Kieyrstine Lee's POV
Pabagsak akong humiga sa kama at napatitig sa kisame. Napangiti nalang ako bigla nang maalala ang nangyari kanina sa presinto.
"Nagsisinungaling po siya… " hinihingal kong sabi nang makarating sa police station.
Napalingon sa akin ang lahat kabilang na 'yong babaeng manlokoko na ngayo'y kinakausap pa rin ng mga pulis dahil sa walang tigil na pag-iyak.
"Siya po ang nagpakidnap sa bata. Manloloko po siya." Dagdag ko pa sabay turo doon sa babae na napatayo pa sa gulat. Well, kanina ko lang nalaman na bata pala ang kinidnap at hindi aso. Eh, malay ko bang tao 'yong tinutukoy niya? Wala naman siyang binanggit tch!
"A-ano bang pinagsasabi mo? A-anong ako? P-paano ko 'yon gagawin?" Sunod-sunod na tanong no'ng babae at mukhang kulang na lang ay lapitan niya ako at sabunutan.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mag pulis sa amin no'ng babaeng manloloko. Ang galing ngang magpanggap, tsk.
"Maniwala po kayo. Siya ang nagpakidnap sa bata dahil gusto niyang humingi ng ransom mula sa mga magulang nito. At naging kasabwat niya pa si kuyang guard." sabi ko at sinamaan ng tingin 'yong babae. Napanganga siya sa gulat dahil hindi niya yata inaasahan na mabubuking siya ngayon.
"N-nababaliw ka na ba? S-saan mo nakuha 'yang mga pinagsasabi mo ha?!" Sigaw niya sa akin.
"Saan pa ba?" Sabi ko sabay ngisi ng nakakainsulto. "Kuya guard.. Pasok!" sabi ko at napalingon naman ang lahat sa pinto. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata no'ng manlolokong babae, gusto kong mangiti pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil kailangan kong magseryoso. Kunyari, seryoso ako.
"A-ako po 'yong inutusan niyang kidnapin ang bata." Nakayukong sabi ni Kuyang Guard. "W-Wala po talagang van na kumuha." dagdag niya pa.
"Hayop ka! Anong pinagsasabi mo? A-anong kasabwat eh hindi nga kita kaano-ano!" Nagsimula nang magwala si Ateng manloloko. Ngunit hinawakan na siya ng mga pulis.
"Babayaran niya lang daw po ako pag natagumpay iyong plano namin na kidnapin ang bata at humingi ng pera sa mga magulang nito." nakayukong sabi ni Kuyang Guard.
"Hindi 'yan totoo!" Sigaw ni ateng manloloko na halatang OA na masyado. "Huwag kayong maniwala dyan!" Psh---
"Kieyrstine, anak.." Nabalik ako sa ulirat at agad na napatayo mula sa pagkakahiga nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa mula roon sina Mom at Dad.
Nataranta ako at nagsimula nang makaramdam ng matinding kaba.
"Mom, D-Dad." Usal ko at pilit na ngumiti upang tanggalin ang kaba. Lumapit ako sa kanila para magmano at magbeso. Kakarating lang siguro nila galing sa trabaho at pakiramdam ko dahil ito sa ginawa ko kanina kaya pinuntahan nila ako rito sa kwarto.
Napalunok nalang ako nang makita ko ang seryosong mukha ni Dad. "I heard what you've did earlier." sabi ni Mom. Patay na talaga ako neto. Huhuhu! Dapat kasi 'di na ako nakialam. Kung anu-ano pa kasi ang pumasok sa utak ko. Aish!
"S-sorry po kung nakialam ako. G-gusto ko lang naman pong---"
"You did a great job, baby." Nakangiting sabi ni Mom at natigilan naman agad ako.
Wait. What?
Taka kong tinapunan ng tingin si Mom pero ang laki-laki ng ngiti niya sa akin. Hindi sila galit? Gusto kong mangiti sa saya ng nararamdaman pero agad ding natigilan nang makita ang seryosong mukha ni Dad.
"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo, Kieyrstine." Nanlaki ang mata ko nang tumama ang titig niya sa akin.
"George! Akala ko ba napag-usapan na natin ito?" Sita ni Mom kay Dad. Agad ko namang pinigilan si Mom. Dahil baka ako na naman ang maging dahilan ng kanilang pag-aaway.
"Mom, it's okay. Tama naman si Dad. Wala ako sa posisyon na makialam sa kasong iyon." sabi ko nalang para hindi na lumaki pa ang gulo. Dapat 'di na ako nag expect na magugustuhan ni Dad ang ginawa ko.
"But what you did is right. Sinabi mo kung ano 'yong tama, ginawa mo kung ano ang tama and there's nothing wrong with that." sabi ni Mom sa akin at parang naiiyak naman ako.
"But it's none of her business, Natasha!" Iniwas ko ang tingin ko kay Dad dahil sa kahihiyang nararamdaman.
"D-Dad, A-alam ko pong mali ako. Sorry po, hindi na mauulit, p-pangako." Hindi ako sinagot ni Dad sa halip ay agad siyang nagtungo palabas ng kwarto.
Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.
"Kieyrstine, anak..." nag-aalalang sabi ni Mom at niyakap ako. Pinahiran ko kaagad ang mga luha sa pisngi ko. "Pagpasensyahan mo na ang Daddy mo. Marami lang siyang iniisip. Don't worry I'll talk to him about this." hinaplos niya ang buhok ko saka hinalikan sa noo.
"It's okay, Mom. Naiintindihan ko si Dad. T-tsaka tama naman kasi siya, hindi ko 'yon trabaho. Wala akong karapatan na makialam." nakayuko kong sabi. Hinawakan ni Mom ang magkabilang pisngi ko saka pinahiran ang mga luhang patuloy parin na umaagos mula sa mata ko.
"Shh.. . Tahan na." Sabi niya at niyakap muli ako nang mahigpit.
Between Mom and Dad, kay Mom lang talaga malapit ang loob ko. Natatakot ako kay Dad, lagi nalang siyang seryoso at lagi nalang ayaw niya sa mga desisyon at gusto ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya sa akin. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sa kaniya para tratuhin niya ako ng ganito.
"Anyway, I have a good news for you." Biglang sabi ni Mom kaya napabitaw agad ako sa yakap niya. Tinignan ko ang kamay niya pero wala naman akong nakitang dyaryo na hawak niya.
"Eh? Nasaan po?" Tanong ko at natawa lang siya.
"Inspector Will, heard about what you did." nakangiti niyang sabi at mabilis naman na nanlaki ang mata ko.
"P-po?" hindi makapaniwalang usal ko. Shocks! Nakakahiya! Para akong timang doon sa presinto kanina.
"Waaaa Mom! Paano niya narinig? Eh noong sinabi ko iyon wala naman siya doon eh."
"Hahaha! 'Yung mga pulis ang nagsabi no'n sa kaniya. Tuwang-tuwa sila sa'yo."
Lintek! Ang chika talaga ng mga pulis na 'yon. Bakit ichinika pa nila kay Inspector Will? Naman eh huhuhu!
"And he's offering you to have a training as a DC on their team." nakangiting dagdag na naman ni Mom.
"D-Detective Constable?" Pasigaw kong sabi at tumango naman siya. "Waaaaa Mom! Totoo po?! Gusto ko po 'yon Mom! Magiging detective na ba ako?" Napatalon-talon pa ako sa tuwang naramdaman. "P-pero Mom. P-paano si Dad?" Nalungkot ako bigla sa naisip. "B-baka ayaw niya po. Baka 'di siya pumayag. Baka pagalitan lang ako. Baka-- baka-- baka is cow."
"Don't worry, I'll talk to him. Payag man siya o hindi, it's still your decision. Gawin mo kung ano'ng gusto mo. Gawin mo kung saan ka masaya. I'm here to support you... always." Sabi ni Mom at muli akong niyakap ng mahigpit.
Kinabukasan ay late na akong pumasok ng school. Eh, kasi naman 'di ako nakatulog agad kagabi. Paano ang saya-saya ko kasi uwu! Di ko akalain na ganito kabilis mangyayari yo'ng pinapangarap ko. Akala ko hindi ko na talaga maaabot ang pagiging detective lalo pa't lagi akong bagsak. Pasang-awa na nga lang lahat ng grades ko, eh.
"Good morning, Ma'am!" nagulat ako nang batiin ako bigla ni Kuyang Janitor.
"Oi! Good morning, Kuya." Ewan, pero malapit talaga ako sa mga maintenance at guard dito sa school. Sila kasi 'yong mga approachable kahit minsan plastic kung ngumiti at bumati. "Ay teka--" sabi ko bigla nang may maalala. Agad kong dinukot sa bag ko ang isang tupperware. "Dahil good mood ako, ibibigay ko 'to sa'yo." Sabi ko at ibinigay sa kaniya 'yong leche flan na inihanda ko kaninang madaling araw. Bukod sa matagal akong natulog, maaga naman akong gumising. Bale nag prepare ako ng tatlong box ng leche flan. Isa kay Sheena at dalawa sakin syempre pero dahil mabait si Kuyang Janitor ngayon, sa kaniya nalang 'yong isa.
"Wow! Salamat dito Ma'am! Sana good mood kayo araw-araw!" Sabi niya sa akin.
"Hindi naman na yata tama iyon kuya, abuso ka na." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
"Hahaha joke lang po Ma'am. Pero Ma'am, late na kayo ah? Alas nuebe na." Sabi niya sa akin sabay tingin pa sa relo niya.
"Oo nga eh. Antagal ko kasing nagising. Pagkatapos kong maghanda niyan nakatulog ako ulit." sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Eh, bakit di po kayo nagmamadali? Kalmang-kalma lang kayo ah? Chillax…" namamanghang sabi niya sa akin at pinasidhan pa ang kabuuan ko.
"Syempre naman, kuya. Kahit naman magmadali ako late parin naman ako. Useless parin." sabi ko sa kaniya at natigilan naman siya.
"Oo nga no? Sa susunod na male-late ako, 'di na rin po ako magmamadali! Salamat sa advice Ma'am!" Sabi niya at sumaludo pa sa akin kaya sinaluduhan ko rin soya pabalik.
"No problem kuya. Babye!" sabi at agad nang umalis.
Muli na akong nagtungo papunta sa classroom. Tahimik na ang hallway kasi nasa kaniya-kaniyang classroom na ang lahat, samantalang ako heto papasok pa lang.
"DNA is material that governs inheritance of eye color, hair color, stature, bone density and many other human and animal traits…" Shet! Si Ms.DNA pala guro namin ngayong oras na 'to.
Araw araw kasi ay iba-iba ang oras ng mga subject namin. Ewan ko lang ba't ganiyan kagulo' yong sched nila. Pero pakening shet! Ako na naman pagbubuntunan ng galit ng matandang ulupong na 'to.
Naisip kong sa likod na pinto nalang dumaan para hindi niya ako mapansin. Bale dalawa kasi ang pinto ng classroom dito sa amin. Isa na derecho sa harap tas iyong isa sa likod. Entrance at exit kunyare.
Agad akong gumapang ng mabilis papunta sa upuan ko nang biglang may kumalampag sa likod ko. Napatayo ako sa gulat. "Sinong nambato sa akin ng eraser?!" Inis kong sabi sa mga kaklase kong nakatingin na sa akin.
Umugong bigla ang malakas nilang tawanan. Aba't pinagtawanan pa ako ng mga walangya. "Ahh-- walang aamin ha!" Sabi ko at pinulot 'yong eraser sa sahig.
"Ako." Nanlaki ang mata ko nang magsalita bigla si DNA sa harap at naglakad papalapit sa akin. Sunod-sunod naman akong napalunok. Jusko.
"A-ahh hehehe k-kayo pala DNA este Miss Merlinda." Sabi ko at nagpeace sign pa sa kaniya. Inunat ko ang kamay ko at inabot sa kaniya 'yong eraser niya pero tinignan niya lang ito na may nakataas na kilay.
"A-Ang ganda naman nitong eraser ninyo Maam hehehe. Kakabili lang ba nito? Sakto bibili din sana ako. Saan n'yo ba nabili?"
"Get out!" Sigaw niya at halos malanghap ko ang hininga niya sa ginawa niya.
"Eh Ma'am, kakapasok ko lang eh…" nakanguso kong sabi.
"I said, get out!" sigaw na naman niya at tinakpan ko na talaga ang ilong ko dahil sa masansang at nakakalasong amoy.
"Ma'am naman--" reklamo ko habang nakatakip pa sa ilong.
"Lalabas ka o drop out ka sa subject ko?" sabi niya at nanlaki naman agad ang mata ko.
"Sabi ko nga po lalabas nalang." Nakanguso kong sabi. "Eh itong eraser, hindi mo ba--"
"Sabi ko, LABAS!" Sigaw niya ulit at tinalsikan pa ako ng laway.
"Okay fine! 'Di kailangang sumigaw!" Inis kong sabi sabay punas sa mukha ko ng panyo.
Isasauli ko lang naman 'yong eraser niya eh. Kung ayaw n'ya edi wag! 'Di kailangang manalsik ng laway!
Naghanap nalang ako ng mauupuan sa gilid ng hallway para doon maghintay na matapos ang oras ng matandang ulupong na 'yon.
Muli kong kinuha ang panyo ko sa bulsa. Nag spray ako ng alcohol at uminom ng vitamin C. Charrot.
"Eh Ma'am-- naghanap lang naman po ako sa google eh tsaka may mga binago naman ako. Di ko naman kinopya lahat." Dinig kong sabi ng isang lalaki sa kabilang classroom. Classroom na katabi ng classroom namin.
"Kahit na, maaari parin iyong tawaging plagiarism, Vincent." Sagot no'ng prof nila.
Hayss… Sana lahat ng guro katulad niya. Di katulad ni DNA na ang bilis ma high blood kala naman niya kinaganda niya.
"'Pag hindi galing sa iyo ang isang ideya, kahit may idinagdag ka man, pag-aangkin parin iyon. You should put credits to the owner. Pwede kang makasuhan sa bagay na iyan."
'Pag hindi galing sa iyo ang isang ideya, kahit may idinagdag ka man, pag-aangkin parin iyon.'
Biglang pumasok sa isip ko 'yong lalaking nakausap ko kahapon.
'Tss liar'
'Siya ang nagpakidnap sa alaga niya.'
'Nagsisinungaling po siya..'
'Siya po ang nagpakidnap sa bata'
'Inspector Will heard about what you did.'
'And he's offering you to have a training as a DC on their team.'
P-pag-angkin? Pag angkin ba 'yong ginawa ko?
"WOI!"
"Ay kabayong Sheena!" Gulat kong usal at inis na tinapunan ng tingin si Sheena na kakarating lang. Nakasimangot naman agad siyang umupo sa tabi ko.
"Grabe ka namang gaga ka! Hahaha sapakin kita eh!" Sabi niya at inakmaan ako ng suntok. "Ba't ba ang tahimik mo tsaka ang lalim ng iniisip mo ah? 'Di ko masisid." Sabi niya at tumawa na naman.
Tinignan ko siya at pinagkunutan ng noo. "Paano 'yon nasisisid?" Tanong ko at nakatanggap naman agad ako ng batok mula sa kaniya.
"Sige mambatok ka pa!" Inis kong singhal at inirapan siya. Bwisit! Nagtatanong ka nang maayos tas babatukan ka bigla. Matinong tao ba gagawa no'n ah? Sabagay 'di naman pala tao 'tong si Sheena. Iintindihin kp nalang. Tch! Pasalamat siya animal lover ako.
"Ano ngang iniisip mo?" tanong niya ulit sabay kuha sa chichirya na hawak ko.
"Sheena..." Sabi ko at hinarap siya na may naluluhang mata. "May inangkin kasi ako." ngumuso ako sa harap niya. Bigla namang nagbago ang timpla ng mukha niya.
"Hoi babae! Angkinin mo na ang lahat wag lang ang Benedict ko--- " agad ko siyang bintukan sa sinabi niya.
"Gaga ka! Anong Benedict pinagsasabi mo?! Unang-una hindi ko aagawin sa'yo 'yong unggoy na 'yon. Walang may gusto doon, ikaw lang." inis kong singhal sa kaniya. Pag kausap ko itong si Sheena, wala sigurong araw na hindi ako naiinis sa babaeng ito. Napakagaling manira ng mood.
"Eh kasi naman nakakabigla 'yong sinabi mo. Sino ba kasing inangkin mo?" Tanong niya sabay inom na naman sa juice ko.
Ikinuwento ko sa kaniya 'yong nangyari kahapon. Mula doon sa kidnapan na nangyari, doon sa lalake, doon sa inamin ko sa police station at doon sa offer ni Inspector Will.
"Oh? Wala namang masama dun eh. Tama naman talaga 'yong ginawa mo. Anong pag-aangkin do'n? Tss." nakangiwi niyang sabi sa akin.
"Eh kasi hindi nga sa akin galing ang ideyang yo'n. Hindi ako ang nakapansin no'n na 'yong yaya pala talaga 'yong kidnapper. Wala nga akong alam doon eh kasi bobo ako." nakanguso kong sabi sa kaniya at dumukot sa chichirya ko pero napansin kong wala na itong laman kaya inis ko itong itinapon sa mukha niya. Leche.
"Hay, Kieyrstine. Wala kang inaangkin. Ginawa mo 'yong tama. Isinumbong at inamin mo 'yong bagay na nalalaman mo. Hindi naman pag-aangkin 'yon gaga ka! Parang tumulong ka lang sa kaso ganoon." sabi niya sa akin.
"Eh kasi naman Sheena eh. Yung offer kasi ni Inspector Will. Akala niya kasi, ako talaga 'yong nakabisto no'ng ginawang panloloko no'ng babae. Pero hindi naman… Ano nang gagawin ko?!" Naiiyak kong sabi sa kaniya.
"Oh? Edi tanggihan mo. 'Yan lang naman pala problema mo, pinapalaki mo pa. Tsk!" Sabi niya sa akin at inirapan ako.
"Eh yung offer kasi, sayang naman. Alam mo namang pangarap ko talaga maging detective diba? Tapos ito na nga, dumating na. Paano ko pa tatanggihan ha?!" Naiiyak kong sabi at niyugyog siya sa balikat.
"Kieyrstine, minsan kasi kailangan gamitin ang isip, kung meron ka no'n.. Sige ilagay natin na tatanggapin mo 'yong offer. Ang tanong, kaya mo ba? Hindi ka ba mapapahiya lang 'pag nagtrabaho ka na bilang detective? Kasi ikaw na nga nagsabi na bobo ka este-- na wala kang alam at hindi galing sa iyo 'yong ideya na sinabi mo sa mga police kahapon." pagpapaliwanag niya.
"Tatanggihan ko ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Ikaw mag desisyon niyan. Kung sa tingin mo kaya mo. Edi tumuloy ka, sayang naman kasi talaga eh."
"Waaa mas lalo mo lang pinapagulo eh." sinamaan ko siya ng tingin. Sarap iumpog sa mesa ng babaeng ito. Grr!
"Hay Kieyrstine, basta kung alam mong kaya mo, then go. Pag hindi, let go! Parang pag-ibig lang kasi 'yan. Pag 'di mo kayang masaktan, wag mong subukan. Pero kung sa tingin mo naman may lakas ka para tanggapin lahat ng sakit na pagdadaanan mo, edi gora, di baleng masaktan basta may jowa--- aray naman gaga ka! Tinutulungan ka na nga nambabatok ka pa!" singhal niya sa akin at agad na hinimas ang parteng binatukan ko.
"Tch! Pasasalamat ko 'yon, gaga ka rin." natatawa kong sabi
"So, kailangan kong i-appreciate 'yon ha?" Inis niya ring singhal pabalik.
Nagtawanan nalang kami pero ang totoo, gulong-gulo na talaga ako. Aish! Ang hirap magdesisyon.
"G-good evening po, Inspector Will." Sabi ko nang makapasok sa loob ng departamento.
Yumuko ako sa harap niya bilang paggalang.
Napalingon rin sa akin 'yong nga detective sa loob kaya nag bow rin ako at ngumiti sa kanila na nginitian din naman nila pabalik.
"Ikaw 'yong anak nina Natasha at George, 'di ba?" natutuwang tanong niya at tumango naman agad ako. Pinaupo niya ako sa upuan na nasa tapat niya saka nakangiti na akong hinarap. Kita sa mukha niya ang tuwa sa mukha niya dahil nanliliit ang kaniyang mga mata at panay ang ngiti nito.
"Nagpunta po ako rito, Inspector dahil doon sa offer ninyo sa akin." Sabi ko at pilit na ngumiti pero sa loob-loob ko ay parang nag aaway na ang small at large intestine ko.
"Oo, naaalala ko." sabi niya sa akin at tumawa na naman. Napakamasiyahin naman ni Inspector. Hindi halata sa itsura niya na ganito pala ang ugali niya. Akala ko kasi seryoso siya at strikto. "Ikaw ang kauna-unahang babae sa constable team kung sakaling papayag ka sa offer ko." Sabi niya sa akin. "Tinatanggap mo ba ang alok ko?" nakangiti parin nitong tanong.
Napalingon na naman sa akin yung mga detectives kaya nailang ako at nag-iwas ng tingin. Ito na ang pagkakataon ko para matupad ang pangarap kong maging isang detective.
Pero--
"Pasensya na po Inspector pero, tinatanggihan ko po ang alok ninyo." Sabi ko.