa sinakyang asul na tricycle. Mga isang oras lang naman silang nakipag-diskusyon sa hotel staff matapos nitong sabihin na wala ang pangalan ni Dream. Inisa-isa nilang ibinigay ang mga pangalan, baka nagkamali lang ang contact ni Dream. Wala pa rin. Pangalan na ni Dawn ang huling binigay sa mismong sandaling malapit nang magdilim ang paningin niya sa gutom. Wala talaga. Ibig sabihin, wala silang hotel na pag-iiwanan ng gamit! Parang mga robot na sabay-sabay na-lowbat ang team stress nang tuluyang mag-sink in sa kanila na naloko sila ng travel agent. Tour package lang ang meron sila pero pati ang budget sa hotel accomm

