Anne Moore
Isang oras na akong naglalakad kasama si Valentina sa kalye ng Quezon City. Dumaan kami sa isang point hanggang sa makarating kami sa kabilang panig ng lungsod.
“Ang layo ng bahay mo,” sabi ko.
“Mayaman ang lugar na iyon, nakikihalubilo ako roon at nagtatrabaho sa isang nightclub. Ang kinikita ko ay hindi sapat para manatili sa iisang bahay. Kaya nakatira ako sa medyo liblib,” sagot niya habang naglalakad kami.
“Hindi ba masakit mga paa mo?” tanong ko.
Ngumiti siya.
“Madalas akong maglakad kaya nakasanayan ko na,” sabi niya.
Binuksan ko ang bag ko at naglabas ng tsinelas.
“Tingnan mo, binili ko ito sa palengke, sana makatulong ito,” sabi ko.
Tumigil si Valentina at tumingin sa akin, ngumiti siya at tinanggap ang tsinelas ko.
“Salamat,” sagot niya.
“Wala ‘yon!”
“Malapit na tayo,” sabi niya.
“Salamat sa Diyos!” bulalas ko.
Natawa si Valentina.
“Hindi ako kumita ng maayos ngayon, kaya hindi tayo makasakay ng bus, sorry,” sabi niya.
“Walang problema, dinadala mo ako sa bahay mo, malaking bagay na iyon,” sabi ko.
Ngumiti si Valentina at di nagtagal ay nasa harap na kami ng bahay niya.
Tila isang inabandunang lugar ito. Ang harap ng gusali ay madilim at nakikita ko ang ilang mga tao na nakatayo sa pinto. Nakakatakot sila.
Mahinahong pumasok si Valentina sa loob at naamoy ko ang isang malakas na amoy ng droga habang nadadaanan ko ang mga lalaki.
“Valentina, sino 'yang kaibigan mo?” Isa sa mga lalaki ang nagtanong.
"Wala kang pakialam," sabi niya.
“Ang prinsesa namin tila galit yata ngayon?” Tiningnan ko si Valentina
“f**k you.”
Hawak ni Valentina ang kamay ko at ‘di nagtagal ay nasa harap na kami ng apartment niya.
Pumasok kami at nakita ko na napakaliit na espasyo. Kwarto lang, kusina at banyo, organisado ang loob, pero napakaluma na ng mga gamit. Pero hindi ko na pinansin, baka sumama ang loob ni Valentina.
“Tingnan mo Anne, maliit ang bahay ko, pero naniniwala ako na mas maganda ito kaysa kalye,” sabi niya.
Isang bagay na napansin ko sa loob lamang ng ilang minutong kasama ko Valentina, lagi niyang sinasabi ang iniisip niya.
“Oo, mas maganda ito kaysa sa kalye.”
“Maligo ka, magluluto ako ng hapunan natin,” sabi niya sa magiliw na paraan.
“Wala akong tuwalya at wala rin akong…” Pinigilan ako ni Valentina
“Huwag kang mag-alala, mayroon ako ng lahat dito at sa bahay.”
Pumunta siya sa kwarto at kumuha ng bagong hygiene kit at tuwalya at ibinigay sa akin.
“Naroon ang banyo, magluluto ako ng burgers,” sabi niya
“Salamat!”
Pumasok ako sa banyo at nakita ko na napakaliit na espasyo, pero mas okay ito kaysa sa banyo sa mga gasolinahan. Naligo ako nang mabilis upang makatipid ng tubig at kuryente, hindi ko alam kung paano gumagana ang mga bagay bagay dito, at hindi ko gustong abusuhin.
Alam kong nagiging naive ako para pagkatiwalaan si Valentina nang gano'n lang, pero pakiramdam ko talaga kaibigan ko siya, isang bagay na hindi ako nagkaroon.
Lumabas ako ng banyo at nakita ko na nakatayo siya sa harap ng bintana habang naninigarilyo. Nakita ko siyang nakatingin sa malayo habang nakatingin sa mga kalye sa labas, lumapit ako sa kanya at napatingin sa akin si Valentina.
“Maganda ang lungsod sa panahong ito ng taon,” sabi niya.
“Oo, sa tingin ko,” ngumiti siya.
“Ngayon kumain ka na, sigurado akong gutom ka,” sabi ni Valentina at sumang-ayon ako.
“Oo nga.”
Naupo ako sa upuan at sinamahan ako ni Valentina. Masaya ang pagkain namin ng burger, isang hindi tipikal na pagkain ng Pinoy pero ayos na rin. At saka ako tiningnan ni Valentina.
“Ngayon ikwento mo sa akin ang kwento mo,” sabi niya.
“Hindi magandang kwento, medyo komplikado,” sagot ko.
“My love, walang kang ideya sa kwento ko, pero ikwento mo ang sa iyo. Bahay ko ito at kailangan kong malaman para sigurado akong hindi mo ako papatayin habang tulog ako.”
Hindi ko napigilang matawa, sumunod rin si Valentina.
“Papatayin talaga kita,” sabi ko. “Hindi, sasabihin ko sa 'yo ang kwento ko.”
Sinimulan ko ang pagkukuwento kay Valentina tungkol sa pagkabata ko, tungkol sa mga magulang ko, sa mga turo ng pamilya ko, iyong mga first time ko, si Joseph at ang unibersidad kung saan ako nag-drop out, at ang daan na, dinaanan ko para mabuhay.
Nakikinig si Valentina sa lahat at hindi niya ako ginugulo kahit anong sinabi ko, sa tingin ko kahang-hanga ang pagbibigay pansin niya sa lahat ng sinasabi ko. Pagkatapos kong magsalita ay nakita kong nakanganga ang bibig niya, tila nag-iisip siya kung ano ang sasabihin.
“Ang ibig mong sabihin nagawa iyon ng mga magulang mo?” tanong niya, hindi makapaniwala. “Sa anong klaseng mundo ba sila nabubuhay?”
“Iyon ang rules nila at sinira ko ang mga iyon,” sabi ko.
“Pagkatapos ay itinakwil ka ng magaling mong ama, hindi ka man lang hinayaan na makakuha ng trabaho o anumang bagay?” galit na tanong niya.
“Oo, ganoon nga…”
Binababa ko ang ulo ko at naisip ang kabaliwan na naranasan ko, naramdaman kong dumapo ang kamay ni Valentina sa ulo ko, at matamis ang tumingin siya sa akin. Hindi siya kamukha ng nagagalit na babaeng iyon na para bang ang lahat ng salita ay nasa dulo ng dila niya.
“Tingnan mo, hindi ako ang pinaka-the best na tao sa mundo. May mga araw ako ng krisis, pero kung gusto mong manatili dito sa bahay hanggang sa makabangon ka, makatitiyak ka na ayos lang sa akin,” sabi niya.
Napangiti ako at naniwala na sa sandaling iyon ay talagang nakahanap ako ng totoong kaibigan.
“Salamat Valentina, napakalaki ng puso mo,” sabi ko
“Wala akong puso, baby. Pero naniniwala ako na magkakasundo tayo nang maayos.”
Napangiti ako sa kanya.
Magkasama kami ng Pasko, kumanta kami ng mga Christmas carols. Hindi ako makapaniwala kay Valentina, binuksan niya ang pinto ng bahay niya na puno pagmamahal na hindi ko aakalaing kakayanin ko.
Lumipas ang mga araw at hindi ako makahanap ng trabaho, laging nangyayari ang mga interview. Humihingi sila ng recommendation or experience pero wala ako no'n. Nakita ko si Valentina na gumagawa ng paraan para tulungan ako.
Napapansin ko ang mga araw na umuuwi siya na pagod, ngunit hindi siya kailanman nagreklamo na naroon ako.
Isang araw nakita ko ang may-ari ng bahay na tinitirhan ni Valentina na dumating para mangolekta ng upa at sinabi niya na hindi naging maganda ang buong linggo niya pero maghahanap siya ng pera. Wow, nasaktan ako ng araw na iyon, nakita ko siyang naninigarilyo ng ilang beses at nag-iisip ng solusyon, pero hindi namin pinag-usapan na doon ako nakatira, o kung ano-ano pa. Nagpatuloy siya at araw-araw siyang dumarating na hindi inaalis ang ngiti sa mukha niya. Minsan naiisip ko kung mask lang ba ito o talagang gusto niya ang ginagawa niya?
Walang taong kasing positibo niya, sigurado ako.
Lumipas ang mga araw at nagsimula akong makaramdam ng mas masahol pa, dahil sa pamumuhay kong sinusuportahan ni Valentina. Hanggang sa isang araw ay nagpasya akong baliktarin ang buhay ko, hinintay ko siyang makauwi mula sa trabaho para makipag-usap.
Mayamaya pa ay dumating na si Valentina, sinabi kong gusto ko siyang kausapin pagkatapos kumain, pumayag naman siya.
Napansin ko na may hinala na siya, pero tiniyak kong ayos lang ang lahat.
Pagkatapos kumain ay naghugas kami ng pinggan at nagsimulang mag-usap.
“Valentina, gusto kong pasalamatan ka sa pagtulong mo sa akin, talagang nagpapasalamat ako sa tulong mo. Pero kailangan kitang tulungan sa anumang paraan, kaya nagpasiya akong maging call girl na katulad mo,” sabi ko.
Nakatingin sa akin si Valentina na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
“Nagbibiro ka ba?” tanong niya.
“Hindi.”
Tumayo siya mula sa upuan
“Holy crap! Hindi iyan ang buhay mo, Anne!” binago niya ang kanyang pananalita.
“Valentina, nakikita ko ang stress mo, alam ko na pinipilit ka ng may-ari ng apartment para sa bayad ng upa. At nag-aalala ka, kailangan kitang tulungan at hindi mo alam baka para sa akin talaga ang buhay na ito,” pakikiusap ko.
“Hindi Anne, pinalaki ka ng mga mayayaman. Nagmula ako sa buhay na 'to, hindi mo kaya,” sabi niya.
“Wala akong pakialam, Valentina, hindi ko hahayaan na patuloy kang mamroblema. Papasok ako sa buhay na ito gusto mo man o hindi, at ayusin natin ang mga bagay bagay.”
Hindi makapaniwala ang tingin niya sa akin.
“Sa palagay mo ba ay biro ito? Nakikipag-s*x sa kung sino-sinong lalaki? O kahit sa nightclub na pinagtatrabahuhan ko! Tinatrato nila kami ng parang kung sino lang! Anne, ginagamit kami sa sandaling iyon para sa ilang dolyar lang!” sabi niya.
Nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata, at nakikita kong ang kaibigan ko ay nasasaktan din. Hindi niya ipinapakita sa sinuman, ngunit nakikita ko ngayon na nasasaktan siya.
“Valentina, pasensya na,” sabi ko nang hindi nag-iisip.
Napabuntonghininga siya at nakita kong huminga siya ng malalim.
“Hindi kita dadalhin sa trabahong ito. Babae ka, isa lang ang naging karelasyon mo at…”
“Hindi ako gawa sa porselana at hindi ako masisira, Valentina!” malakas kong sinasabi. “Nagpapakamatay ka para patuloy na ayusin ang buhay ko. Malapit na tayong tumira sa kalye dahil sa pagtulong mo sa akin. Tinulungan mo ako nang husto. Hindi ako daddy's girl or anything, taga-kalye rin ako tulad mo, nasa parehong bangka ako Valentina. Pero nakaupo lang ako rito habang sinisira mo ang sarili mo at nagsasagwan ka mag-isa. At hindi makatarungan 'yon,” sabi ko. “Tapos na ang desisyon ko. Sasama ako sa 'yo.”
Nakatingin siya sa akin at humihingal, alam kong alam ni Valentina na hindi ako susuko.
“Okay!” Nagtaas siya ng mga kamay bilang pagsuko. “Gusto mo, okay! Maganda! Pero hindi kita dadalhin sa kalye, kundi sa nightclub, naniniwala ako na mas safe doon. Mapupunta ka sa isang lalaking may pera, at mas malinis kaysa sa mga nasa kalye,” sabi niya. “Hindi ka marunong sumayaw o kumanta, ‘di ba?” tanong niya.
“Hindi ko alam.”
Napabuntonghininga siya.
“Kaya alamin natin Anne, dahil kakailanganin iyon sa club. Pumupunta lang ako sa club kapag weekends, kaya kailangan nating matuto ng maraming bagay sa panahong iyon.”
Sa linggong iyon, si Valentina ay nagsikap na ihanda ako. Ang sabi niya, magiging mahirap ang gagawin namin. Pero sa nightclub, ang mga lalaki ay hindi kami pwedeng atakehin o pilitin. Nakinig ako sa lahat. Kahit na sabi niya kabaliwan daw ang ginagawa niyang ito. Kumapit ako sa laylayan niya, at itinuloy ko ang sarili kong tadhana. Hindi ko ini-expect na sa ginawa ko makukuha ko ang pinaka-greatest blessing at worst downfall ko. Hindi ko akalain na ang desisyon ko ay ang magiging katapusan at pag-uumpisa ng buhay ko. Prepared ako para sa lahat, pero hindi sa kung ano ang mangyayari.