Chapter 11

1156 Words
Jane's POV Pagkatapos namin mailibing si Axel tulala na naman kaming lahat. Sino na next sa amin? Nakakakilabot na wala kang magawa kung di maghintay kung oras mo na. Napakabilis ng nangyari kay Axel. Para bang pinaghandaan. Nakakatakot at nakakakilabot. Hindi kaya yung babaeng duguan ang may gawa? Yun lang naman ang pwede naming isipin. Wala naman gagawa noon sa amin. Halatang halata na ang pagod at sakit sa mukha namin. Halatang kulang kami lahat sa tulog. Pero napag usapan na wag matulog at baka umatake na naman ang killer. Kanina ko pa nilalabanan ang antok ko, dala na rin ng walang maayos na tulog simula ng mangyari lahat ng ito. Napatingin ako sa kanila at pilit din nila nilalabanan ang antok para di makatulog. Hindi ko na kaya. "Hindi ko na mapigilan. Inaantok na ako ng sobra." napalingon naman sila sa akin. "Okay, matulog na kayo ni Sandy. Kami na ni Angelo ang magbabantay sa inyo." nagpasalamat naman kami ni Sandy at natulog na. Angelo's / Angela's POV Tahimik lang naming pinagmamasadan sina Jane at Sandy na natutulog. Napapaisip ako kung ito na huling tulog naming lahat o hindi pa. Kahit saan kami pumunta wala naman nangyayari at babalik at babalik din kami sa simula. Ano na nga bang mangyayari sa amin? Mamatay na rin ba kami? Kailangan na lang ba namin maghintay? " Paano na sila?." anong sabi nya. " Anong sabi mo Vince?." Nagsalita naman ito habang di inaalis ang tingin sa dalawang babae. "Paano na sila kung isa sa atin mawala ulit?." di naman ako nakaimik sa sinabi nya. Napatingin ako kela Sandy at Jane at napabuntong hininga. Wag naman sana. "Di ka ba inaantok?" tanong ko sa kanya. Di ko na kasi kinakaya ang antok. Napalingon naman ito sa akin at umiling. Wala talaga siya balak matulog? Nagmasid masid lang ako sa paligid para labanan ang antok na nararamdaman. Nakakatakot talaga ang gubat na ito pag gabi dahil wala ka na makita kundi kadiliman. Di pa rin ako makapaniwala sa biglang pagkamatay ni Axel. Hindi man sila kinasal ni Cristail pero sumunod naman agad si Axel. Tinalo na nila ang till death do us apart ng mga kinakasal. Nakakapanghinayang ang love story nila na di nabuo. Ang saya siguro nila kung hindi nangyari ang nangyayari ngayon. Siguro, ipagpapatuloy na nila iyon sa langit. Doon walang tututol at puno ng pagmamahalan lang. Iniisip ko ang pwedeng mangyari bukas. Wala na kaming pagkain at tubig. Paniguradong manghihina na kami ng tuluyan sa mga susunod pa na araw. Mukhang dito na talaga ata kami lahat mamamatay. Naiisip ko pa na possibleng mangyari naaawa na ako para sa mga magulang namin na naghihintay at napapabayaan ang sarili dahil sa pagkawala ng mga anak nila. Pero paano ba kami makakalabas dito o makakalabas pa ba kami? Simpleng tanong pero napakahirap sagutin para sa sitwasyon namin ngayon. Di ko namalayang nakatulog pala ako sa kakaisip sa mga pwedeng mangyari sa amin. Vince's POV Naging ako dahil sa tawag ng kalikasan. Nakatulog pala kami ni Angelo. Buti na lang walang nangyaring masama sa amin kagabi. Tumayo ako at pumunta sa medyo tago na puno para umihi. Saan na kaya kami pupunta? Tanong ko sa sarili ko. Pabalik na sana ako sa mga kasama ko ng may mahagip ang mata ko sa medyo kalayuan. Katawan? Dahan dahan ko itong nilapitan at sinuri. Nagulat ako ng makilala ko kung kaninong bangkay itong nasa harapan ko. Anong ibig sabihin nito? Patay