Topher Herrera's POV
"Salamat sa pagpunta, Detective Herrera." pasalamat sa akin ni Sir Junel at tunanguan ko naman siya.
"Walang problema. Ako na ang magdadala nito sa presinto." sabi ko tukoy sa container na hawak ko bago tumalikod.
Nagsialisan na ang mga pulis mula roon kaya muli akong napalingon sa babaeng nasa gilid ko.
"Tara na sa presinto." sabi ko sa kaniya ngunit bigla siyang lumuhod sa harap ko at umiyak na parang bata.
"W-wala po akong kasalanan. H-hindi po ako ang may gawa no'n. Maniwala po kayo." sabi niya na nagmamakaawa pa.
Umupo ako para at tinignan sa mata yong babae.
"Akin na ang bag mo." sabi ko at gulat naman siyang napatingin sa akin.
"P-po?"
"Iabot mo sa akin ang bag mo at may titignan ako." Nanginginig naman ang mga kamay niyang inabot ito sa akin.
Kinuha ko ang maliit na lalagyan mula roon at binuksan ito. Nakita ko agad ang mga maliliit na container na katulad nung hawak ni Kieyrstine Lee kanina.
Salmonella.. Food poising nga.
"Pang limang ebidensya na ito Ms Lynell Pereja." sabi ko sa kaniya at mas lalo lang siyang umiyak.
Tama sana ang sinabi ni Lee kanina sa lalaking guro kung pinatapos lang ako nito sa pagsasalita. Malalaman niya na si Lynell ang tunay na may kagagawan kung pinagpatuloy niya ang paghahanap ng ibang ebidensya. Masyado siyang padalos dalos. Hindi niya iniisip muna ang mga pasikot-sikot sa isang kaso.
Ngunit napabilib niya ako sa pagiging mapagmasid niya, may kakaiba siyang potensyal na maaari niyang magamit sa mga ganitong uri ng kaso, iyon sana ang sasabihin ko kung hindi lang niya minasama ang sinabi ko.
---
"Herrera."
"Inspector." Agad akong yumuko nang lumapit siya sa akin.
"Naipadala mo na ba yung sulat ko sa anak ng Valler?" tanong niya at napatigil naman ako. Matapos nung nangyari kanina, tatanggapin n'ya pa kaya yung alok ni Inspector? Tss. "Herrera?" nabalik ako sa huwisyo nang tapikin ni Inspector ang braso ko.
"A-ah opo, naibigay ko na kanina." sabi ko at humalakhak naman siya.
"Mukhang madami kang iniisip ah? Alam mo magpahinga ka minsan. Puro trabaho nalang ang iniisip mo." sabi nito sa akin.
"Ayos lang po Inspector. Kailangan kong gawin ito." sabi ko at tumawa na naman siya. Napakamasayahin. "Sana tanggapin na niya ang alok ko, Maganda ang inaasahan ko sa batang iyon." saad ni Inspector at agad naman akong napatingin sa kaniya.
"Malabo. Tss." sabi ko at napailing.
"Bakit naman? Nakausap mo ba siya?" Hindi ko inaasahan na narinig niya pala iyon.
"Hindi po Inspector."
"May potensyal sa pagiging detective kahit hindi siya tunay na anak ng mga Valler." dagdag ni Inspector at kumunot naman ang noo ko.
Hindi tunay na anak ng mga Valler?
"Sige, Herrera mauna na ako at marami pa akong gagawin sa opisina." sabi niya at tinapik ang balikat ko. Hindi tunay na anak si Kieyrstine Lee?
Napatingin ako bigla sa may pinto nang bumukas ito.Agad naman akong napapswit nang makitang si Lee ito.
"Gusto kong makausap si Inspector Will." sabi nito sa mga pulis na nasa may pintuan. Itinuro naman agad sa kaniya ang opisina ng Inspector.
Dumako ang tingin niya sa akin at nagulat ako nang bigla itong umirap bago nagtuloy-tuloy papasok. 'Hanep' sabi ko sa sarili ko at napailing.
Kieyrstine Lee's POV
"Kuya..." umiiyak kong saad habang binubunot ang mga d**o sa gilid ng libingan niya dahil sa inis. "Ayoko na mag detective huhuhu! Sobrang grabe super na akong nahihiya kuya. Alam mo ba kanina ha? Pinahiya ako ng Detective Herrera na yun. Sobrang nakakainis siya kuya." pagsusumbong ko pa. "Kung nandito ka lang kuya, alam kong mapapahiya mo yun. Ang yabang-yabang eh hindi pa nga yun nakakangalahati sa galing mo." nakanguso ko pang sabi sabay pahid sa mga luha.
"Miss excuse me." biglang may lumapit sa akin na matandang tagalinis. "Tigilan n'yo na po kakabunot sa mga d**o. Kung gusto niyo pong tumulong sa akin. Sa labas po maraming bubunutin. Mas maayos dun." sabi niya at napatingin naman ako mga binunot ko.
Shet! Madami-dami na rin pala.
"Pasensya na po lolo. Nadala lang ako sa emosyon." sabi ko at iiling-iling naman siyang umalis.
Pagkatapos kong magdrama at magsumbong sa puntod ni kuya Alter ay umalis na ako ng sementeryo.
'Sana hindi mo na tanggihan.'
Pumasok na naman sa isip ko yung sinabi ng pakialamero na yun. Nakakabwisit talaga siya promise! Di ko siya maintindihan. Argh! May saltik ba yun? Matapos niya akong sabihan na huwag kong tanggihan, ipapahiya niya ako? Makikita niya… Pag nakita ko ulit ang pagmumukha ng bwisit na iyon makakatikim siya ng kame hame wave.
Dahil sa inis ko ay sinipa ko yung lata na nasa harap ko. Nagulat nalang ako nang lumanding ito sa noo ng lalaking nasa harap ko. Hala jusko. Dali-dali akong tumakbo at nilapitan yubg manong na nasapok nung lata sa ulo.
"Hala sorry po Manong. Sorry po talaga, di ko sinasadya.." paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.
"It's okay." sabi niya at inayos ang kaniyang cap sa ulo.
Taray ni Manong may accent ah?
"Sigurado po kayo? Pasensya na po talaga mainit lang ang ulo ko. Aish yung pakialamerong detective kasi na yun eh! Kung bakit di matanggal-tanggal sa isip ko?! Tsk!"
"Detective?" tanong ni manong at biglang tumingin sa akin.
"Lah! Parang pamilyar ka ah?" sabi ko at tinuro pa ang mukha niya.
Parang nakita ko na si Manong dati--
"Alis na ako--" biglang sabi niya pero hinawakan ko yung laylayan ng jacket niya.
"Ikaw yung lalaking nakabangga ko sa school diba? Yung-- yung may--" hinanap ko yung susing keychain at nakita ko nga itong nakasabit sa bag niya. "Ikaw nga! Hahhaha!" tuwang-tuwang saad ko at narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
----
"Kuya, matanong ko lang." sabi ko bigla habang nililibre ko siya ng softdrinks at tinapay sa may bakery na malapit sa sementeryo.
Oh yes, sabi niya siya raw yung nakabangga ko dun sa school. Tutal ayoko pa namang umuwi kaya nilibre ko nalang muna siya. Gusto ko rin ng may kausap ngayon. Sabi nga nila diba? Mas magandang mag share ng problema sa mga stranger.
"Ano yun?" tanong niya at inabot ko naman yung tinapay sa kaniya.
"Bakit di kayo makatingin ng diretso sa akin? May gusto ba kayo sa akin?" tanong ko at nagulat naman ako nang bigla siyang maubo ng sunod-sunod, may lumabas pa na konting uhog sa ilong niya kaya inabutan ko siya agad ng panyo.
"Jusko naman kuya, mag ingat naman kayo." sabi ko sabay abot ng tubig.
Nang matapos siyang uminom ng tubig ay nagulat ako nang bigla siyang matawa ng malakas.
Lah? Baliw ba to? Syete! Mukhang adik pa yata itong kasama ko ngayon.
Mga isang minuto yata bago siya matapos kakatawa sa akin. "Ano bang problema mo?" inis kong sabi sa kaniya at umiling-iling naman siya sabay wasiwas ng kamay sa ere.
"Aish, alam n'yo ang gulo-gulo niyo talagang lahat. Tas pagbibintangan ninyong ako ang baliw. Aba, nasaan ang hustisya doon?" inis kong sabi. Parang si Sheena rin itong Manong na kausap ko. Pareho silang baliw.
Tumahimik ng ilang minuto si Manong kaya tumahimik na lang rin ako at itinuon ang pansin sa kinakain na tinapay.
"May nasabi kang Detective kanina. Are you somehow related to detectives?" tanong niya at mabilis naman akong napatingin sa kaniya pero iniwas na niya yung tingin niya at inayos na naman ang cap.
Wala ba siyang tiwala sa bubong ng bakery? Psh!
"Actually buong pamilya ko ay detective. Si Mom, si Dad tsaka si Kuya ko na mala Sherlock Holmes ang dating. Ako lang naman yung hindi at mukhang imposible pang maging kagaya nila." sabi ko at tumawa pa ng peke. "Wala naman kasing dugo nila ang dumadaloy sa akin kasi nga ampon ako." dagdag ko pa.
"It's not in the blood. It's in your eppetence and dedication. Kung gusto mo maging kagaya nila, ampon ka man o tunay na anak, mangyayari iyon." sabi ni Manong at natigilan naman ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang tignan sa mata pero tinatakpan naman ito ng cap niya.
Ahh baka may sore eyes siya at ayaw niya akong mahawaan.
"Kahit naman meron ako nung eppetence at dedication na sinasabi mo kuya, walang epek yun kung tanga at bobo ka." sabi ko sabay irap. "Lagi ka nalang pinagtatawanan kahit seryoso ka na tch!"
"Walang taong bobo." sabi niya at inis ko naman siyang tinignan.
"So, sinasabi mong hindi ako tao ha? Alam mo kuya, hindi kita kilala pero mukhang magugulpi kita. Ang savage mo sakin ah!" inis kong sabi at napailing nalang siya.
"Kung katangian ng isang detective ang pag-uusapan, hindi importante ang pagiging matalino. It's more important to be wise than to be smart."
Teka? Ito yung sinabi sa akin kanina ni Pakialamero ah?
"Smart and wise? Diba pareho lang naman yun? Pag wise ka, smart ka na. Pag smart ka naman, di ka talk 'n text." sabi ko sa kaniya.
Di ko talaga gets itong matatalino. Yung mga madadaling bagay pinapahirap pa. Tsk.
"It's not. Magkaiba ang maalam sa matalino. Matalino ka kung alam mo ang isang bagay dahil natutunan mo ito, being smart is a process of learning. Pero pag maalam ka, kahit hindi mo pa natutunan ang isang bagay pero may ideya ka na. You already know what to do, you seek things to cope up a situation. Being wise is a product of experience."
"Ahh.. Okay. Di ko gets." sabi ko at tinignan siya ng masama.
Yung isinama ko siya para masabihan ng problema pero lintek dumagdag pa yata sa po-problemahin ko ang isang 'to.
"Hahaha someday, you'll get it." sabi niya at tuamawa na naman. "Hindi ka parin nagbabago." dagdag niya bigla na ikinagulat ko.
K-kilala niya ako?
"Kilala nyo po ako?" tanong ko at parang nagulat din siya sa tanong ko.
"No. May kakilala lang akong kasing edad mo." sabi niya at tumango nalang akin. "I have to go. Thanks for the treat." sabi niya at saka dali-daling umalis ng bakery.
Lah problema nun? Pagkatapos maubos yung tinapay umalis agad? Dapat ba dinaminahin ko.
Pero ayos din ah? Napagaan niya ang loob ko.
Hindi naman pala masyadong matanda yung manong na iyon. Tinitigan ko kasi kanina yung mukha niya habang nagsasalita siya. Siguro mga 5 or 6 years lang agwat namin. Dahil sa bigote niya nagmumukha tuloy siyang matanda.
Hindi na ako nagpasundo pa kay manong driver at nag-taxi nalang pauwi. Habang kumukuha ng ipapamasahe sa bag ay nakita ko yung sulat na ipinaabot ni Inspector Will.
'Huwag mo na sanang tanggihan.'
"Aish! Baliw ka talaga Herrera, sinusumpa kita! May pa sana-sana ka pang nalalaman. Sanahin mo mukha mo riyan!" inis kong sabi at muling ibinalik sa bag ang sulat. Kumunot ang noo ko nang makitang nakatingin sa akin sa salamin si Manong Driver.
"Ngayon lang po kayo nakakita ng maganda?" tanong ko sabay irap.
Tch! Kitang bad mood ako eh tas tititigan pa.
'It's not in the blood. It's in your eppetence and dedication. Kung gusto mo maging kagaya nila, ampon ka man o tunay na anak, mangyayari iyon.'
Aish! Wag kang papalinlang Kieyrstine. Wala namang alam ang manong na yun sa pinagdadaanan mo kaya bakit mo paniniwalaan?
Tama na self. Mag aral ka nalang mabuti at kalimutan mo na maging detective. Di ka bagay sa propesyon na' yan kasi tanga ka.. Tapos bobo pa. Ghad! Complete package. Nasalo ko yata lahat ng kamalasan.
'Kung katangian ng isang detective ang pag-uusapan, hindi importante ang pagiging matalino. It's more important to be wise than to be smart.'
Hindi naman ako smart ah? Mas lalong hindi ako wise!
'Hindi mo ba napapansin? Pangalawang alok na 'to ni Inspector Will sa'yo. Ibig sabihin, nakikitaan ka niya ng potensyal.'
Taray namnan, nakikisali pa si Sheena sa flashback ng utak ko eh mas lalo namang walang alam yun.
"Aish!" inis kong sabi at sinabunutan ang sarili. Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses na akong napabuntong hininga. Gulong-gulo na talaga ang isip ko. Magtino ka naman Kieyrstine, jusko!
Bumaba ako ng jeep at namalayan ko nalang nasa harap ako ng Asuncion Police Station. Napapikit nalang ako at naoasapok.
Ghad! Seryoso ka ba sa gagawin mo Kieyrstine ah? Tatanggapin mo? O tatanggapin mo? Ano ba talaga? Huhuhu.
Pero wala namang mawawala kung tatanggapin ko eh. Wala namang mawawala kung susubukan ko. Tutal nandito na rin naman ako. Gora na to. Tsk.
Isang beses lang.. Oo, Isang beses lang talaga, promise, pag kapalpakan pa ang ginawa ko titigil na talaga ako.
Okay, sige. Deal 'yan. Last na 'to.
Muli akong huminga ako nang malalim bago nagtuloy-tuloy papasok sa estasyon. Agad akong nagtungo sa Criminal Investigation Department para makausap si Inspector Will.
"Gusto kong makausap si Inspector Will." sabi ko sa mga detective na nadatnan ko pagkapasok ko ng CID. Mabilis naman silang napalingon sa akin na dahilan upang mas lalo akong kabahan
"Nasa opisina niya siya Miss." sabi nung isang lalake at itinuro yung opisina ni Inpector Will. Nahagip ng paningin ko si Pakialamero na nakasandal sa upuan niya at diretsong nakatingin sa akin kaya inirapan ko siya bago nagtuloy-tuloy papunta sa opisina ni Inspector.
Huminga ako nang malalim bago kumatok.
"Come in." dinig kong sabi nito sa loob kaya pumasok na ako. Agad akong tumungo bilang paggalang.
"Miss Valler." natutuwang saad niya nang makita ako. "Mabuti at natanggap mo aking ipinadalang sulat. Maupo ka." sabi niya at naupo naman ako malapit sa mesa niya.
"Masunurin po kasi nasyado yung napag-utusan ninyo Inspector." nakangiting sabi ko at napahalakhak naman siya.
"Masunurin talaga yun si Herrera." sabi niya at napangiwi nalang ako. Nagbibiro lang ako kanina eh.
"So, ano na Miss Valler? Nais kong marinig ang iyong sagot ngayon. Katulad nga ng sabi ko, kung sakaling tatanggapin mo.. Ikaw ang kauna-unahang babae sa constable team." sabi niya at sumandal sa upuan niya saka pinasidhan akong tinignan.
"Tinatanggap ko na po." Diretsong sabi ko sa kaniya sabay pilit ng ngiti. Siguraduhin mo lang Kieyrstine na hindi mo pagsisisihan ito.
"Ayun! Hahahaha! 'yan ang hinihintay ko sa iyo Valler." wika niya at mukhang tuwang-tuwa talaga dahil naningkit na ang kaniyang maliliit na mata.
"Huwag kang mag-alala. You won't be handling serious crimes for now. Si Herrera na ang bahalang magpaliwanag sa iyo sa iba pang bagay."
"H-Herrera?" gulat kong tanong kay Inspector.
"Oo, yung nagpadala niyang sulat sa iyo, si Detective Topher Herrera. Siya ang tagapagsanay ng mga trainee rito sa departamento."
Shet! Bakit si Pakialamero pa?! Lintek naman oh!