Kieyrstine Lee's POV
"Here.." Nagulat ako nang may biglang mag-abot sa akin ng kape. Agad ko naman iyong tinanggap nang makita kong si Pakialamero ito.
Nandito kami ngayon sa police station kasama nung mga nadakip sa loob ng restaurant. Inggitan pala 'yung sanhi ng hold-upan kanina. Hindi ko alam kung bakit pa ako isinama rito sa presinto eh--
Wait?
Agad na nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig nang may maalala. Shet! Kumuha nga pala ako ng isang daan dun sa ninakaw nung lalake kanina. Da fudge! Yon ba ang dahilan? Kaya ba hindi pa nila ako pinapauwi? Pero paano nilaman na kumuha ako? H-Hindi kaya isinumbong ako nung assistant manager sa kinuha ko?
Nakagat ko nalang ang mga kuko ko sa pagkabahala. Hindi.. Hindi ako pwedeng makulong. Tae! Pwede naman sigurong isauli ko nalang diba? Pero kahit isauli ko iyon, alam kong makukulong parin ako. Waaaa!
Palihim kong nilingon si Pakialamero na nakatutok sa cellphone niya. Kailangan kong makaalis agad rito. Kailangan ko nang makauwi..Patingkayad akong tumayo mula sa pagkakaupo at hahakbang na sana palayo nang--
"Saan ka pupunta?" Anak ng tokneneng naman oh! Aish! Inis kong sinabunutan ang sarili ko at nakasimangot na hinarap si Pakialamero.
"Uuwi na ako. Hinahanap na ako nila Mommy." palusot ko at tatalikod na sana nang magsalita na naman siya.
"Hindi pwede."
Shete naman oh! Bakit ba sa tuwing nagsasalita siya natataranta ako. Simula kasi nung nalaman ko na detective siya, parang di ko na siya magawang sagot-sagutin. Syempre, nirerespeto ko ang mga pulis.
Humarap ako sa kaniya ng nakasimangot.
"Pauwiin mo na ako please..." pagmamakaawa ko sa kaniya. With matching pa cute pa 'yon.
Sana tablan ka.
"May mga itatanong pa kami, kaya hindi pa maaari." sabi niya at napanguso nalang ulit ako
"Kahit natatae ako? Di niyo parin ko papauwiin?"
"May CR dito." masama ang tinging sabi niya sa akin at mukhang nabisto na nagpapalusot lang ako.
Padabog nalang akong umupo ulit sa tabi niya at napanguso sa sama ng loob. "Tigilan mo kakanguso r'yan. Hindi 'yan nakakatulong." Dinig kong sabi niya at agad ko siyang nilingon.
Nakatutok lang siya sa cellphone at mukhang may pinagkakaabalahan parin.
Ano kaya pinagkakaabalahan ng lalaking ito? Ka text niya kaya jowa niya? Teka bawal yun ah? Nasa trabaho siya kaya bawal muna jowa-jowa. Dapat priority nila ngayon ang kaso. Leche! Kaya pala hindi ako makauwi agad dahil iba ang inaatupag ng pulis na ito. Bwiset!
Tinignan ko ang ibang pulis na halatang sobrang abala sa kani-kanilang mga mesa samantalang itong katabi ko ay may ka textmate lang. Ang taray talaga ng lalakeng ito. Parang ang sarap magsumbong at ipatanggal siya sa trabaho. Sayang sweldo ng gobyerno sa taong ito. Tsk! Tsk!
Agad akong napalingon sa may pinto nang bumukas ito. Nakita kong pumasok si Chief Smith kasama ang isang lalakeng nakaitim na leather jacket.
Agad naman na napatayo ang lahat at yumuko bilang pag galang sa kataas-taasang opisyal ng CI Department. Nakitayo na rin ako at nakiyuko.
Si Chief Smith ang Chief Superintendent ng Departamento nila Mom. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa kanila at sobrang hinahangaan ko siya dati pa. Sa lahat yata ng Detective officials dito sa Asuncion Police Station 'yang si Chief Smith palang ang hindi ko nakakausap. Mahirap siyang kausapin dahil bukod sa mukhang strikto ay lagi namang wala rito dahil may sarili silang opisina sa National Headquarter.
Lumapit si Pakialamero sa kanila at ako naman ay nanatili lang sa kinatatayuan ko. May inannounce si Chief Smith na hindi ko na masyodong narinig pa. Narinig ko lang ang pangalan nung lalake na kasama ni Detective Smith nang ipakilala niya ito sa lahat.
Lawrence Black…
Parang pamilyar sakin ang pangalan. Saan ko nga ba narinig 'yan?
----
"Tsaka ayun! Pumasok na sa eksena 'yong tunay na manager ng restaurant. Tinanong ko siya kung siya ba si Ignacio at tama nga 'yong narinig ko na pakana lahat ng assistant manager na 'yon ang nangyaring hold-upan sa restaurant." Nandito kami sa field at kinukwento ko kay Sheena yung nangyari kagabi.
"Woah, ang galing mo sa point na 'yon, Kieyrstine ah. Parang detective ang dating mo doon sa eksena hahaha!" sabi niya at napangiti nalang ako para magyabang.
"Tsaka alam mo ba? Nalaman ko lang kagabi, detective pala 'yong pakialamerong lalake na sinabi ko sa'yo nung nakaraan." sabi ko at nagulat rin siya dahil napatakip siya sa bibig niya. Hindi ko alam kung seryoso bang nakikinig ang bruhang ito o sinasabayan niya lang ako para para hayaan ko siyang kainin niya ang pagkain ko.
"Seryoso? Alam mo 'di ko pa nakikita ang pakialamero na 'yan na tinutukoy mo ah? Pero base sa mga kinukwento feeling ko ang pogi-pogi niya. Pwede siyang knight in shining armor, yung taga-salba ng kaso.." sabi niya with mathing hawak pa sa pisngi niya na parang kinikilig.
"Eh?" napamaang ako at napairap sa kawalan. Knight in Shining armor daw. Tss. Pero infainess, hindi ko naman maitatangging magaling nga siya. Mabilis siyang mg-isip at magaling manghuli. Hanggang ngayon nga iniisip ko parin kung totoo ba yung mga super powers na meron siya no'ng una. Pero malay n'yo naman diba, totoo nga.
"Gwapo ba?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Sheena.
"Ha?" taka kong tanong pabalik sa kaniya.
"Sabi ko, gwapo ba?" nakangising sabi niya at inilapit pa sa akin ang mukha.Bigla namang pumasok sa isip ko 'yong itsura ni Pakialamero. Ang itsura niyang seryoso, kunot ang noo na parang si sampung taong hindi nakatae… Gwapo ba ' yon? Psh.
Inirapan ko si Sheena at magsasalita na sana ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang makita kung sino ang naglalakad papalapit sa gawi namin. Wat da pak! A-Anong ginagawa niya rito? Paano siya nakapasok? Sinusundan niya ba ako?
Mas lalo namang nanlaki ang mata ko nang nakatayo na siya ngayon sa likod ni Sheena. "Hoi ano na! Nakikinig ka pa ba? Tinatanong ko kung gwapo ba yung Pakialamero na tinutukoy mo?" Nanlalaki ang mata kong tinignan si Sheena dahil sa sinabi niya. Nananadya ba itong bruhang ito? Kinurot ko ang tagiliran niya at agad na nginuso ang nasa likod niya. Matagal naman bago naintindihan ng gaga. Grr.
"Tss." Dinig kong sutsot ni Pakialamero at napalingon naman agad si Sheena sa likod niya.Kita komg nanlaki ang mata niya saka muling napatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad sa kaniya. Itinaas ko ang kilay ko nang may iabot siyang maliit na envelope sa akin. "Sorry, Hindi ako tumatanggap ng love letters." sabi ko at nag crossed arms pa. Nilingon ulit ako ni Sheena at oinanlakihan niya ako ng mata. Ano na namang problema ng bruhang ito?
"Galing 'yan kay Inspector Will." Mabilis akong napatingin sa envelope na hawak ko. Wat da pak? Bakit magpapadala ng love letter sakin si Inspector Will? Gosh! Sabi ko na nga bang may gusto sa akin ang matandang 'yon eh. Kaya pala panay ang ngiti sa akin nung kinausap ko siya. Jusmiyo marimar.
"Inaalok ka niyang muli sa training." Hindi ko pa naman nabubuksan ay nang-spoil na ang walang hiya. Edi sana hindi nalang niya ito binigay at sinabi nalang niya sa akin. Galeng naman talaga. Akala ko ako lang ang tanga sa earth.
Pero wait, a-ano 'yong sabi niya?!
Napalunok ako nang mabasa yung liham na nakasulat. May pirma na ito ng head ng CID at-- pirma ni Mom? Shocks! Agad akong nag-angat ng tingin kay Pakialamero pero nakapamulsa na iting tumalikod.
"Huwag mo na sanang tanggihan." sabi niya bago tuluyang umalis. Pakiramdam ko ay parang piniga ang puso ko sa tuwa habang nakahawak sa liham na nasa kamay ko. Jusko. Nangyari yung sign na ginawa ko uwu!
"Sino yun? Tsaka anong alok?" tanong ni Sheena at hinablot yung papel mula sa akin. Hinayaan ko naman siyang basahin iyon. "Woah! Diba tinanggihan mo 'yong unang alok? Omg! This is your second chance!" Sigaw ni Sheena na parang mas masaya pa sa akin. Hindi ko maitago ang tuwa sa puso ko pero--
"Siguro tungkol na naman ito kagabi." nakanguso biglang sabi ko.
"Oh? Ano namang mali kagabi? Ang galing kaya nung ginawa mo." kunot-noong tanong ni Sheena.
"Walang magaling dun Sheena." bumuntong hininga ako at kinuha sa kaniya yung liham para isilid sa bag. "Normal lang yung ginawa ko. Tumulong lang ako." Sabi ko sa kaniya. Totoo naman kasi. Alam kong tungkol ito kagabi dahil nagmagaling na naman akong makialaman sa kaso. Ni hindi ko nga alam kung tama ba yung mga pinagsasabi ko eh.
Nagulat nalang ako nang bigla akong makatanggap ng batok galing kah Sheena. "Taena mo ah! Sumusobra ka na!" inis kong singhal sa kaniya at pinandilatan siya.
"Ano Kieyrstine, pati ba naman 'yan sasayangin mo? Akala ko ba gusto mo maging detective ah? Akala ko ba gusto mong sumunod sa yapak ng Mom at Dad mo lalo na dun sa Kuya Alter mo? Ayan na girl! Yan na ang chance, ano na namang kdramahan 'yan." sermom niya sa akin. Muli akong ngumuso at napairap naman siya na halatang hindi magugustuhan ang anumang sasabihin ko.
"A-Ayokong ipahiya sila Sheena. Puro kapalpakan lang nagagawa at magagawa ko. Ayokong dumihan o sirain ang pangalan nila. M-Magagaling silang detective.. Marami ang humahanga sa kanila, tapos-- tapos ako, eto.. Ni hindu nga makapasa sa mga quiz eh." naiiyak kong sabi.
"Sinasabi mo bang suko ka na?" tanong niya at tumingin naman ako ng diretso sa kaniya. Sasagot pa lang sana ako nang unahan na naman niya ako. "Sige umuoo ka , babatukan talaga kita!" sabi niya sa'kin nang may mga nagbabantang kamao. "Hindi mo ba napapansin ah? Pangalawang alok na 'to ni Inspector Will sa'yo. Ibig sabihin, nakikitaan ka niya ng potensyal. Wala akong alam sa trabahong iyan, per alam kong napakadalang ng oportunidad na ganiyan. Sobrang swerte mo nga kung tutuusin. Paano mo malalaman na hindi mo kaya kung hindi mo man lang susubukan?" sabi niya sa akin at pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. Dami talagang alam ng babaeng ito. "Malaki ang tiwala ko sa'yo. Subukan mo lang…" sabi niya at hinawakan pa ako sa magkabilang braso.