na siya? Pero kasama pa namin sya nitong mga nakaraang araw. Napaatras ako ng ma realize ko na nagpapanggap lang yung kasama namin at patay na ang totoo naming kaibigan. Kailangan ko silang mabalaan. Tatakbo na sana ako pero pagharap ko nakangising mukha nito ang bumungad sa akin habang may hawak na patalim. Napaatras ako at natapakan ko pa ang bangkay ng totoong kaibigan ko. "Who are you? Ikaw ang pumatay sa lahat ng kaibigan namin." parang baliw naman na tumawa ito. "Hindi dapat kayo pumunta dito." yun lang ang sinabi nya at lumapit na sa akin. "Bakit mo ba ito ginagawa?." "Hindi mo na kailangan malaman, mamamatay ka rin naman." Gustong kung sumigaw pero parang may pumipigil sa akin. "Hindi ka makakasigaw HAHAHAHAA" Tumayo ako at tumakbo pero sumulpot siya sa harapan ko at tinusok ako ng patalim sa noo. Bumagsak ako sa lupa na wala ng buhay. Angelo's POV Nagising ako ng walang katabi. Asan si Vince? Napatingin naman ako kela Sandy at Jane na mahimbing pa ring natutulog. Nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin si Vince. Iniwan ko muna sila at naglakad lakad. Nagpatuloy ako hanggang sa napansin ko ito sa hindi kalayuan. Kinabahan na ako sa pwede kung makita. Ng makalapit ako ganun na lang ang gulat ko ng makita kong butas ang noo nito. Araw araw na lang talaga may mamamatay sa amin. Umiiyak ako habang niyayakap ang katawan ni Vince. Tumingin tingin ako sa paligid ng may mapansin pa akong isang bangkay di kalayuan sa katawan ni Vince. Nangangatog na nilapitan ko ito lalo napaiyak sa nakita. Hindi, hindi maaari. Papaanong nangyari ito? Nandun siya kasama namin matulog. Kung patay na siya sino yung kasama namin? Mapapahamak siya. Dali dali akong tumakbo pabalik kela Sandy at Jane. Ngunit huli na ng dumating ako dahil pinatay na nya si Jane. Pinagsasaksak niya ito ng patalim na hawak nya sa buong balikat at leeg. Nakangisi itong lumapit sa akin pero tumakbo na ako ng tumakbo, hindi ko na alam kung saan basta makalayo lang ako kay Sandy. No, hindi siya si Sandy. IMPOSTOR siya. At hindi man lang namin napansin agad. Kaya pala ang bilis mapatay ng mga kaibigan ko kasi ibang nilalang ang pinagtataguan namin. Nilalang na kayang manggaya ng anyo ng iba. (***Flashback) Sandy's POV ***Tumatakbo lang ako ng mawala sa paningin ko sa Jane. Saan siya pumunta? Hinihingal na napasandal ako sa puno. Nagpapahinga ako ng makarinig ako ng kaluskos sa kaliwa ko. Jane? Tumakbo ako doon pero wala akong nakita. May mali. Tumigil ako at pinakiramdaman ang paligid. Sobra sobra ang kaba ko ng maramdaman kung may nakatitig sa likod ko. Pero di pa ako nakakatalikod ng hilahin nito ang buhok ko mula sa likod dumungaw ito sa mukha ko at naglabas ng nakakakilabot na ngiti. Sisigaw na sana ako pero ginilitin na ako nito sa leeg ng hawak na patalim. Bumagsak ako sa lupa. Nakita ko pa ang pagdating ni Carl at ang pagtakbo nito pagkakita sa babaeng duguan. At tuluyan na akong binawian ng buhay. (Flashback Ends***) Hindi ko na kaya, pagod na ako tumakbo. Nagtago ako sa malaking puno at lumingon sa likuran. Ngunit laking gulat ko ng pag harap ko nasa harapan ko na ito at isinaksak ang patalim sa dibdib ko. Sumuka ako ng dugo hanggang sa manlabo na ang paningin ko. Pero nakita ko pa ang totoong hitsura nito. Ang babaeng duguan. Ang nakakakilabot na tawa na lang niya ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD