Chapter 5: Poisoning

2120 Words
Topher Herrera's POV Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap kung sino ang dahilan ng pagkamatay mo. Ipaghihiganti kita. Naiyukom ko ang aking kamao habang tinitignan ang litrato ng aking kapatid. Anim na taon na ang lumipas pero presko parin sa isip ko ang pagkawala niya. Anim na taon pero hindi parin humuhupa ang galit na aking nararamdaman sa mga taong dahilan ng pagkamatay niya. Hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyang hustisya ang pagkamatay niya-- "Detective Herrera." Agad kong isinara ang aking drawer at napatayo nang makita si Inspector Will sa harap ko. "Inspector.." wika ko at agad na yumuko bilang paggalang. "Gusto kong iabot mo ito sa anak ng mga Valler. Pasensya na kung ikaw ang mapag uutusan ko nagyon." sabi niya at napatingin naman ako sa papel na 'yon. "Wala pong problema Inspector. Makakarating po ito agad." sabi ko anapangiti naman siya. "Salamat. Maaasahan ka talaga, Herrera." natatawang aniya at tinapik ang balikat ko bago umalis. Pabagsak akong napaupong muli sa kinauupuan ko at maiging tinitigan ang papel. Hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo ko nang mabasa ang nakasulat rito. Kung ganoon ay tinanggihan niya ang unang alok? Tss. Napailing ako at marahang nagpakawala ng ngisi. Kakaiba nga talaga ang babaeng 'yon. Manang-mana sa kapatid ang kayabangan. Isinuot ko agad ang aking itim na leather jacket saka tumayo at lumabas ng departamento. Bago ako makalabas ay nakasalubong ko si Black na naglilibot sa loob ng estasyon. Makikita sa mukha niya na pinagmamasdan niyang maigi ang bawat nakapaskil na papel at litrato sa mga pader. Agad akong natigilan nang tumama ang tingin niya sa akin. Mabilis akong yumuko bilang paggalang sa may nakakataas na posisyon. Kanina lang ay inanunsyo sa lahat na siya ang dadagdag sa grupo ng mga sarhento. Siguro ay katulad ko, bata palang siya noong pinasok ang trabahong ito. Hindi magkalayo ang agwat ng edad namin, sa katunayan nga ay isang taon lang ang tanda niya sa akin. Babati palang sana ako nang maramdaman kong nilampasan lang ako nito sa kinatatayuan ko. Muli akong napailing at agad na naglakad palabas ng estayon. Agad akong umangkas sa aking motorsiklo at nagpaharurot paalis. Nang makarating sa Unibersidad na pinapasukan ni Kieyrstine Lee ay nagtungo agad ako sa kaniyang gusali. Nakasulat kasi rito sa liham kung anong gusali at palapag siya matatapuan ngunit hindi ko na yata iyon kailangang puntahan. Namataan ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno ng acasia kausap ang isang babaeng may maikling buhok na nakatalikod sa gawi ko. Nakapamulsa akong naglakad sa gawi nila at kahit ilang metro palang ang layo ko ay parang dinig ko na ang pinag-uusapan nila sa lakas ng kanilang boses. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata ni Kieyrstine Lee nang makita ang paglapit. "Hoi ano ba! Nakikinig ka pa ba? Tinatanong ko kung gwapo ba yung Pakialamero na tinutukoy mo!" Mabilis na kumunot ang noo ko sa narinig. Pakialamero? Pinanlakihan niya ng mata ang babaeng kausap niya at muling napalingon sa akin dahipan upang mas lalo akong magtaka. Ako ba ang pinag-uusapan nila? Pasimple niyang kinurot ang tagiliran ng kasama kaya napailing ako. Ako nga. "Tss." Hindi ko maiwasang makisali sa usapan. Mabilis na napalingon sa akin ang babaeng nakatalikod. "Anong ginagawa mo rito?" bigla ay inis na bungad sa akin ni Kieyrstine Lee na parang kanila lang ay hindi nagulat sa prisensya ko. Agad ko namang inabot sa kaniya ang liham na pinaabot ni Inspector Will. "Sorry, Hindi ako tumatanggap ng love letters." agad ay sabi niya at humalukipkip pa. Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa itsura niya. "Galing 'yan kay Inspector Will." Seryosong sabi ko at sapilitang ipinahawak sa kaniya yung liham. Napatitig naman siya roon at halata sa itsura niya ang gulat. Hindi ko alam kung ano ang takbo ng isip ng babaeng ito pero sigurado akong malayo na naman ito sa katotohanan. "Inaalok ka niyang muli sa training." Dagdag ko pa at mukhang nainis naman siya. Tinignan niya ang nakasulat sa liham at ayun na naman ang panlalaki ng kaniyang maliliit na mata. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin niya at agad nang tumalikod. Maglalakad na sana ako paalis nang may maalala akong gustong sabihin. "Huwag mo na sanang tanggihan." marahan akong napangisi at nakapamulsang naglakad paalis. Kieyrstine Lee's POV "Class dismiss." Agad kong inayos ang aking mga gamit at nagmamadaling lumabas ng classroom nang biglang may humigit sa akin. "May kaguluhan sa canteen, dali." sabi ni Sheena at agad akong kinaladkad hila-hila ang braso. "Wow, so anong plano mo? Isali ako sa gulo?" Inis kong tanong sa kaniya at inis na binawi ang braso ko. Tumayo ako nang maayos at inayos ang uniporme ko. Leccheng babae ito. Maglalakad na sana ako paalis nang hilahin na naman ako nitong muli. "Ano ba Sheena, pupuntahan ko pa si Inspector Will." inis kong sabi sa kaniya at nakita ko namang napangiti siya. "Tatanggapin mo na yong alok?" tanong niya. "H-ha? Oo sabi mo kanina 'di ba na' wag kong sayangin? Kaya bitawan mo na ako nang napuntahan ko na si Inspec--" "Bago ka pumunta roon lutasin mo muna itong nangyayari sa canteen." "What?!" sigaw ko pero hinila na ako ng gaga papasok. Agad akong napatakip sa ilong nang malanghap ang nakakasukang amoy sa loob ng canteen. Magkahalong kimekal at parang suka ng aso. Ew! Ano bang nangyayari dito? "Magsilabas muna kayo, Hija." sita sa amin ng isang guro na hawak-hawak si Lynell habang sumusuka parin. Bakit ang daming sumusuka dito. Napangiwi akong napatakip muli sa ilong. Wala na kaming nagawa ni Sheena kundi ang lumabas ng canteen. Ngunit nanatili kami sa may bintana para tignan ang mga nangyayari sa loob. Syempre chismisan alert. "Parang sinadya na lasunin ang anim na estudyanteng 'yan." sabi ni Sheena kaya agad ko siyang nilingon. "Paano mo naman nasabi?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. "Dzuh! Di mo ba napapansin? Magbabarkada ang mga iyan at parang imposible namang nagkataon na talagang sila pang anim ang nalason. Sa dinami-raming kumakain sa canteen kanina. Kakakakain ko nga lang din." kwento ni Sheena habang nakahawak pa sa baba na animo'y pinag-isipan lahat ng sinabi niya. "Wait? Bakit hindi ka nalason?" tanong ko pabalik at mabilis naman akong nakatanggap ng batok mula sa kaniya.Bwisit! Kaya ayokong sinasamahan ang babaeng ito eh. "Gaga ka! Ba't mo ako lalasunin!" inis niyang sabi sa akin. Agad naman akong napahawak sa dibdib ko sa gulat. Teka? Pinagbibintangan niya ba ako? " Hoy, sumusobra ka na ah! Bakit naman ako ang lalason sa iyo? Baka nga ikaw ang lumason sa anim na 'yan eh. Diba kaaway mo ang mga 'yan?!" inis ko ring sabi pabalik. Buong araw akong hindi pumasok sa canteen tapos pagbibintangan ako?! Grr. "Aba bakit ko naman lalasunin. Eh diba kaaway mo rin ang mga 'yan?" "Pero hindi ako ang lumason!" inis kong sigaw sa kaniya dahilan upang mapalingon sa amin ang ibang nakikiusyoso. Taenang babae ito! Muli akong napatingin sa loob ng canteen at nagkakagulo parin sila roon. May mga pulis na rin na dumating pero mukhang hindi parin nila nahahanap 'yong may gawa. Hindi ko man naririnig ang usapan sa loob ay alam kong si Ateng tagaluto ang kanilang pinagbibintangan. Hindi pwede.. Imposibleng si Ate Yna ang may gawa noon. Wala naman siyang dahilan para gawin iyon. Sa katunayan ang bait niya nga sa aming mga estudyante eh. Wala rin naman siyang kinaiinisan.. Muli kong inilibot ang paningin ko sa loob ng canteen nang tumama ang mata ko kay Ateng kahera na may pag-aalala sa mukha, si kuyang taga serve naman ng pagkain ay tumutulong sa mga estdyante upang madala ang mga ito sa clinic. Agad na kumunot ang noo ko nang may gumulong na maliit na container sa sahig na malapit kina Sir Jonel at Lynell. "Hoi sa'n ka puputa?" Sigaw ni Sheena nang agad akong nagtuloy papasok ng canteen upang makuha 'yong maliit na container. Mabilis ko itong binuksan at inamoy.. Pamilyar yung amoy! "Miss, sinabi nang bawal kayo--" napatitig yung pulis sa hawak ko at hinablot ito. "Ano ito?" kunot-noong tanong niya sa akin kaya napairap ako. Hindi ko siya pinakinggan at agad kong hinanap kung saan ko naamoy kanina yung ganoong amoy. Sigurado ako, nung pumasok kami ni Sheena rito, yung amoy ng-- Wait? Hindi kaya si Sir Jonel? Agad akong napalingon kay Sir Jonel na tumutulong sa pag-assist. S-Siya yung lumapit sa amin kanina. Sigurado akong sa kaniya galing yung kimekal na amoy. Maglalakad na sana ako palapit sa gawi ni Sir Jonel nang may humawak sa braso ko. "Miss, pakiusap lumabas muna kayo--" "Hayaan mo siya." Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mata ko nang makita si Pakialamero. Seryoso itong nakatitig sa pulis na kaharap ko. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang tumama ang titig niya sa akin. S-seryoso ba siya? "Pero Detective Herrera--" tinignan muli ni Pakialamero ang pulis at napakamot nalang ito sa kaniyang ulo. "S-sige po." sabi nung pulis at inabot muli sa akin yung container. Napatitig ako sa hawak ko at muling tumama ang titig kay Sir Jonel. Siya nga kaya? Pero bakit naman niya gagawin ang ganito kina Lynell? "Kumpirmahin mo nang maalis ang duda sa isip mo." muli kong tinignan si Pakialamero at na kay Sir Jonel na rin ang paningin nito. K-Kung ganoon pareho kami ng iniisip? Tama ako? Hindi ko maiwasang mapangiti sa saya at agad na nilapitan si Sir Jonel. Kita ko naman ang gulat sa itsura nung guro ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin. Inamoy ko agad ang uniporme niiya at hindi naman siya nakaangal dahil nasa likod ko si Pakialamero. Sa kaniya galing! Nakangiti kong hinarap si Pakialamero at doon ko lang napansin na nasa akin pala lahat ng atensyon ng nasa canteen. "Siya ang lumason." tass noo at nakangiti kong sabi habang nakaturo kay Sir Jonel. Mabilis na kumalat ang bulungan sa loob ng canteen kaya mas lalo akong napangiti. Pakiramdam ko ay detective na detective ang dating ko sa ginagawa ko hihi. "Paano mo nasabi?" Mablis na nawala ang ngiti ko sa tanong ni Pakialamero. "K-Kase, sa kaniya galing itong lason. N-Naamoy ko sa uniporme ni Sir Jonel--" "Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo, Lee?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan, akala ko ba pareho kami ng iniisip? Diba duda niya rin na si sir Jonel ang gumawa? "Tandaan mo, ang isa o dalawang ebidensya ay 'di sasapat upang gawin ang paghatol." Hanuraw? "Unang-una, alam mo ba kung ano iyang hawak mo?" tanong niya at napatingin naman ako sa hawak kong container. "H-hindi ba ito lason?" agad akong binalot ng matinding hiya. Naririnig ng lahat ang usapan namin. "Paano mo nasabing lason nga iyan? At yan ang ginamit sa mga estudyanteng ito." tukoy niya kina Lynell. Napayuko naman ako dahil sobra-sobrang kahihiyan. "May sapat ka bang dahilan para paratangan ang guro itong na nasa harap mo na lumason sa anim na estudyanteng ito?" Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko kaya mas lalo akong napayuko. Kailangan niya ba talagang sabihin iyon sa harap ng mga tao rito sa canteen? Pwede naman niya siguro akong kausapin mag-isa hindi ba? "Sa pag-iimbestiga ng kaso bago mo bigyan ng paratang ang isang tao, alamin mo muna ang ano at bakit sa ebidensya na hawak mo." "P-pasensya na." nakayuko kong sabi pinipigilang huwag pumiyok. "A-aalis na ako." akmang aalis na sana ako nang bigla na naman siyang magsalita. "Kung katangian ng isang detective ang pag-uusapan, hindi importante ang pagiging matalino. It's more important to be wise than to be smart." Tiim bagang akong napapikit at humugot nang malalim ng hininga bago siya hinarap. "Kailangan mo ba talaga sabihin 'yan sa harap ng lahat, Detective Herrera?" Hindi ko mapigilan ang sakastimk sa tono ng pananalita ko. "Kailangan ba talagang ipahiya ako?" mabilis na nagsituluan ang mga luha ko. "Huwag mo naman ipamukha masyado na bobo ako." inis kong sabi sa kaniya sabay pahid sa luha ko gamit ang mga palad. "Hindi pa ako tapos--" "Hindi pa tapos?" mayabang akong napanganga sa narinig ko. Hanep! Hindi pa siya tapos na ipahiya ako. "Bakit hindi mo nalang diretsuhin na bobo ako? O kaya ang tanga ko?" naramdaman kong may humigit sa braso ko. "Kieyrstine, tara na.." sabi ni Sheena habang patuloy parin akong hinihigit paalis. Muli kong tiningnan sa mata si Pakialamero bago ako nagpahigit kay Sheena palabas sa lugar na iyon. Inis kong pinahiran ang mga luha ko habang naglalakad palabas ng campus. Si Sheena naman ay hindi makapagsalita, halatang hindi alam kung paano ako kokomprontahin sa ganitong sitwasyon. Gago ka talaga Topher Herrera. Salamat sa pagpapahiya sa akin. Nagtagumpay ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD