Chapter 10

1257 Words
Axel's POV Aligaga kaming naghahanap kay Cristail. Bakit ba naman kasi di namin napansin ang pag alis nya. Di ko na talaga kakayanin pag may nangyaring masama sa kanya. Dumeritso lang kami ng lakad. Napansin kung malayo layo na kami sa pinaglibingan ni Alexa. Bakit naman kasi naisipan umalis ni Cristail? Sana nagpaalam muna siya sa amin. Hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako habang naglalakad. Nauunang maglakad sila Vince at Angelo. Nasa gitna sila Jane at Sandy habang ako ay nasa huli. Ilang minuto lang ng makitang kung nakahinto sila Vince at Angelo. May tinitingnan sila sa lupa. Napatakbo ako ng mabilis upang makarating agad sa kanila pero nanghina ang mga tuhod ko ng makita si Cristail na wala ng buhay. "Nooooo." hinawakan ko naman ito at pilit na ginigising. "No no, Cristail wake up, wake up." narinig ko naman ang iyakan nila Sandy at Jane sa likuran ko pero di ko na sila pinansin. "Cristail, wake up. It's not funny anymore." napaiyak na ako ng tuluyan at niyakap ang bangkay nito. Puro iyak lang ang maririnig sa tahimik na kagubatan na ito. Kakalibing lang namin kay Alexa kanina pero ngayon may ililibing na naman kami. Hindi na talaga kami makakalabas ng buhay dito. Lahat kami mamamatay. Dalawampu't minuto na ang nakalipad ngunit patuloy lang ako sa pag iyak at hindi binibitawan ang katawan ni Cristail. Sobra na, sobra sobra na yung sakit na nararanasan namin. Hindi ko na kaya. "Bro, kailangan na natin mailibing ang katawan ni Cristail. Magdidilim na." pinakawalan ko naman ang yakap ko kay Cristail at nagsimula na maghukay ng lupa. Tinulungan naman ako nila Vince at Angelo. Habang iniiyakan nila Sandy at Jane ang katawan ni Cristail. Makalipas ang halos trenta minutos nailibing na din namin si Cristail at gaya ng ginawa namin sa libingan nila Carl at Alexa nilagyan namin ng cross na kahoy sa uluhan nito. Pagod na pagod na kami. Walang gustong magsalita. Pero makalipas ang sampung minutong katahimikan nagsalita si Angelo. "Hindi ba at parang sinadya na gilitan sa leeg si Cristail para di makasigaw? Malayo layo ito sa libangan ni Alexa pero maririnig natin kung may sisigaw man." Napaisip naman ako, totoo. Alam ng killer ang ginagawa nya para di makahingi ng tulong si Cristail, sa leeg nya ito sinugatan. " Tama ka bro, masyadong malinis pumatay ang gumawa nito." " Natatakot na ako." napabaling ang tingin namin kay Sandy dahil sa sinabi nito. Nag simula na rin pati ulit umiyak. "Anong gagawin natin Axel?" sabi ni Jane habang pinapatahan si Sandy. Hindi ko rin alam sa totoo lang. Natatakot na rin ako. Napatingin naman ako kay Vince at Angelo halatang di na rin nila alam kung anong dapat gawin. "Hahanapin ulit natin ang daan palabas sa kagubatan na ito." yun na lang choice na meron kami ang mahanap ang daan palabas. Di naman sila tumutol at tahimik na nagdalamhati. Habang nakatingin sa libangan ni Cristail di ko maiwasang magbalik tanaw sa nakaraan. Gusto ko si Cristail matagal na, high school pa lang kami pero isa kasi akong torpe kaya di ko maamin amin ang nararamdaman ko. Hanggang sa mag college kami hindi nawala yung feelings ko sa kanya mas lalo itong lumalim. Sa bawat bakasyon namin gusto ko na umamin pero lagi akong pinangungunahan ng kaba. Ang plano ko aamin na ako ngayon dito sa camping namin pero iba ang nangyari. Kung kailan naman ako nagkaroon ng lakas ng loob para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko, saka naman siya nawala. Hindi pa nga kami nagkakaroon ng maraming alala ng magkasa, kinuha na agad siya sa akin. Isang beses ko pa lang nahawakan ang kamay nya pero yun na din pala yung huli. Ang sakit sakit. Kasalanan ko ito. Hindi sana ito mangyayari kung hindi ko sinabi na mag camping kami. Hindi sana lahat mangyayari ito kung hindi dahil sa akin. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry Carl and Alexa. I'm sorry my Cristail. Napahagulhol na ako ng iyak. Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Masyado ng mabigat sa pakiramdam. Masyado ng masakit. Vince's POV Nagising kaming mabigat ang pakiramdam. Namamagang mga mata lalo na si Axel. Alam namin ang pinagdadaanan nya. Alam din namin ang pagkagusto nya kay Cristail kahit pa itinago niya ito sa amin. Hindi ko alam kung bakit di napansin ni Cristail o manhid lang talaga ito. Ang mga pasimpleng nakaw na tingin ni Axel sa kanya simula high school pa kami. Kaya nga di nag girlfriend yan kasi hawak na ni Cristail puso nyan. Kaya naiintidihan namin kung bakit mas nasasaktan siya ng sobra sa pagkamatay ni Cristail. "Let's go." sabi nito na parang wala sa sarili. Nagkatinginan naman kami ni Angelo at hinayaan muna si Axel. Pang apat na araw na namin ito dito sa Nighty Forest. Hanggang ngayon araw na lang din ang pagkain namin. Wala na kaming makakain simula bukas. Mga wala kami sa sarili habang naglalakad. Hindi rin naman namin alam kung mahahanap talaga namin ang daan palabas. Gaya ng nangyari noon. Inabot na kami ng gabi pero wala pa rin kami napala. "Magpahinga na tayo." sabi ko pero parang wala silang narinig at patuloy lang sa paglalakad. This is bad. Nawawala na kami sa katinuan. Sumunod na lang ako sa kanila at piniling wag na lang magsalita. Lakad. Lakad. Lakad. At lakad. Wala na kaming mapupuntahan. Ngunit sa paglalakad namin nagulat na lang kami ng biglang bumagsak si Axel. "Anong nangyari?" tanong ko habang tinatapik tapik ang mukha ni Axel. "Hindi ko alam bigla na lang siya bumagsak." Kala ko nawalan lang siya ng malay dahil sa pagod pero ng maramdaman kung basa ang short ko nagtaka na ako. "Pahiram ng flashlight." dali dali namang inabot sa akin ni Sandy ang flashlight niya. "B-blood." sabi ko habang nauutal. Anong nangyari? Sandy's POV "B-blood." kinabahan naman ako sa sinabi ni Vince. Anong blood? Hindi pwedeng mabawasan na naman kami. Araw araw na lang ba may isa sa amin ang mamamatay. "Angelo, help me here. Tingnan natin kung saan nanggagaling yung dugo sa katawan ni Axel." nagmamadaling sabi ni Vince. "Sandy, hawakan mo itutok mo sa amin itong flashlight." dali dali ko naman kinuha ito at tinutok sa kanila. Napasinghap kami ng makitang meron butas sa likod ng ulo ni Axel. "Oh my god." naiiyak na sabi ni Jane sa tabi ko. Papanong nagkaroon siya nun. Magkakasama naman kaming naglalakad. Di ko na naman mapigilang maluha sa pangyayari. Bakit ba nangyayari sa amin ito? Lahat kami nanghihinang napaupo sa lupa at nag iiyakan. " Papaanong nagkaroon siya ng butas sa likod ng ulo? Sinaksak yan sigurado ako." tanong ni Vince. Walang sumagot sa amin. Mga wala kami sa sarili kanina kaya di namin alam kung meron bang nakalapit kay Axel kanina, lalo na at ang liwanag lang sa flashlight ang nagsisilbing ilaw namin. Nagulat na lang kami ng biglang bumagsak si Axel. "Sobrang natatakot na ako." kahit ako takot na takot na lalo na at kayang kayang pumatay ng killer ng hindi namin namamalayan. Unknown's POV Ang tatanga talaga nila HAHAHAHAHA Magkakasama na lang kami di pa nila nakita ang ginawa ko kay Axel. Kahinaan talaga nila ang hindi pagiging aware sa mga nakapaligid sa kanila. Di ko rin naman sila masisi na mawala sa katinuan sa pinag gagawa ko. Masyado nga naman akong brutal pumatay. Ngayong wala na si Axel, paniguradong mababaliw na sila ng tuluyan. Tatlo na lang sila sino kaya ang isusunod ko? *** Don't forget to comment and like everyone. Thank you so much ? I purple you ? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD