KABANATA 4

2540 Words
Anne Moore Sa wakas, dumating ang araw na sumama ako kay Valentina sa nightclub kung saan siya nagtatrabaho bilang call girl. May mga araw na sobrang hirap ng training para makapasa sa hinihingi nilang requirements. Patuloy na sinasabi ni Valentina na hindi ako bagay para sa buhay na ito, pero sino nga ba? Sinong babae ang karapat-dapat na magkaroon ng ganitong buhay? Kailangan naming bayaran ang bahay na tinitirhan namin, sa kasamaang palad ang may-ari ay hindi nanggugulo, imbes patatalsikin na lang kami kahit na anong oras, kaya kailangan naming gumawa ng mabilis na aksyon at iyon ang ginagawa ko. Umalis kami ng bahay isang oras na mas maaga para makarating sa Quezon City, sumakay kami ng bus this time, kaya hindi na kami naglakad ng isa't kalahating oras. Nang nasa harap na kami ng nightclub ay nakita ko ang isang napakahabang pila ng mga lalaki at maging ng mga babae para lang makapasok. Ewan ko ba kung paanong ang isang lugar ay pinipilahan ng tao. “Dito Anne,” tinawag ako ni Valentina, dahil na-distract ako nang makita kong maraming tao. Pumasok kami sa likod ng club, at 'di nagtagal ay nakita ko ang ilang mga babae na naglalakad sa paligid ng lugar. Isinama ako ni Valentina at huminto kami sa harap ng isang lalaki na nasa edad 60 taong gulang. Tinitingnan niya ako na medyo nalilito. Ang lalaki ay mukhang isang pimp, siya ay naninigarilyo, may dilaw na ngiti na nagbigay sa akin ng goosebumps. “Bruce, kailangan niya ng trabaho.” Nagsalita si Valentina. Tinitigan niya ako mula taas pababa at ngumiti. Isinusumpa ko na natakot ako sa ngiti na iyon, pero nanatiling matatag ang aking pustura at hinintay ko na lang si Valentina na kausapin siya. “Ilang taon ang batang ito?” Nagtataka niyang tanong at hinawakan ang kanyang baba. “Hindi na siya bata, 19 na siya at kailangan niya ng lakas para mabuhay.” “At maging call girl?” tanong nito. “Bruce, ang mga babae kailangang bumangon. Hindi naman niya kailangang makipagsiping sa mga lalaki. Pwedeng bigyan mo siya ng space para sumayaw. Mabilis matuto si Anne at na-train ko na siya,” sabi ni Valentina at saka tumingin sa akin nang nagtataka. Lumapit siya sa akin at saka ngumiti, isang ngiting nakakatakot kaya wala sa sariling napaatras ako at huminto. Pagkatapos ay ngumiti siya na tila ba may bigla siyang naisip. Iyon ay kung good idea nga ba iyon. “Gusto mo bang subukan?” tanong nito. Tiningnan ako ni Valentina at saka bumuntonghininga. “Gusto ko,” sagot ko. Napailing si Valentina at mukhang negative ang ibig sabihin no’n. Nakita ko ang ngiti sa mukha ng matandang lalaki. “Sumama ka sa akin,” sagot nito at saka naglakad palayo. Sinama ako ni Valentina sa kung saan ang sinasabi ng lalaki at nakarating kami sa front stage. Nilingon ako ni Bruce. “Hindi ko alam kung kikita ka ba, pero binabalaan kita na komplikado ito. Kaya kung gusto mong maging call girl dito hindi ka obligadong gawin ang lahat. Hahayaan kitang sumayaw ng isang beses, pero kapag gumawa ka ng isang pagkakamali hindi kita bibigyan ng trabaho sa nightclub,” nagsalita siya nang mabilis at tapat. “May deal na ba tayo?” tanong nito. Napalunok ako nang marahas, pero pumayag ako. “Yes,” sagot ko. Pumunta si Valentina sa sound system at binuksan iyon, habang papunta ako sa stage, nakita kong may pole sa gitna. Pero hindi ko alam kung paano iyon gamitin. Kaya naman isang simpleng sayaw lang ang gagawin ko. Pinatugtog ni Valentina ang kantang itinuro niya sa akin, ang title ay Crazy In Love ni Beyoncé. Pumikit ako at humingi ng tulong sa langit na sana ako ang mapili. “Maaari ka ng magsimula, prinsesa,” sabi ni Bruce na nakaupo sa upuan sa harap ko. Nagsimula ang tugtog at nagsimula akong sumayaw. Nakapikit ako at naramdaman ko ang musika sa loob ko, tulad ng itinuro sa akin ni Valentina. Kaya ang ginawa ko, sumayaw ako na parang walang tao roon. Ako lang at ang tugtog at nang matapos ako ay tumayo si Bruce at umakyat sa stage, hinawakan niya ang baba ko at nakatingin sa mga mata kong sabing, “We have a golden goose,” sabi niya at saka ngumiti. “She is hired” Tumingin si Bruce kay Valentina. “Ayusin mo ang babaeng iyan, mukha siyang birhen sa mga damit niya, o baka nga.” Napatingin siya sa akin, na may nagtatanong na mukha. “Hindi, hindi na ako birhen,” sabi ko. “Mahusay!” Iniwan kami ni Bruce at umalis. “Halika Anne, ilang saglit na lang sisimulan na natin ang palabas.” Tumango ako at bumalik kami sa una naming pinuntahan. Mas marami akong nakitang babae na hindi ko mabilang at lahat sila ay nakatingin sa akin na may pagtataka. “Tumatanggap na sila ng bata ngayon?” Isang blonde na babae na itim ang mga mata ang nagsalita. “Naniniwala ako na it is none of your business, “di ba Scarlett?” bastos na sabi ni Valentina “At mayroon pa siyang protective mother,” sabi ulit ng babae. “Scarlett, why don’t you mind your own business? Naniniwala ako na maraming programming ang gagawin mo ngayon, kaya hindi ka magkaka-oras para malaman ang tungkol sa buhay ng ibang tao.” Isang blonde na babae na may light brown na mga mata ang nakipag-usap kay Scarlett. “Our! Hindi kayo marunong magbiro, pero okay lang ‘yon. Aalis na ako kasi malapit nang magsimula ang show at Valentina, dapat pinuna ni Bruce ang delay mo, pwede kang mag-set ng bad example sa mga newbies.” Itinapon ng babae ang sigarilyo at saka umalis kasama ang ibang babae. “Ugh, hindi ko talaga siya matiis!” nagsalita si Valentina nagsalita. “Salamat Madson!” “That’s it, pero ngayon sabihin mo sa akin kung bakit nag-hire ng bata si Bruce?” Masayang tanong niya at natawa si Valentina, wala akong magawa at natawa rin ako. “Masaya akong makilala ka, Madson.” Inabot niya ang kamay niya sa akin at hinawakan ko ito. “Nice to meet you, ako si Anne,” sabi ko. Ngumiti siya. “Kailangan niya ng pera at dahil wala kaming mahanap na trabaho o anumang bagay na makakatulong sa kanya para makanangon, alam mo na ang nangyari,” Ipinaliwanag ni Valentina. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Unang rule Anne, alamin mo kung paano tumugon sa mga tao. Pwedeng ikaw ay gifted o ikaw ay isang b***h, kailangan mong maunawaan na hindi mo pwedeng ibaba ang iyong ulo sa sinuman. Ang mundo natin ay kinakain nang buhay ng mga ahas tulad ni Scarlett. Kaya habang maaga matututuhan mo ito, mas mabuti.” Nagsalita si Madson at tumango si Valentina. “Tama Anne, hindi ka pwedeng matakot sa sinuman. Pwedeng matuto kang gamitin ang iyong mga kuko, girl, o hindi ka magtatagal ng isang linggo dito.” Valentina speaks. “Okay, kakaiba ang lahat para sa akin, pero matututo ako,” sagot ko. “Perfect, ngayon let’s rock!” bulalas ni Valentina. “Umupo ka rito girl, alisin natin ang pagiging bata sa mukha mo.” Umupo ako sa upuan at silang dalawa ay nagsimula nang ihanda ako. Ni-loosen nila ang buhok ko at ginawa itong voluminous tone. Pagkatapos ibinigay nila sa akin ng isang napakaikling itim na sequin dress. Very sensual with a straight neckline sa may dibdib at isang deep back with heels. Gisele style needle ito at may black high. Pumunta ako sa banyo at nagsuot ng damit, pagkatapos ay tumingin ako sa salamin. Naka-makeup at nakabihis ako na parang call girl. Hindi ko halos nakikilala ang sarili kong itsura. Pero ito ang pinili ko at kailangan kong mabuhay nang ganito. Sisimulan ko na ang pagsasayaw, pero si Valentina mismo ang nagsabi na ang kumikita lang ay iyong may mga kliyente sa gabi, at naniniwala ako na may punto siya at hindi ko maikakaila iyon. Lumabas ako ng banyo na nakabihis at tumingin sa akin sina Valentina at Madson at pareho silang ngumiti. “Maganda si Anne, mukha na siyang tunay na babae,” sabi ni Madson “Sigurado ka ba Anne?” Sinikap muli ni Valentina na baguhin ang aking isip, pero hindi na iyon posible. “Oo, sigurado ako.” “Kaya let's rock girl!” sabi ni Madson. Alas-tres na kami lumabas ng dressing room at nakita ko ang ibang babae na nakatingin sa akin, na-realize ko na ayaw nila sa akin. “Kung magpapakita ka ng takot, lalamunin ka ng mga ahas sa loob ng isang linggo.” Nagsalita si Valentina sa aking tainga Tiningnan ko siya at naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. “Sige, magsimula na tayo,” sagot ko. May mga nakikita kaming kausap ni Bruce tapos pupunta siya sa stage. Puno ang lugar, pagpasok ko rito, lahat ay nasa labas. At ngayon, lahat nasa loob na sila. Nakita ko ang ilang mga babae na nakaupo sa kandungan ng mga lalaki, napansin ko na ang ilan ay tumitingin sa akin kaya nagpanggap ako para mapanatili ang isang matatag na pustura tulad ng sinabi sa akin ni Valentina. “Good evening gentleman!” Bruce begins a short speech. “The house is officialy open na at magsisimula na tayo sa kaunting show ng mga best girls natin para sa inyo. Ngayon ay may special presentation tayo, sabihin nating isang siyang babaeng worth weight in gold. Isang perfection, ipinanganak ang babae para sumayaw, sigurado ako kapag nakatayo na siya sa stage na ito malalaman n'yo kung sino ang tinutukoy ko.” Bruce speaks. “Simulan na natin ang show girls!” Binigyan ako ni Valentina ng thumbs up para umakyat ako sa stage kasama ang lahat. Nagsayaw kami noong gabing iyon, as in the following days, pero gaya ng inaasahan ko na, hindi sapat ang pera para sa pagsasayaw at ngayon ay may 2 araw na lang kami para umalis sa apartment ni Valentina. Kaya ngayong gabi hindi lang ako sasayaw kundi ibibigay ko ang sarili ko sa isang random na lalaki. Dumating kami sa club at hinihintay na kami ni Madson para maghanda. “Girls, huli na naman kayo!” sabi niya. “Dumating kaming handa na para sa palabas,” sabi ni Valentina at naglakad. Kami ay nakasuot ng isang napakaikling damit na pulang satin at may suot na navy blue stiletto heels. Ngumiti si Madson sa amin, at nag-retouch na lang kami ng makeup. Dumating kami sa main room ng club at pumasok ako para kausapin si Bruce. “Bruce, kailangan kitang kausapin,” sabi ko “Anong gusto mo?” tanong niya. “Kailangan ko ng mas malaking pera, ang kinikita ko ay hindi sapat para magpatuloy,” sabi ko. Nakakaramdam ako ng higpit sa aking puso, ngunit wala akong ibang pagpipilian sa sandaling ito. “Sigurado ka ba, Anne? Hindi ka na makakaatras pa,” sabi niya, hindi si Bruce iyong may tinitingnanng first-class. During the days here, nakita ko na medyo iba siya. “Oo sigurado ako.” Sumagot ako nang hindi nag-iisip. “May ilang kliyente na gusto kang kunin, pero dahil pagsasayaw ka lang, hindi ko sila pinagbibigyan. Ngayon ay papayagan ko na silang lahat,” sabi niya at nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Ngayon, kikita na ako sa iyo babae.” Ani Bruce at saka umalis. Sinalubong ako nina Valentina at Madson. “Sigurado ka ba Anne?” tanong ni Valentina. “Alam mo,” sabi ko. “Nakasakay na ako rito, tingnan mo ang damit ko at ang pananamit mo Valentina. Ngayon ay lalampasan ko na lang ang isang hakbang at bak mahirapan ako, pero masasanay rin ako. Masasabi ko na kung saan ako nanggaling, at kung nasaan na ako ngayon… kailangan kong kumita,” sabi ko. Ngumiti si Valentina at sumang-ayon si Madson. “Si Anne talaga madalas dumaan sa daan na wala ng babalikan. Pero narito kami para suportahan ka, lalo na dahil lahat tayo ay pare-pareho lang naman,” sabi ni Madson at napangiti ako. “Nasa tamang edad ka na Anne, kaya kung gusto mo ito, tara na,” dagdag ni Valentina. Umakyat kami sa stage at nagsimula nang tumugtog ang musika, ngayon alam kong magiging iba na ang araw, pero makakayanan ko. Nagsimula kaming sumayaw at habang tumutugtog ang musika, pumapasok ito sa aking kaluluwa at umiindayog ako sa ritmo nito. Lagi akong sumasayaw habang nakapikit, ngunit ngayon, sa isang segundo pa lang ay binuksan ko na ang aking mga mata at tumama iyon sa pares ng asul na mga mata. Iyon na ata ang pinakamagandang matang nakita ko sa balat ng lupa. Habang tinitingnan niya ako at may nararamdaman akong kakaiba. Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag, pero parang may mabuti at masamang pakiramdam na pumasok sa loob ng aking katawan. Naligaw ako, hindi ko sinasadyang hawakan ang aking katawan na nakatutok sa kanyang malamig na nagyeyelong titig. Nang mapagtanto ko na parang kami lang ang nasa loob ng lugar na ito, na-realize kong ito ang unang pagkakataon na nakita ko sita rito. Well, baka hindi ko napansin. Pero, hindi ko mapigilan ang pagtingin sa kanya. Sa tuwing lumiliko ako ay tinitingnan ko siyang muli. Nagtapos ako sa pagbibigay ng isang maliit na ngiti at siya ay tumayo. Nakita ko siyang papunta kay Bruce at pagkatapos noon ay pumasok siya sa isang corridor. Nagtapos ang kanta at bumaba na ako ng hagdan. Pati na rin ang mga babae mula sa entablado dahil ibang mga kababaihan naman ang sasayaw ngayon. “Si Anne ngayon ang may lucky day! Mayroon na siyang unang kliyente at ang pinaka-best pa!” Masayang sabi ni Bruce sa akin. “Sana huwag mong itapon ang pagkakataong ibinibigay ko sa iyo na kumita ng mas malaki.” Binalaan niya ako. “Hindi ko gagawin,” sagot ko. “Mahusay, ngayon pumunta ka sa dressing room at maligo, mayroon kang limang minuto. Hindi gusto ng mga kliyente na maghintay o makipag-s*x sa mga babaeng pawisan,” sabi niya at umalis “Alam mo na ito ay landas na walang babalikan,” sabi ni Madson. “Alam ko, ngayon ay makikipagkita ako sa una kong kliyente.” Mabilis akong naghanda at pumunta sa room na itinuro sa akin ni Bruce, pagkarating ko sa room ay kumatok ako sa pinto. Pero walang sumasagot, kaya nagdesisyon akong buksan ito, pagbukas ko, naroon iyong lalaking nanunuod sa akin habang sumasayaw. Iyong may malamig na mga matang kulay asul na tinitingnan ako. Tila napako ako sa pintuan hanggang sa magsalita siya. “Sana alam mo kung paano magbigay ng kasiyahan, dahil iyon ang dahilan kung bakit narito ka. To f*ck me hard at hindi para tingnan ako na parang isang idiot na nakatayo sa harap ng pinto. Gawin mo ng maayos ang role mo bilang prostitute, kung hindi, magrereklamo ako sa boss mo at wala akong babayaran sa isang babaeng hindi kaakit-akit. Hindi ako mahilig maghintay!” Nagsalita siya sa makapal at nakakatakot. Sa sandaling iyon naramdaman kong ang paghagod ng kaba sa aking katawan. Dahil sa bastos na paraan niya ng pananalita, ngunit pakiramdam ko hindi na ito mababawi. At mangyayari ito ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD