Kieyrstine Lee's POV
Mabigat sa loob kong tanggihan ang alok na iyon ni Inspector Will. Napakagandang opportunity na kasi no'n para sa akin kaso ayoko namang magsinungaling. Ayokong magkunwaring marunong at magaling.
Katulad nga ng sabi ni Sheena, dapat gawin ko 'yong alam kong tama at kaya ko. Tsaka sigurado na rin naman ako sa desisyon kong iyon kahit nakakapanghinayang din. 'Tsaka alam ko naman sa sarili kong hindi ako kailanman magiging katulad nina Mom at Dad, lalo na ni Kuya Alter. Kasi bobo ako, tanga at walang alam.
Napapikit nalang ako nang makaramdam ng matinding gutom. Agad akong napatingin sa relo ko [8:13 pm]
Gabing-gabi na pala.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para itext si Manang na sa labas nalang ko kakain. Baka kasi hinihintay ako no'n sa bahay. 'Di pa naman ako nakapagpaalam na dadaan ako sa presinto at matatagalan sa pag-uwi.
Pumasok agad ako sa isang maliit na restaurant na nakita ko di kalayuan sa police station.
"Good eve, Ma'am." Bati no'ng gwardiya at tinanguan ko lang siya. Kung nasa mood lang ako siguro nakipag-tarayan, barahan at biruan na ako sa kaniya kaso wala eh. Wala talaga ako sa mood.
Nakakapanghinayang kasi talaga 'yong offer huhuhu. Baka 'di na ako makatanggap ng ganoon habang buhay. Nakakainis naman kasi eh.
Marahan kong sinampal ang sarili ko na parang ginigising. Kalimutan mo na muna 'yon, Kieyrstine. Di bale, ayusin mo nalang pag-aaral mo at baka may isa 'pang pagkakataon sa susunod. Baka next offer sa akin ay superintendent na charrot lang.
Nang makaupo ay kinuha ko agad ang menu para tignan kung ano ang pwedeng kainin sa retaurant na ito. Gusto ko sana sea foods.
"Ito lang po, Ma'am?" Tanong no'ng waiter nang matapos kong ituro ang mga inorder kong pagkain.
"Pwede naman pong dagdagan ninyo.Basta kayo 'yong magbabayad." Sabi ko sa kaniya at agad naman siyang napakamot sa ulo niya. "Charrot lang. 'Yan lang po kuya, on diet ako eh."sabi ko sa kaniya at tatawa-tawa naman siyang umalis.
Agad naman akong napatingin sa matabang babae na nasa kabilang table nang bigla siyang sumigaw. Naalarma ang mga tao na kumakain dahil muntik pang gumuho ang gusali sa ginawa niyang pag-sigaw. Mabilis naman na lumapit sa kaniya ang isang waiter na halatang kinabahan sa nangyari.
"Gusto kong makita ang manager ninyo!" Sigaw nung babaeng balyena esta mataba sa waiter na nakayuko sa harap niya.
"T-tatawagin k-ko po Ma'am, t-teka lang." Natatarantang sabi nung waiter at nagmadaling umalis sa harap ni balyena.
Ano kayang nangyari?
Maya-maya lang ay may isang lalake na naka mint green na long sleeve ang lumapit kay ateng balyena. Sobrang pormal ng suot nito, parang principal sa kinder na kaka-retire lang.
"Ikaw ba ang manager?!" Sigaw na naman ni Ateng Balyena. Nasa kaniya na lahat ng atensyon ng mga tao dahil sa sigaw niyang konti nalang ay ikaguguho na ng buong restaurant.
"Ma'am, please calm down." mahinang usal no'ng lalake sa kaniya at pilit siya pinapaupo pero 'di keri dahil siguro sa bigat nito.
"Anong calm down! Paano ako ka-calm down ha? kung may nakain akong buhok sa sabaw ninyo? Sige sabihin mo?!" Sigaw niya at halos magwala na siya sa mesa niya.
"Tch! Kili-kili mo nga andaming buhok.." Bulong ko at nagulat naman ako nang bigla itong lumingon sa akin. Shete! Napalakas pala boses ko?
Nagkunware nalang akong inaayos 'yong mesa kasi baka ako pa 'yong pagbuntungan ng galit.
"Hindi po ako 'yong manager, Ma'am pero---" mahinahon paring sabi nung lalake sa kaniya.
"Hindi naman pala ikaw ang manager, eh, anong ginagawa mo rito?! Gusto kong makausap ang manager ninyo kung ayaw ninyong ipasara ko itong restaurant ninyo!" Sigaw na naman niya.
Aish! Nabubwisit ako sa balyenang 'to. Bakit ba siya sumisigaw?! Ang sakit sakit sa ulo ng boses niya grr!
"Ma'am pasensya na pero may sakit kasi 'yong manager. Ako po 'yong assistant manager. Mag-usap nalang po tayo ng maayos doon sa opisina." pagpapakalma no'ng assistant manager. Halatang nagpipigil lang ito ng galit sa balyenang nasa harap niya.
"HINDI! sa presinto tayo mag-usap!" Sigaw nung balyena at padabog na umalis.
Napahawak naman ang lahat ng tao sa mesa dahil sa yanig na dala ni balyena.Grabeh! Mas matindi pa 'yon kay Hulk.
"Maam ito na po 'yong order ninyo." Dumating bigla yung waiter na nakausap ko kanina at inilapag ang mga order ko sa mesa.
"Wala bang buhok 'yan?" Tanong ko at sabay nalang kaming natawa.
"Hahaha naku Ma'am wala 'yan. Tss, 'yong buhok kanina na pinagsasabi no'ng matabang 'yon ay galing naman 'yon sa kili-kili niya. Paano naman kasi magkakabuhok yung mga pagkain namin eh kalbo naman yung tagaluto namin."
"Hahahaha! Sabi ko na nga ba't sa kili-kili niya 'yon eh." Napailing nalang ako at natawa pa. "CR muna ako." sabi ko doon sa waiter na inaayos pa 'yong mga pagkain sa mesa ko. Tumango naman siya kaya agad na akong nagtungo sa rest room.
Pagkatapos magbawas ng maduming tubig sa katawan ay lumabas na ako ng CR para sana magtungo na pabalik nang makita ko sa isang sulok malapit sa restroom 'yong assistant manager.
"Bwisit! Mapapalpak 'yong plano eh. Dapat kanina pa 'yon ginawa kasi tulog na tulog pa si Ignacio. Kayo na muna ang bahala sa babaeng 'yon doon sa presinto!" Inis niyang sabi doon sa kausap at inis na pinatay 'yong telepono na halos mabasag na niya sa higpit ng pagkakahawak nito. Agad naman akong nagtago sa likod ng pader nang maglakad na siya papunta sa gawi ko at pumasok sa isang maliit na silid.
Kumunot ang noo ko nang may mahulog na puting tela sa sahig nang ilagay niya sa bulsa niya 'yong cellphone. "Sir teka--" tawag ko pero hindi na niya ako narinig dahil halatang nagmadali ito. Nahulog kasi yung panyo niya.
Pupulutin ko na sana 'yun nang mag ring yung cellphone ko sa bulsa ko. "Hello? Manang?" sagot ko sa tawag.
[Nasaan ka na bang bata ka? Kanina ka pa namin hinihintay. Yung mommy mo alalang alala na sa'yo..]
"Nag text naman po ako Manang diba? Nandito ako sa restaurant, kakain pa lamang." Sabi ko at napairap aa kawalan.
[Hindi ko natanggap 'yong mensahe mo. Sige sige sasabihin ko nalang sa mommy mo. Bilisan mo r'yan at gabing-gabi na. Mapano ka pa.]
"Opo manang. Salamat" sabi ko nalang. Ibinaba ko ang tawag saka pinulot yung panyo no'ng assistant manager sa sahig.
Pero nung iangat ko na 'yong tela ay nagulat ako nang mahulog mula rito ang isang maliit na pakete. May laman itong maliliit na gamot.
Shet! Kailangan kong isauli agad 'to.
Papasok na sana ako roon sa pintong pinasukan ni assistant manager nang may marinig akong sigawan sa loob ng restaurant. Agad akong tumakbo papunta doon para tignan kung ano ang nangyayari pero--
"Walang gagalaw!" Sigaw ng isang lalakeng nakatakip ng itim na bonet ang mukha at may hawak na baril. Itinutok niya ito sa babaeng waiter na hawak niya sa may leeg. Kitang-kita kung paanong natigilan sa pagpupumiglas yung babae matapos na tumama yung dulo ng baril sa ulo niya. Napaiyak sa takot at kaba yung babaeng waiter at hindi na sinubukan pang gumalaw. "Isang maling kilos n'yo lang ay pasasabugin ko ang bungo ng babaeng ito."
Nakita kong itinaas sa ere no'ng mga tao sa restaurant ang mga kamay nila kaya nakitaas narin ako. Jusko ano 'to? May hold-up-an na nangyayari?! Pero teka? Parang pamilyar ang boses nitong---
"Ikaw!" Nagulat ako nang ituro ako bigla no'ng lalaking may hawak na baril. Itinutok niya sa akin ang baril. Agad ko namang ibinaba ang kamay kong nakataas sa ere sabay iling ng sunod-sunod.
"Hindi ko po alam ang sagot!" Sabi ko agad sa kaniya. Humakbang ako palayo hanggang sa tumama 'yong likod ko sa malamig na pader. Shet! Jusko naman ako pa talaga ang natawag. Sa daming nakataas nang kamay bakit ako pa? Dapat gumawa siya ng pala bunutan eh. Ang unfair kaya! Porket ako 'yong malapit sa kaniya! Aish!
Nagulat ako nang biglang may ihagis 'yong hold uper sa akin na isang itim na bag, mabuti na lang at nasalo ko.
"Ay, taray may pa give aways…" Sabi ko habang nakatingin sa hawak kong bag.
"Kunin mo 'yong pera sa cashier." Sabi no'ng hold uper at gulat naman akong napatingin sa kaniya.
"H-ha? Bakit ko kukunin?!" Pasigaw kong tanong at nanlaki ang mata ko nang itutok na naman niya muli sa akin 'yong baril niya. Jusko naman! Ang highblood nito. Nagtatanong lang eh…
Kinakabahan man ay naglakad ako sa papalapit doon sa cashier area para sundin ang iniuutos niya bago pa ako humandusay sa sahig nang duguan. "Teka nga--" sabi ko bigla at huminto nang may maisip. Hinarap ko si kuyang hold-uper ng nakapamewang at nakataas ang kilay. "Sino ba sa atin ang nang ho-hold up ha?! Ikaw ang hold uper diba?! Oh edi ikaw ang kumuha nung pera! Idadamay mo pa ako!" Inis kong sabi sabay hagis ulit sa kaniya no'ng bag niya.
Napatalon ako sa gulat nang barilin niya bigla ang basong nasa gilid ko. Shete naman oh!
"Oo na, ako na. Kukunin na!" Napipilitan kong sabi at dali-daling pinulot sa sahig 'yong bag na inihagis ko sa kaniya.
"Bilisan mo!" utos na naman niya at napairap nalang ako.
"Oo nga teka! Ang demanding mo, jusko naman! Kalma lang… Makukuha mo rin lahat." Sobra-sobrang kaba naman ang naramdaman ko nang buksan ko na 'yong maliit na drawer sa cashier. Lintek naman oh. Para akong magnanakaw nito.
Pero kailangan kong ikalma ang sarili ko. Sabi kasi ni Mom sa akin 'pag nasa ganito akong sitwasyon ay kumalma lang ako at sundin ang iniuutos ng hold uper para hindi mapahamak.
Huhuhu! Sana naman may dumating na na police. Mom. Dad.. Huhuhu. Ang lapit-lapit lang ng police station eh. Bakit ang tagal nila?
Nang maisilid ko na 'yong mga pera na nasa drawer ay iniabot ko na ito sa hold uper.
Nang aabutin naman n'ya yo'ng bag mula sa akin-- "Ay teka!" sabi ko at muling binuksan 'yong bag.
"Anong ginagawa mo?!" Singhal no'ng hold uper sa akin at itinutok 'yong baril. Kumuha ako ng isang libo bago iniabot sa kaniya 'yong bag.
"Oh!" sabi ko sa kaniya at pahablot naman niyang kinuha 'yong bag. "Suhol mo ito sa akin. Inutusan mo ko eh! Alam mo na, wala nang libre ngayon." Sabi ko at isinilid sa bulsa 'yong pera.
Bumalik ako roon sa kinatatayuan ko kanina at hindi ko na talaga itinaas pa ang kamay ko. Lintek baka ako ulit ang matawag para utusan eh.
"Walang gagalaw sabi!" Sigaw niya at inis na tumingin sa akin nang akmang kakamutin ko 'yong kili-kili ko.
"Alam mo ang dami mong reklamo. Ikaw kaya kumamot!" inis kong sabi at isininghal pa papalapit sa kaniya 'yong kili-kili ko pero tinutukan na agad ako ng baril. Mang hohold-up na nga lang dami pang reklamo.
Patapon na ibinagsak ni kuyang hold uper si ateng waiter sa sahig at mabilis na tumakas.
Teka? Ba't sa CR siya dumaan?
Agad kong tinulungan si Ateng Waiter na umiiyak. Halatang takot na takot siya sa nangyari. 'Yong ibang tao naman dito sa restaurant ay saka lang ipinakita ang takot at humagulhol ng iyak no'ng makaalis na ang hold uper. Pati tuloy ako naiiyak na. Syempre, natakot din ako noh? Namimilosopo lang ako kanina pero nanginginig na kaya ang tuhod ko. Ikaw kaya tutukan ko ng baril. Psh!
"Ate tahan na.." Sabi ko doon sa ateng waiter at hinagod ang likod niya. Buti nalang at nakaalis na 'yong walangyang 'yon! Ako talaga unang gugulpi doon pag nahuli 'yon. Grr.
Maya maya ay nagsidatingan ang mga pulis.Sunod-sunod na irap naman ang nagawa ko dahil kahit pala sa realidad ay sobrang bagal nila rumesponde eh, iilang hakbang lang naman ang presinto mula rito. Nakakagigil lang, kung hindi ko lang sila hinahangaan siguro nakurot ko na sila sa singit isa-isa.
Pagkapasok sa loob no'ng mga police ay siya ring paglabas nung assistant manager mula sa kung saan na ipinagtaka ko naman.
Wait... Something fishy huh?
Agad na nilapitan ng mga police yong mga matatanda at buntis na nasama sa nangyaring krimen. Lumapit din sa amin ni Ateng waiter ang isang pulis at tinanong ang kalagayan namin.
Si Ateng Waiter ang ininterview muna ng mga police. Ako naman ay nakatitig lamg sa assistant manager na ngayon ay kausap rin ng mga police.
Hmm... Bakit kaya ngayon lang siya nagpakita kung kailan tapos na ang hold upan? Natakot kaya siya kaya hindi agad siya lumabas? O may iba pang dahilan?
Pumasok bigla sa isip ko 'yong panyo at gamot na napulot ko sa may CR kanina.
"Kuyang police. Maaari ko bang malaman kung anong gamot 'to?" Tanong ko sa isang police na wala namang ibang ginawa kundi ang umupo at pasimpleng kinakain ang mga order na nasa mesa.
"Sleeping pills po 'yan ma'am." Sagot niya sa akin at muling itinuloy ang pagkain. Sleeping pills? Teka? Ba't naman may sleeping pills yung assistant manager na 'yon sa trabaho?
Nagulat nalang ako nang may humablot bigla nung sleeping pills sa kamay ko. "Ikaw?!" Sigaw ko nang makita na naman 'yong lalake na kumausap sa akin no'ng may kidnap na nangyari sa school. 'Yung pakialamerong asungot. "Anong ginagawa mo rito?!" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin dahil nakatitig lang siya sa sleeping pills na hawak ko kanina na ngayin ay nasa kaniya na. "Akin na nga 'yan!" Inis kong sabi sabay hablot sa kaniya no' n.
"Ba't may ganiyan ka?" Tanong ni Pakialamero tinutukoy ang sleeping pills na hinablot ko mula sa kaniya.
"Hindi sakin 'to! Kay kuyang assistant manager 'to, nahulog niya kanina!" Sabi ko sabay nguso doon sa assistant manager na kunot-noo namang kausap ang mga pulis.
"Sir maaari ko ba kayong makausap?" Napalingon ako sa likod ko nang makita ang isang police na nilapitan ang isang matandang lalake na kalalabas lang din sa isang maliit na pinto sa gilid ng restaurant. Nakasuot ito ng pormal na kulay dilaw na polo at itim na necktie.
"Hindi ko talaga alam ang nangyari, sir. Pasensya na.. Nakatulog ako sa opisina." Nagkatinginan kami bigla ni lalakeng pakialamero sa narinig.
"Sir, excuse me. Makikisabat lang.." Singit ko bigla sa usapan no'ng police at matandang lalake. "Ignacio po ba ang pangalan ninyo, sir?" Tanong ko sa matanda at halata naman sa mukha niya ang pagtataka. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang inaalala kung kilala niya ba ako o hindi.
"Oo, bakit mo ko kilala?" takang tanong niya nang mapagtantong hindi niya kailanman ako nakilala.
Shet! I knew it!
Nagulat ako nang hilahin ako bigla ni Pakialamero palayo sa sa pulis at kay Sir Ignacio.
"Anong alam mo?" diretsong tanong ni Pakialamero.
"W-wala akong alam sa hold upan, pero kasi.." pambibitin ko at natawa naman ako nang makitang naghihintay siya ng sagot ko. Pakialamero nga psh!
"Ano?" Tanong niya at seryosong seryoso talaga ang mukha niyang nakatingin sa akin. Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko ang sarili ko upang magseryoso.
"Kanina kasi nung palabas akong CR. Nakita ko yong assistant manager na may kausap sa cellphone niya." kwento ko at nakinig naman siya.
"Narinig mo ba ang pinag usapan?" tanong niya at napairap naman ako. Legit 100% Pakialamero nga talaga.
"Hindi ko na masyadong naalala.. Pero sigurado akong narinig ko ang pangalan ni Sir Ignacio!" Sabi ko sa kaniya. "Tsaka nahulog din itong sleeping pills mula sa bulsa nung assistant manager. Nakalimutan ko lang na isauli."
Hinila na naman ako bigla ni Pakialamero sa kung saan at nagpalhila naman ako. Nagulat ako nang mapansing papunta kami sa gawi nung assistant manager. Wat da pak! Anong gagawin niya?
"Sir, Maaari ba namin kayong makausap?" Sabi ni Pakialamero sa assistant manager na nasa harap na namin. Taka naman kami nitong tinignan dahil naistorbo namin ang pakikipag-usap niya sa mga pulis. Wala talagang galang ang Pakialamero na ito, kala mo kung sino kung makasabat bigla sa mga usapan. Magtataray palang sana ako rito sa lalakeng katabi ko ngunit natigilan rin agad nang tumama ang kakaibang titig sa akin nung assistant manager. Seems like he's giving me a warn. Mabilis naman akong nagtago sa likod ni Pakialamero dahil sa kabang naramdaman. Shet! Bakit ganoon siya tumitig?
"Sige." Sagot no'ng assistant habang nasa akin parin yung tingin. Wait? Yung boses! Nanlaki ang mata ko sa naisip.
"Sa'yo ba ang pills na ito?" Tanong bigla ni Pakialamero sabay pakita sa harap nung assistant ang isang pakete ng sleeping pills. Nakita ko kung paano siyang natigilan nang makita ang sleeping pills kay Pakialamero. Mabilis niyang binago ang reaksyon niya nang mapansing nakatitig ako.
"Hindi." Simpleng sagot nito. Sinungaling! Grr! Nilingon ko si Pakialamero para warningan siya na nagsisinungaling lang yong assistant manager sa sinabi niya ngunit hindi naman ako nililingon ng loko.
"Eh, ito?" Tanong ni Pakialamero sabay pakita no'ng panyo. Kumunot ang noo nung lalake saka takang tinignan si Pakialmero. "Hindi mo pwedeng tanggihan ito. Pwede namin itong ipadala sa laboratoyo at alamin kung kaninong fingerprint--"
"Oo akin 'yan. Bakit nasa inyo iyan?" Pigil niya kay Pakialamero kaya palihim akong napangiti. Konti nalang, mabibisto ka na tsong. Dapat kasi ginagalingan mo ang pag-acting. "Pinasok n'yo ba ang opisina ko nang walang pahintulot?" natawa siya kunyare sa sinabi niya. "Alam n'yo bang trespassing yun?" nakangiti nitong dagdag sabay iling na may halong pagyayabang. Sige lang, magyabang ka lang.
"Sir, itong pills na ito ay nakita ng isang witness, nakaipit ito dito sa panyo. Maaari mo bang ipaliwanag kung bakit ito nangyari?" Woah! Ang astig naman ng pakialamerong ito. Para tuloy siyang detective.
Matagal bago nagsalita yung assistant manager. "W-wala akong alam diyan. Isa lang ang masasabi ko. Yung panyo lang ang sa akin at yung pills ay hindi." Diretsong sagot nung assistant sa amin. "Teka nga? Ano ba ang kinalaman niyang panyo ko sa krimen na nangyari ngayon? You're ruining the investigation. Chief!" tinawag niya ang pulis na kanina ay kausap niya. "Sino ang mga ito?" tanong niya, tinutukoy kami. Kita sa mga mata niya ang inis sa pangingialam namin kaya muli kong nilingon si Pakialamero ngunit hindi man lang siya nagpatinag. Waw ha! Ang lakas ng loob. Nagtaka naman ako nang hindi sumagot yung oulis sa sinabi ng assistant manager dahilan upang mas lalo itong mainis. "Pinagbibintangan n'yo ba ako?" inis nitong tanong sa amin.
"Oo." sagot ko sabay lunok. "N-narinig kitang may kausap sa telepono kanina at binanggit mo ang pangalan ni Sir Ignacio. Tapos y-yung boses ninyo, magkapareho nung hold-uper kanina." kinakabahang sabi ko at nakita ko kung paano siyang muling tumitig sa akin.
"Wala kang ebidensya, miss. Lahat ng pinagsasabi mo ngayon, walang kwenta." sabi nito sa akin at ngumisi. "Pwede kayong makasuhan sa pambibintang sa akin." dagdag pa nito sabay iling. Daming kasong alam. Eh, paano kaya kung kaso na niya ang pag-usapan. Psh! Dami kasing satsat.
"Ikulong ninyo ang traydor 'yan." biglang lumapit si Sir Ignacio sa amin na nag aalab sa galit ang mga matang nakatitig kay assistant manager. Agad naman na makikita sa mukha ng assistant and pagka-alarma.
"A-anong pinagsasabi mo Ignacio?! Nahihibang ka na ba?" kunot-noong bulalas niya sa manager niya. Halata ang galit sa mga mata nang bigla siyang posasan ng pulis na katabi niya.
"Nagmatch ang finger print mo sa basong ito." biglang sumulpot ang isang hindi katandaang detective sa likod namin saka inilapag ang baso sa harap namin.
"Eh, ano naman kung nag match? May kinalaman ba ang nangyaring hold-upan sa basong iyan ha? Tch! Mga pulis ba talaga kayo?" inis niyang sigaw habang pilit kumakawala sa pagkakaposas.
"Sleeping pills, handkerchief, cup, finger print matched. These are all related to the crime happened awhile ago." nagulat ako sa sinabi ni Pakialamero. Literal na napanganga ako. Shocks! Ang taray niya sa part na yun. Englisherist s***h feeling detective. Perfect combination.
"Nahihibang na ba kayo?" inis na namn na sabi nung assistant na halatang hindi na alam ang sasabihin dahil sa paulit-ulit na linya.
"Tigilan mo na ako sa panloloko mo, Lavador. Pinainom mo ako ng kape na may pampatulog at ipinagkalat mo sa lahat ng impleyado na may sakit ako. Walang duda na ikaw ang may gawa ng krimeng ito, tutal dati pa ay gustong-gusto mo namang agawin sa akin ang negosyong ito!" asik ni Sir Ignacio sa pagmumukha nung assistant.
Galit na galit ang itsura ni sir Ignacio habang nakatitig sa assistant niya. Parang konti nalang ay magsasapakan na ang dalawa kaya nagdesisyon na akong lumayo at baka madamay oa. Mahirap na, baka pumasok pa ako kinabuksan na may black eye.
Nakita ko si Pakialamero na binibigay yung panyo at sleeping pills sa isang pulis. Agad naman itong isinilid nung pulis sa isang evidence bag ang mga gamit na nakuha.
"Dalhin ninyo 'yan sa presinto." Utos ni Pakialamero sa pulis matapos niting maiabot ang mga gamit. Wow! Makautos wagas. Taray talaga. Magaya nga next time.
"Sige po Detective Herrera." Sagot nung lalaki saka umalis sa kumpulan.
Wait---
A-ano daw? D-Detective Herrera?
Kung ganoon? Detective talaga siya?!